CHAPTER 3

8 4 0
                                    

~
Detective Kaceline: Solver of Unepenetrable Crimes

by:escritora_kacey
~

Kaceline Yokashi's POV

"This is Zarel Gonzales, 40 years old and his wife na si Yannie Gonzales. Both graduated as an engineer and married at 2003. The next year na nanganak si Yannie with their own child na si Trixie Gonzales. Maganda naman ang naging relationship ng family nila since she was born." I pinned their pictures sa board while discussing it with Cassandra.

"So when Yannie was pregnant in 2013 kay Khiana Gonzales it was reported na nagiba ang pakikitungo nila sa nauna nilang anak." Dagdag ko saka tumingin sa mata niya.

She seems thinking deep than I thought, she is working her head this hard para sa kaso na ito.

"At ano namang pakikitingo ang ginawa nila? Parang napakaharass naman non if they treat her like an animal."

"And that's the thing we should find out, read mo muna yung personal information nila. I will get something kay Jake." Iniabot ko sa kaniya ang folder at lumabas.

I headed straight sa office niya at alam kong nakihilata lang iyon.

Hindi na ako kumatok pa at dere deretsong pumasok sa loob.

"Gosh Kaceline! Papatayin mo ba ako sa gulat? Just knock first before entering!" Naiiritang sambit niya habang nakita ko siyang nagiisip sa kawalan.

"Knock mo mukha mo, parang hindi ka na nasanay sa gawain ko. Did they tracked the first daughter?"

"Yeah, they will be bringing her here. Sumama naman agad at hindi na nanglaban kaya hindi nahirapan mga police natin." Sagot niya agad.

Bigla siyang naglabas ng isang box ng donuts and took a bite.

"Prepare your questions para sa kaniya. I will be watching you on how you handle this case." Dagdag pa nito habang ngumunguya.

"Okay fine, ireready ko na din si Cassandra sa gagawin. Oh can I have some?" Pero bago pa siya magsalita I took two donuts from the box and walked away.

"You don't have my permission na kumuha yet you steal my 2 loving donuts!" He yelled at me na parang bata.

I turned at him once again at dinilaan ko siya and hurriedly ran through the door.

Agad akong nagayos ng lakad at ng ekspresyon ng mukha dahil nasa labas na ako ng office.

Walang nakakaalam na ganoon kami magusap ng head and how close we are.

Ang alam pa nga nila nagaaway kami palagi and we are cold to each other but it's a total opposite.

Pagkapasok ko sa office nakita kong nakatutok si Cassandra ng maigi sa folder kaya binigay ko ang donut na isa.

"Thank you." Tanging ani niya saka kinain ang donut.

Mukhang magaling ito na detective base on how her eyes and expression na pinapakita.

"The signature of the killer indicates death and being broken, right? She even lettered the word death capitalized."

"Yes, in my opinion mukhang matalino pumatay ng taong ito. Biruin mo no traces was found or evidences na galing sa killer. He or she is a professional killer kaya we should be more careful." I said as I took my last bite sa donut ko. "I am just thinking, bakit naman nila iiwan ang anak nila samantalang yon pa ang first child pa nila iyon." dagdag ko pa.

"Kahit pa anong ugali ng anak nila they should not leave her like a stray. There was a report na iniwan siya sa isang amusement and moved here. Magisa na lang daw siyang nakatira but seems she is living her life happy. Nagtrtrabaho siya magisa for her own living at makapagtapos ng pagaaral." halata sa kaniya ang pagkalungkot.

Detective Kaceline: Solver Of Unpenetrable CrimesWhere stories live. Discover now