Chapter 30

254 19 1
                                    

CHAPTER 30

GROCERY

Tinawagan ko si Adrian at gusto nya sana makipagkita kaso alam ko naman na busy sya kaya sabi ko okay lang.

Pagkatapos ng tawag ay nakita kong nag text si Ash, Inopen his text.

Ash:

Where the hell are you?

Kanina pa yun, halos kasi isang oras din kaming nag usap ni Adrian.

Ayoko sana syang replyan kaso I need to make sure na wala na sya sa condo.

Ako:

Don't worry I won't be leaving.

I sighed bago pinaandar ang sasakyan. Dahan dahan ang bagal ng pag papatakbo ko sa sasakyan ko.

Nang makarating sa condo ay lilingon lingon pa ako, wala eh baka mamaya andito pa yung isang yun.

Sumakay na ako sa lift, ng tumunog yun hudyat na nasa tamang palapag na ako ay kinabahan ako.

Dahan dahan akong lumabas sa lift at nakahinga lang ako ng maluwag ng walang tao sa labas ng pintuan ng condo ni kuya Zic.

Dali dali kong binuksan ang pintuan at sinara yun. Well I expected for him to at least wait.

Hindi nya nagawa ng ilang oras ngayon taon pa kaya?

Now it's not only him who have issues about the past of us. Well who wouldn't have one, right? there's no explanation and closure.

Maybe I should start preparing myself for our confrontation because I know I can't keep this.

Everyone wants explanation.

I sighed heavily. Tumaas ako sa kwarto ko at nag palit na ng damit. Naupo ako sa vanity ko at pinagmasdan ang sarili.

Pero bakit nga bang talaga lagi na lang ako umaalis? bakit yun na lang nga ba ang nasa isip ko?

Maybe he's right, wala na akong ibang alam gawin kundi umalis.

Bakit ba lagi na lang kaming nag kakasagutan? is it because of the past? can't we just go on with our life without thinking or mentioning of what happened before? can't we do that? why can't we? is it because we can't move on? is it because we want explanation? can't we move forward without talking about the past? do it really need closure? para saan pa, tapos na lang din naman diba? magsisi lang naman tayo kaya para saan pa. Para dagdagan ang mga iniisip natin?

Hindi ko maintindihan.

Nakatulog ako ng sa hapon na yun, nagising na lamang ako ng madilim na. eleven na ng gabi, napahaba ata ang tulog ko ganon ba ako kapagod at kulang sa tulog? well maybe masyado ng pagod ang utak ko. Tiningnan ko ang cellphone ko may mga text doon pero hindi ko na yun pinansin.

Pumasok ako sa bathroom at narealize ko na wala na akong mga essentials, well bukas na lang ako bibili ng umaga.

It was a long sleep for me so I doubt na makakatulog pa ako. Bumaba na lamang ako at nagtimpla ng kape.

Binasa ko na din ang mga text sa akin at hinuli ko yung ki Ash. He was asking if I did eat dinner, at kung bakit daw walang sumasagot sa condo eh nagpadeliever sya ng pagkain.

Hindi nya naman sinabi diba na kailangan ko syang replyan? nagkibit balikat ako at binaliwala na lamang ang mga text nya.

At dahil gising na gising ako ay manonood na lang ako ng movie at hihintayin ang pagbukas ng grocery para makabili ng essentials. Mamaya na din akong hapon mag aayos ng gamit na dadalhin. Konti lang ang dadalhin ko because of course I doubt it na mag tagal kami sa iisang bubong na ang dami naming issues sa isa't isa.

Unconditional Love (San Leona, Biliran #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon