Haligi ng Tahanan

4 0 0
                                    


"Masayang masaya ako dahil uuwi ngayon ang aking mahal na ama at meron daw siyang regalo sa akin. Ako'y galak na galak na naghihintay sa kanya."
Tok! tok! tok!. Tunog ng pinto.
Tumakbo ako papuntang pinto para ito'y buksan.
"Tatay. . ." Masayang masaya kung niyakap ang aking ama.
" Tatay , akala ko po hindi na kayo darating kasi ang tagal ninyong dumating." Sabi ko sa kanyang nagtatampo.
"MAari ba iyon anak ? Kaarawan ngayon ng aking prinsesa kaya dapat ay narito ako tsaka may regalo pa ang tatay para sa mahal na prinsesa nya." Sabi nitong tuwang tuwa.
Inabot sa akin ni ama ang isang napakagandang manika , Yung manikang pinapangarap ko, Yung manikang pinangako ni ama nung pumunta kaming bayan upang mamili . Sa sobrang saya ko niyakap ko ulit ng napakahigpit si ama.
"Wow , ang ganda po nito tatay. Maraming maraming salamat itay . Mahal na mahal ko po kayo." Sabay halik sa pisngi ni ama.
"Walang anuman anak para sayo lahat gagawin ni Tatay para ika'y mapasaya .Lagi mong tandaan Sobrang mahal ka ng iyong Tatay." Sabi nito sabay yakap sa akin.
Tok! Tok! Tok! . tunog ng pinto.
"Ay! Teka tatay may tao sa labas." Sabay takbo ko sa pinto upang ito'y buksan.
Nagulat ako kasi madaming tao ang nasa labas , yung iba makikita ang awa sa kanilang mga mata at yung iba naman ay parang maiiyak.
"Bakit po ?" Tanong ko sa kanila.
" I-ija kasi . . " nag aalangang sabi ni mang kanor.
"BAKIT PO aling kanor ?? Bakit ganyan ang inyong mga mukha??"
"K-kasi ija ang iyong ama'y p-patay na." Sabi nito .
Natawa ako ng sobra kasi alam kung nasa loob si tatay at nag aantay sa akin.
"Hindi po iyan totoo!! Nasa loob si tatay." Sigaw ko sabay pasok sa loob upang harapin si tatay ngunit wala ng tao doon . Narinig ko ang bulungbulungan ng mga tao sa labas. Napaupo na lamang ako sa sahig at iyak ng iyak na hindi makapaniwala sa sinapit ng aking Mahal na Tatay . Sa kahulihulihan ng kanyang buhay ako pa din ang kanyang iniisip.

ImahinasyonWhere stories live. Discover now