chapter 13

23 0 0
                                    

Chapter 13
KCIA'S POV
"Grabe nakakapagod "sabi ko pagtapos kong umupo sa bench dito sa garden

Kakatapos lang namin maglaba ni zyhrone tagabanlaw lang ako pero grabe ang pagod ko

"Ang saya maglaba noh?"tumingin ako sakanya nakaupo sya sa tabi ko

"Medyo pero mas lamang ang pagod"sabi ko

"Hindi mawawala sa trabaho ang pagod "sabi nya sumandal ako saka tumingin sa mga bulaklak

"Kcia"tawag nya saakin

"Hmm?bakit?"tanong ko

"Pwede ba ako magtanong ng medyo personal?"tanong nya tumango naman ako

"Bakit ang sungit mo?"tanong nya napaisip naman ako

"Alam mo...hindi ko rin alam....since birth masungit na ako baka namana ko kay mommy "sabi ko

"Bakit ganun ang tingin mo sa mahihirap?"natigilan ako sa tanong nya

Kailangan ko bang sabihin sakanya?

"Ok lang kung ayaw mo-"

"Mahilig ako sa bata...kaya lagi akong nasa bahay ampunan "paninimula ko

"Lagi akong pumupunta dun para dalhan ng pagkain at dalawin ang nga bata pumupunta ako dun para mawala ang stress ko "

"May nakilala akong isang lalaki dun dun na sya lumaki sa bahay ampunan malapit sya sa mga bata tulad ko.......lagi kaming magkasama tuwing dadalawin ko ang mga bata "

"Hanggang sa kinausap nya ako....gusto nya mag-apply bilang bodyguard ko....ayaw ko sya tanggapin dahil masyado syang bata...magkasing edad lang kami baka wala syang alam sa pagiging body guard.....iniisip ko nun baka kapag tinanggap ko sya ako pa amg promotekta sakanya"

Tahimik langsyang nakikinig walang ginagawa na kahit anong ingay

"Bawat balik ko sa bahay ampunan pinipilit nya parin ako.....hanggang sa dumating yung araw na talagang nagmakaawa na sya sabi nya kailangan daw nya ng pera pampaaral ng kapatid nya..kaya wala na akong choice kung hindi ang tanggapin sya "

"Simula nang tanggapin ko sya..sya na ang lagi kong kasama mula sa bahay, sa pagalis...sa lahat ng lakad ko kasama ko sya ginawa ko na rin syang driver para may dagdag sweldo sya"

"Tumagal sya bilang driver at bodyguard ko...at sa tagal na yun kasama ko sya lagi kaya hindi ko naiwasang mafall sakanya....he's so sweet caring....napakamaaalahanin nya na kahit day off nya tinatanong nya kung kumain na ko or kamusta ako at dahil dun na fall ako"sabi ko

"Sinubukan kong lumayo sakanya alam kong mali ang nararamdaman ko dahil bodyguard ko sya at amo nya ako"sabi ko

"Anong mali dun?"biglang tanong nya

"I...i dont know basta feeling ko mali..mali na mahalin ko sya...mali na maging kami"sabi ko hindi na sya sumagot kaya nagpatuloy ako

"Sinubukan kong lumayo pero walang nangyari dahil bodyguard ko sya at lagi ko syang kasama....dumating sa point na pinagselosan ko yung isang maid namin na sobrang close nya at yun ang naging dahilan ng pag amin ko sakanya"

Yumuko ako para hindi nya makita ang lungkot sa mukha ko

Masakit talaga balikan ang nakaraan huminga ako ng malalim bago nagpatuloy

"Umamin ako pero sakit ang natanggap ko....hindi nya ako mahal dahil may mahal syang iba....wasak na wasak ako nun feeling ko napira piraso ang puso ko....walang araw na hindi ako umiiyak sobrang sakit"sabi ko

"Ginawa ko syang bodyguard ng mommy ko.....ayaw kona syang makita pero ayaw ko naman na mawalan sya ng trabaho......umalis ako ng bahay at tumira ako sa condo ko "

"Araw araw lagi akong lasing walang ginagawa kong hindi ang umiyak....akala ko todo na yung sakit pero hindi papala...tumawag saakin sila mommy sinabing nanakawan sila maraming pera at alahas ang nawala ...pumunta ako sa bahay umiiyak si mommy dahil nanakaw ang mga alahas Kasama sa nanakaw ang kwintas na regalo ni lolo kay mommy bago sya nawala...mahalaga kay mommy yun kaya gusto nya makuha"

Naalala ko kung pano umiiyak si mommy maski si daddy hindi sya mapatahan

"Tinanong ko kung kilala nya yung nagnakaw nabigla ako nung sinabi nya na ang lalaking mahal ko ang nagnakaw..nung una hindi ako naniniwala alam kong hindi nya magagawa yun...pero nung tignan namin ang cctv camera sa bahay kita ko...kitang kita ko na ang lalaking mahal ko nga ang nagnakaw"sabi ko

"Hindi ko akalain na magagawa nya yun...kaya pala walasya dun kasi sya ang nagnakaw...ang daming tanong sa isip ko...bakit sya nagnakaw?hindi ba sapat ang sahod nya?ano bang gagawin nya sa pera at kailangan nyang magnakaw?"

"Lagi malungkot si mommy kaya nagdesisyon akong hanapin sya hindi para makuha ang pera...kung hindi para makuha ang kwintas na mahalaga kay mommy...ginagawa ko lahat..lahat ng koneksyon ko ginamit ko para lang mahanap sya...halos hindi na ako makatulog"

"Hanggang sa dumating ang araw na nahanap kona sya....nung una nagdadalawang isip ako ayaw ko syang makita pero kailangan kong maibalik ang sigla ni mommy...so have no choice kung hindi ang puntahan sya...sobrang layo nang pinuntahan namin parang isla na ata yun "

"Pagtapak na pagtapak ko sa tapat ng bahay nila wasak na wasak na agad ako..kita ko sya kasama ang babaeng mahal nya na masaya....dun nagumpisa ang galit ko...pagtapos ng lahat ng ginawa ko ganun ang ibabalik nya?pwede naman sya humingi bakit kailangan nya kaming pagnakawan "

nangingilid na ang luha sa mata pero pinipilit kong pigilan

"Pumasok ako sa bahay nila kita kong nagulat sya....tinago nya agad ang babae sa likod nya na parang pinoprotektahan nya yun..at dun..dun ako totally nasaktan...hindi na ako nagpadalos dalos kinuha ko agad ang kwintas at umalis"

"Nagsimula dun ang galit ko.....dun ko na realise na ang mahihirap ay pera lang ang habol "sabi ko

"But dont worry i already realise that im wrong...mali ako kasi inisip kong pare parehas kayo"sabi ko

Hindi sya umimik kinagat ko ang labi ko at kumurap kurap para pigilan ang pagpatak ng luha ko

Pero nagulat ako ng hawakan nya ang magkabilang pisngi ko at hinarap sakanya

"Wag mong hayaan na saktan ka ng nakaraan.....ang masasakit na nakaraan ay dapat nang kinakalimutan....hayaan mong baguhin ka ng future"sabi nya tumango ako

"Lagi mong tandaan na ang lahat ng nakakasakit sayo ay iwan mo sa nakaraan at kalimutan "sabi nya

"Im here...nandito ako para samahan ka mula ngayon hanggang sa future....hindi ko maipapangako na hindi kita sasaktan pero gagawin ko ang lahat para ibalik ka sa dati at panatilihin kang masaya"sabi nya

TEMPORARY LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon