"Himala, umuwi ka ata ng maaga ngayon dollie" napalingon sya sa kinaroroonan ng kuya niya, prente itong naka upo sa sala nila.
She smiled sweetly to her brother masyado syang masaya para patulan ang kumag na ito ngayon.
"Oh there you are my dear brother, Umuwi ako ng maaga kasi kailangan kong mag beauty rest" aniya tsaka nagpamaywang sa harapan nito, nakita nya ang pagtaas ng kaliwang kilay nito.
"Beauty rest? Huh? For what? Or shall I say for whom? And for the record kahit anong beauty rest gawin mo dollie, walang magbabago "He smirked. Kahit kailan talaga, her brother was so irritating.
Pero di nya ito papatulan ngayon, she have to be relax and cool para iwas wringkles. Pero bibigyan nya pa rin ito ng walang kakupas kupas nyang katarayan.
"You know what kuya gavin, you have a point kahit anong beauty rest gawin ko, walang magbabago, cause I will always be beautiful, just like a barbie doll, which sigifies my name. And as for you just like what your name gavin, which sounds like a goblin. You really looked like a goblin that has been locked up in box for a thousand years. So dear brother, I suggest that you should take your beauty rest too. Bye gavin." Aniya tsaka ito iniwang nakanganga, she smirked. Poor kuya gavin, he will never beat my rudeness. Tsaka sya umakyat sa hagdanan nila at tinungo ang kwarto niya..
..
Pagpasok nya sa kwarto niya ay ibinagsak nya ang katawan sa queen sized bed nya na baby pink ang kobre kama, hello kitty ang designs ng mga unan nya at meron din siyang life sized na hello kitty, spongebob at power puff girl na si blossom sa room nya na inilagay nya talaga sa gilid ng kama nya, mahilig sya sa cartoon characters at ang tatlong iyan ang pinaka paborito nya.
At ang kulay ng wall ng room nya as usual kulay pink. Lahat halos ng gamit nya pink, eh bakit ba, love ko ang pink eh, alam ko I am already 21 pero aaminin ko mga panties ko hello kitty ang designs.
Sino bang may sabi na bawal mag panty ng hello kitty kahit nasa twenties na,wala naman eh.
Nang mapadako ang tingin nya sa may bandang uluhan ng kama nya ay nakita nya ang tanging pinaka paborito nyang unan, pinasadya nya pa ito, naka print lang naman sa punda nun, ang picture ng pinaka mamahal nyang si aiden.
Kinuha nya iyon at niyakap ng mahigpit at pinupog ng halik ang unan. .
Na-eexcite sya sa pagkikita nila ulit ng personal, and I am so sure na magugulat ito sa ganda nya, bakit hindi eh, sobrang ganda nya na ngayon.
Hindi naman sa nagmamayabang nagpapakatotoo lang. Napangiti ulit sya. Hay, kuya aiden kailan kaya kita mayayakap talaga tulad nito, yung very intimate, I cant wait for that to happen.
But for now I have to sleep first and be ready for our meet and greet again, soon. Hindi na naman nya napigilang kiligin.
I love you so much Aiden Hunter Montereal. You are mine, and mine alone.
Aniya, tsaka unti unting ipinikit ang mata, hanggang sa hatakin na nga sya ng antok.
——————————
HELLO PO! :)
Sensya na, nagyonpang ulit naka pag update, sanaagustuhan nyo, kahit maikli lang :) bawi na lang po sa susunod :)
Salamat po sa pagbabasa, sana maenjoy nyo, God bless you all :)
andie_killeramile ♥