Chapter Two

33 3 0
                                    

Last week pa lamang ng June pero andami na agad naming nagawa, feeling ko kalahati na ng school year ang natatapos ko.

Totoo ngang mas marami ng ginagawa pag Grade 12, graduating kunno na raw kasi. Idagdag mo pa ang pagiging officer ko sa club. No reason para magreklamo, pinili ko 'to.

"Uy, Lucii pwede ko na bang makuha yung ambagan natin sa activity?" pag apura ni Lilia saakin.

Daming Gawain, daming ambagan. Muntik ko pang makalimutan magbayad.

Kinuha ko agad sa bag ang wallet ko, at kumuha ng bente.

"Naks naman Lucii, gwapo naman nyang kasama mo sa picture. Ang cute nyong tignan." pagpupuri nito ng makita ang larawan namin ni Dee.

Candid picture habang nagpipisilan kami ng mga pisnge namin. It was taken, I think 4 years ago.

"Naku, kababata ko iyan. May lahi kasi kaya hindi maitatangging gwapo. Uy, Salamat ulit sa pag lead sa activity natin." sabi ko rito at nag abot ng bente.

Sa sobrang dami kong iniisip, nakalimutan ko ng isipin si Daniel. Kamusta na kaya iyong mokong na 'yon.

After nya kasing bumalik sa Canada, ay minsan nalang kami magkausap. Messenger at facebook lang ang nagcoconnect saamin.

Pero pagtapos ng ilang buwan, nagdeactivate na rin sya. Wala na akong alam na paraan paano sya kokontakin.

Ang pinanghahawakan ko nalang ngayon, ay ang pangako namin sa isa't isa na almost two years ago na.

"Wala parin bang paramdam yang bebe mo?" tanong ni Rae na nagbalik sa aking reality.

"Huh? Bebe? Kaibigan ko pa lang si Daniel." pagpapaliwanag ko.

"Sus, ganun rin 'yon. Bebe mo parin, gusto nyo naman isa't isa at saka "pa lang"? So, coming soon pa lang?" pagpipilit nya sa bebe kunno at aba, tinukso pa ako.

Feeling ko tuloy nag iinit ang pisnge ko dahil sa pinag sasabi ko, "pa lang"? Seriously Lucii?

"Ba't may pag blush si mayora?" panunukso pa nito.

Hindi ako titigilan ng babaeng ito, kaya tumayo na agad ko para pumuntang bathroom.

"Comfort room lang ako." pagpapaalam ko agad pumunta sa comfort room.

Pagpasok ko sa C.R ay bumungad sakin ang nagchi-chismisan na taga kabilang section.

"Oh My Gosh! Ang hot nya talaga noh?" kinikilig na sabi ng babaeng naglalagay ng lipstick.

Naku, dinaig pa sa pagkapula ang lipstick ang mga teachers.

"Naku, sabi mo pa. Bagay na bagay sa kanya yung blue hair color nya lalo na at napakaputi nya. Sana classmate natin sya." sagot naman ng kausap nya na kilay ang puhunan.

Maling-mali talaga na makinig sa mga pinag-uusapan ng iba, a hot guy? blue hair color? tss, makapag-larawan kala mo nasa wattpad.

Naghugas na lang agad ako ng kamay at dali-daling bumalik sa classroom.

xoxo

Goodbye, Hello (ENHYPEN SERIES 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon