Maaga akong pumasok ngayon dahil may aasikasuhin pa akong mga papel.
"Himala, maaga kang pumasok ngayon." Bungad na bungad sa akin ni Avi.
"Naku teh, sinabi mo pa! May pinapaayos kasi sakin si Ma'am Rivera." tugon ko rito.
"O, s'ya punta muna ako sa building ng stem. Aabangan ko si Vinx." Paalam nito sakin.
If you're asking kung sino si Vinx...
He is the representative of STEM, bukod sa gwapo, matalino pa. Kaya si Avi, mag aabang don para masilayan s'ya.
5 minutes nalang before our first subject, niligpit ko na agad ang mga papers at iniwan sa drawer ni Ma'am Riva.
Tumakbo na ako papuntang hagdan, baka ma-late pa ako.
Napahinto ako ng makasalubong ko si Jay na kakaliko lang din papuntang hagdan.
"Mornin'" simpleng sabi nito na at ngumiti ng tipid.
Naiwan akong nakatayo na naghahabol pa ng hininga.
shet, shet, shet..
Late na ako.
Saktong pagkarating ko sa aming room, ay nakasarado na ang pintuan.
Nakita ko si Jay na nakasandal sa pader, may suot itong earphones at nakapikit.
Napaka-kalmado nyang titigan, parang hindi late.
Nagulat ako nang makitang kulay itim na ang buhok nito at naksuot ang aming complete uniform.
"Ang gwapo naman ni Jay, boyfriend material acckk" Bulong ng babaeng taga kabilang section na dumaan sa aking gilid.
Tinignan ko ulit si Jay, at hindi ko ngang maitatangging bagay sa kanya ang aming uniporme. Simpleng longsleeve, slacks na itim with necktie lamang ang suot nya pero ang lakas ng dating sa kanya. Idagdag mo pa ang suot nyang accessories at kanyang panga. Napakaperpekto.
"Baka naman matunaw 'yan bess." Bulong saakin ni Rae na nagpabalik sa aking katinuan.
Obvious bang pinag aaralan ko s'ya? Hindi naman siguro!
"Parang may nagbago kasi sa kanya." Patay malisya kong sabi.
"Talaga ba?" panunukso nya pa sa saakin.
"Oo nga, tignan mo s'ya." simple kong sagot.
Tinignan nya muli si Jay at napatili sya ng mahina at saka ako hinampas sa braso.
"Ang gwapo ni Jay bess, kaloka hindi ko kinaya." Bulong nya sa akin at patuloy akong hinahampas.
Buti nasa loob na si Avi, kung hindi kawawa nanaman ako sa dalawang ito.
"Pero, bakit ka late?" Tanong ko rito habang patingin tingin parin kay Jay na kasalukuyang nakapikit parin.
"Late na ako nagising, tinapos ko kasi yung Penthouse season one. Hindi ko kinaya bess, sarap manapak." g na g nyang sabi.
"Buti naman pinanood mo na 'yan bess! Grabe si Eun byeol 'no??" Nirecommend ko kasi sa kanya yung palabas na 'yon dahil nagandahan ako, buti at pinanood nya na.
"Sinabi mo pa bess, na-late tuloy ako at anong oras na akong nakatulog." reklamo pa n'ya.
Halos isang oras din kaming naghintay bago makapasok sa loob ng classroom.
Pagpasok palang namin kanina sa room ay nagkagulo sila dahil sa changes ni Jay.
Well, hindi naman na ako nagtaka. Iba talaga ang epekto ng gwapong kaklase/ may lahing kaklase.
Wala pang schedule si Jay kaya nandito parin sya buong araw.
Naalala ko ang sinabi ni Ma'am sa akin kanina.
I-tour ko raw si Jay sa buong campus, para raw maging familiar s'ya rito.
Tinignan ko ang aking katabi, kasalukuyang nanunod siya ng anime.
Huminga muna ako ng malalim at saka ko inagaw ang atensyon nito.
Pinause niya muna ang kanyang pinapanood at tumingin saakin.
"Gusto mo bang iikot kita sa buong campus? Para maging familiar ka rin dito." Sabi ko rito at ngumiti.
Tinitigan niya lang ako na parang nag iisip.
"What I mean, do you—
"I understand, but no need." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil pinutol n'ya agad ako.
Pagkasabi n'ya ay agad syang nagpatuloy sa panonood ng anime.
Napairap nalang ako dahil ang suplado n'ya nanaman. Kanina naman ay binati niya ako.
Bahala s'ya, basta tinanong ko siya.
xoxo
BINABASA MO ANG
Goodbye, Hello (ENHYPEN SERIES 1)
Teen FictionENHYPEN SERIES #1 Lucii and Daniel are still young when they promise to wait to each other. While she's waiting to Daniel, Lucii will meet the cold-hearted guy named Jay. What will happen to Lucii and Daniel, if she finds out the secret behind Jay...