Sa pag-ibig, hindi lamang puro saya at kilig.
Mayroon din itong pagsasakripisyo.
Ang ating relasyon, ay tila perpekto na para sa iba.
Ngunit hindi nila alam, kung ano nga ba ang mga pinagdaanan natin.
Hindi nila alam, kasi nakikita lamang nila tayong matatag at masaya para sa isa't-isa.
Masasabi pa kaya nilang perpekto kung malaman nila ang kwento ng ating pagmamahalan?
Maraming luha na ang ating inilaan para lamang mapagtagumpayan ang ating laban.
Maraming pagsubok na ang ating kinalaban.
At natatakot ako...
Natatakot akong isiping mawawala ka.
Natatakot ako na baka sa pagmulat ng aking mga mata, ay malalaman kong wala ka na.
Kakayanin ko ba?
***
Note: So ayon, hehe. Nag decide na ako kung anong gagawin ko sa ending. Nung pinublish ko kasi ito ay hindi pa talaga ako sure sa magiging takbo ng story, so inunpublish ko po muna siya at ito na talaga haha. At nasabi ko na rin po na baguhan lamang ako dito, kaya sana ay maintindihan niyo. Kung may mapansin po kayong errors or whatever, please let me know po. Salamat!
BINABASA MO ANG
TIME MACHINE
TeenfikceIsang pagsubok ang haharapin ng magkasintahang si Aliya at Ken. Malalagpasan kaya nila ito?