"Mee! Anu ba yan! Andaming tao oh. Uwi nalang kaya tayo?" Naiinip na tanong ni Mae sakin. Nandito kasi kami sa gym ng Scaryns University. Manunuod sana ng volleyball game nila Cloud babes ko. Dumayo pa talaga kami. Makita ko lang siya.
"Ehh..Mae naman! Nandito na tayo eh. Wag kanang kj please. Samahan mo na ko. Di ba nga tinulungan naman kita sa pinsan ko. See? Magkatext na kayo." Pangungumbinsi ko sakanya.
Di ako uuwi hanggang di ako napapansin ni crush. It's now or never. Magpapakilala talaga ako. Atleast man lang..maaware siya na may Rosmee Henson na nag eexist dito sa mundo noh.
"Hayy..okay fine! Pasalamat ka't close na kami ni crush ko. Waaahhh am bait ng pinsan mo Mee!" Natatawa nalang ako habang pinapanood ko siyang mukhang anime na naghaheart yung mata. Inlababo na nga sa pinsan ko. Tsk.
Nanood kami ng game hanggang sa matapos. Grabe..mapapaos na ata ako sa kakasigaw eh. Pero worth it naman kasi panalo naman sila.
Waahh ang galing niya talaga. *^O^*
"Mee..seryoso ka talaga sa gagawin mo?" Tanong niya sakin. Tapos na ang game kaya gagawin ko na yung plano ko.
"Oo naman Mae! Basta..tulungan mo lang ako. Gawin mo yung part mo ng maayos okaaayy?"
"Hay..ba't ako nagkaroon ng baliw na bestfriend? Tsk. Malala ka na Mee. Pero oo na. Pag di ka napansin..wala na ah."
Tumango nalang ako kahit ang totoo'y hindi ako agree sa sinabi niya. Kung failed ako ngayon. There's always a next time. XD
Papunta na kami ni Mae sa direksyon nila Cloud babes.
Ang plano kasi ay dadaan ako kunwari sa harapan nila Crush..tapos ihuhulog ko kunyari yung ID ko sa tapat niya..tapos pag medyo malayo-layo na kami..yung layo na maririnig pa rin nila ang usapan namin. Mag-uusap kami ni Mae na kunwari nawala ID ko at asan na.
Magkukunwari si Mae na lalapit kay Cloud babes at tatanungin kong nakita niya ID ko at pag sinabi niyang oo lalapit ako tas ibibigay niya sakin..tas yun na..charaaaan! Magkakakilala na kami. O diba ang galing? ^__^
Habang naglalakad ay kinakabahan ako. Sana lang talaga maging successful to.
Nakadaan na rin sa wakas. Pero makita niya kaya yun? Eh parang busy siya sa cellphone niya. Di niya nga napansin na dumaan kami eh.
Ginawa namin yung plano namin. Lumapit si Mae kay crush at magtatanong na sana kaya lang..
"Ah..miss Rosmee Henson? ID mo to?" May biglang sumingit. Volleyball player din siya kasama nila crush at gwapo din kaya lang mukhang chickboy.
Waaaahh bakit siya nakakuha? Ehh..>__<
"Ah..e-eh..oo. akin nga. Hehe salamat." I said awkwardly. Waaahh nakakadissapoint naman eh :3
"No problem. Basta sa mga magagandang binibining tulad mo." He said and wink at me. Napangiwi nalang ako. Anu ba yan..ang landi naman ng lalaking to. Ngumiti nalang ako ng pilit.
Tinapunan ko ng tingin si crush na malapit lang din samin. Omo! O.O
Nakatingin siya samin. Wala namang ekspresyon ang mukha niya.
Waaahh napansin na niya ko? Nung mapansin niyang nakatingin din ako sakanya ay nagbawi siya ng tingin at tumingin sa may likuran ko.
"Darling..tara na." Lumingon ako. Yung babae sa may likuran ko..tinawag niyang darling? Nakita ko pang ngumiti ang babaeng tinawag niyang darling. Tumakbo yung babae papunta sakanya at umabrisyete pa. Nagsimula na rin silang maglakad palayo.
BINABASA MO ANG
Crush
Teen FictionNaranasan mo na bang magkacrush sa isang taong hindi man lang aware sa existence mo? Ang saklap di ba? Yung tipong hanggang pagiging stalker ka na lang. Winiwish mo na sana crush ka rin ng crush mo. Na sana mutual ang feelings niyo o kaya kahit ma...