It was eleven in the evening but I'm still up. As usual busy ako kaka-scroll sa newsfeed ng facebook ko. Every night routine ko na ata 'to. Well sanay naman akong magpuyat.Bored ako this past few days dahil may quarantine na nagaganap sa Pilipinas. Bawal lumabas. Bawal gumala. Dahil sa isang virus na kumakalat na di pa nagagawan ng gamot. Kaya kung gusto mo pa mabuhay, wag kang lalabas. Charot.
Busy ako nagco-comment sa isang post nang tumunog yung messenger ko. Napakunot noo ko. Sino naman magchachat sa akin ng ganitong oras? Yung mga friends ko kanina ko pa nakamustahan na for sure tulog na sila ngayong oras.
Tinapos ko na agad yung pagco-comment ko sa isang post at pinindot ko yung messenger ko. Para i-check kung sino yung nag-message.
Groupchat?!
Pinindot ko yung groupchat na may pangalang 'OpenChat'. I noticed na maingay yung GC. Well kadalasan sa umpisa lang maingay ang GC. Then nakita ko sa GC may mga nagtataka kung bat nandun, at yung iba, magkakakilala na.
I just sent the word 'Hi' sa GC. Hindi naman talaga ako mahilig sa GCs. For me, sakit lang sa ulo lalo na kung toxics kasama mo. For me lang naman, hehe.
Pagkasend ko nun, binalik ko na ang pag-i-scroll sa news feed ko. Alam ko namang walang papansin ng message ko dahil bago palang ako dun. Nagtataka din ako sa sarili ko bat di ko pa nililisan ang GC na 'yun.
Not long after ko magchat, sunod-sunod na tumunog ulit yung messenger ko. Dahil naiingayan ako at baka magising ang kuya kong tulog na, bumalik ulit ako sa messenger para i-mute yung groupchat.
Pero iba ang nangyari. I thought di nila papansinin yung chat ko, but they greeted me pa. Even their admins at yung founder nila na girl.
"Hi @ Cherish Faith. Welcome sa GC." The founder (I think) said to me sa chat.
"Hello newbie!"
"Welcome! Sana maging active ka dito! Wag kang mao-OP"
I just thanked them sa pag-welcome nila sa akin. Although hindi ko alam kung paano at kung sino ang nagsali sa akin doon. The next thing I knew, nakikipag-chikahan na ako sa kanila at nakikipag-kulitan na. Di ko na rin namamalayan ang oras habang nasa groupchat ako na iyon.
Then maya-maya pa, habang nagdadaldalan kami sa GC, may lumabas na notif ng friend request sa akin.
Umalis muna ako ng messenger para i-check kung sino ang nag-add sa akin.
'Vill Jhay U. Gonzales sent you a friend request'
Ayan ang lumabas sa notifications ko. Familiar yung name sa akin, so bumalik ako sa GC. Mukha kaseng doon ko nakita yung name ng guy. Tinignan ko yung members ng GC kung nandoon ba yung pangalang 'yun. At confirmed, nasa GC siya.
In-accept ko yung friend request niya, I don't know bat ko ginawa yun. Although 'di ko ugaling mang-accept ng di ko kilala at di ko pa ini-stalk. Parang wala lang sa sarili sa in-accept ko siya.
Bumalik ako sa GC. I continued chatting them then a guy chatted sa GC.
"Thank you sa pag-accept @ Cherish Faith :)"
I just replied "Welcome."
"Dumada-moves kana Vill pre, ah." chat ng isang member, si Calvin, na I guess kaibigan niya. Natawa ako nang mabasa ko 'yun.
YOU ARE READING
Dahil Sa Quarantine (One-Shot)
Roman pour AdolescentsNang dahil sa quarantine...I experienced my first heartbreak...