chapter 11

22 0 0
                                    


Chapter 11
KCIA'S POV
"Hi baby"sabi ko pagdating ko sa dining

"Mommy kain kana po"sabi nya ngumiti naman ako sakanya saka umupo sa tabi nya

Nasa harapan ko ngayon nakaupo si zyhrone

"Bakit hindi pa kayo kumakain?"tanong ko

"Sabi po kasi ni daddy antayin ka namin kasi ganun daw po ang tunay na pamilya"sabi ni baby rafael tumingin ako kay zyhrone nakatingin sya kay baby rafael

Tunay na pamilya?diba hindi naman kami tunay na pamilya?

Umiwas agad ako nang tumingin sya saakin

"Nandito na si mommy kain na tayo"sabi ko saka pinagsandukan si baby rafael

Habang kumakain walang umiimik saamin hanggang sa matapos kami

"Ako na bahala dito"sabi ni zyhrone tumango naman ako saka kinarga si baby rafael

"Mommy pwede poba ako maglaro sa kwarto?"tanong ni baby rafael

"Ofcourse my baby"sabi ko pumunta kami sa kwarto

Pagkalapag ko sakanya tumakbo agad sya papunta dun sa mga laruan nya

"Baby kakausapin ko lang si daddy mo ah babalik si mommy"sabi ko tumango sya kaya naglakad na ako palabas

Nilock ko muna yun pinto bago naglakad pababa

Pagpasok ko sa kusina nakita ko sya na naghuhugas naglakad ako papunta sa isang upuan saka umupo dun

"Bakit mo sinabi sakanya yun?"tanong ko

"Ang alin?"tanong nya ng hindi manlang tumitingin saakin

"Sinabi mo kay baby rafael na....tunay na pamilya tayo"sabi ko

"Hmm..oo nga anong masama dun?"tanong nya

"My ghad zyhrone!pinapaasa mo yung bata!"sabi ko nilagay nya yung plato sa lalagyan bago sya humarap saakin

"Kcia"natigilan ako first time nya akong tinawag sa pangalan ko....at aaminin kong maykakaiba akong nararamdaman

"Hindi ko sya pinapaasa "sabi nya kumunot naman ang noo ko

"Anong hindi?pinapaasa mo sya!sinabi mong tunay tayong pamilya samantalang ang totoo hindi naman.....zyhrone pansamantala lang toh"sabi ko

"Alam ko kaya ko nga sinabi yun eh....hindi ko sya pinapaasa gusto ko lang maramdaman nyang may pamilya sya kahit pansamantala lang"sabi nya

Naintindihan ko ang point nya pero kasi....

"Kaso baka masanay sya"sabi ko

"Wag mo na muna isipin yun ang importante ngayon maramdaman nya na may pamilya sya....hindi nya rin maiintindihan kung ipapaliwanag natin sakanya masyado syang bata para intindihin toh"sabi nya

Napayuko ako tama sya masyado akong nag over think...concern lang ako sa mararamdaman ni baby rafael kapag natapos ang laro natoh

Nagulat ako ng bigla nyang hawakan ang pisngi ko

"Wag mona muna isipin yun....sa ngayon puntahan na natin sya sa taas....asawa ko"sabi nya saka umalis

Asawa ko....

Asawa ko...

Asawa ko...

Napatitig ako sa dinaanan nya hindi parin ako makaget over sa sinabi nya

Asawa ko?what the heck?kcia wag kang magpapadala sa mga sinasabi nya remember nasa isang laro ka kung saan bawal mafall

Huminga ako ng malalim bago naglakad papunta sa taas

TEMPORARY LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon