Prologue

391 15 0
                                    

Prologue

“Ah, si Rael, yung underdog.”

“Extra.”

“Anino ni Timo ‘yon.”

Yan ang madalas na i-describe sakin ng mga taong nakapaligid samin. Eh pano, ikaw ba naman tumindig sa tabi ng isang taong perpekto kung ituring ng iba. Syempre matik ng hindi maganda ang makukuha kong impressions sa iba.

Sa katunayan, hindi ko dapat ‘to kwento.

Isa lang naman kasi akong dakilang side character sa buhay ng best friend ko.

Extra nga kung tawagin.

Wala eh. Nung umulan ng milagro at grasya, siya lahat ang nakasalo. Kaya tuwing may sinasalihan siya o may gusto siyang gawin, lagi lang akong nakasuporta sa kanya.

Pero ang sabi nga nila, sa bawat kwento may plot twist.


At ako na walang kaalam-alam sa storyang ‘to...

Hindi ko inasahan na sa isang iglap, ako na pala ang magiging main chatacter at ang best friend na lagi kong kasama ang gaganap bilang leading man sa sarili kong kwento.

Fools! [BL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon