Nasa harap nako ng mall. Pero di ko magawang ihakbang ang mga paa ko papasok. Kinakabahan ako. Mas dumoble ang kabang nararamdaman ko kesa nung last week.
Magkikita kami ni crush.
Di ko alam kung anung gagawin ko pag nagkita na kami.
'Hay..Rosmee! Kaya mo yan okay? Nandito ka na. Wala ng atrasan to.' Pag checheer up ko sa sarili ko.
Humugot ako ng malalim na hininga at nag desisyong pumasok na.
Bahala na ulit si Spongebob.
Nandito na ko sa KFC. Parang umurong na naman ang mga paa ko.
Pinilit kong humakbang at inilibot ang paningin ko sa paligid para hanapin siya.
Asan na kaya yun?
Wala akong nakita kaya naman umupo ako sa isang table dun. Maichat nga muna.
Inopen ko ang fb ko tas nag pm ako sa kanya.
Sherra: san ka na? Nandito nako sa kfc kul---
"Sweetie!"
Di ko naituloy ang pagtatype ko dahil may tumawag sakin.
Sweetie?
Lumingon ako at nanlaki ang mata ko sa gulat nang makita ko siya.
Geez! Hindi ako makapaniwala.
Just what the heck is going on?
Naguguluhan ako. Bakit siya?
Andaming tanong na gumugulo ngayon sa utak ko.
"Hey sweetie." Napapitlag ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko. Nakangiti siya ng malapad sakin. Di ko namalayan na nakalapit na pala siya.
"Teka..ba't ikaw? I mean..ikaw yung bagong Zeon?" Naguguluhang tanong ko.
"Yes..sweetie. Bakit? Aren't you happy?"
Heck! What? Naiinis na ko sa kakasweetie niya ah. Sinasabi ko na nga ba malandi ang lalaking to. Obvious naman sa tabas ng mukha.
"Geez! I can't believe this! Teka nga..honestly, I was'nt expecting you..no I mean..iba ang ineexpect kong ikaw. At bakit ikaw?"
"Huh? Come on sweetie..I thought you like me?" Confident na sabi niya at nag smirk pa.
Dahil dun ay mas lalo akong nainis.
"Oh please..cut that sweetie thingy. Hindi ako asukal para maging sweet. And once and for all..where did you got that silly idea..that I like you?" May bahid ng iritasyon na sambit ko.
"Oh come on..wag ka ng mag deny..yun ang sabi ni Saimon sakin. Kaya nga niya binigay yung fc account na yun dahil gusto mo raw ako. Anyway, thanks to him..because I like you too sweetie. Kaya pala nagpapansin ka sakin nung laro namin." Sabi niya sakin sabay wink.
Loading..
Loading...
Loading....
I was still dumbfounded. Nag sisink in lahat sa utak ko yung mga sinabi niya. Parang nagiging malinaw na saakin ang lahat.
Pero di ako makapaniwala.
Ibig sabihin ba nun..all these times..
Siya pala si Zeon?
Pero paano?
Madami pa ring mga katanungan sa utak ko. Para kasing ang hirap paniwalaan.
Pero malaking parte ng utak ko ang naniniwala na siya nga.
BINABASA MO ANG
Crush
Teen FictionNaranasan mo na bang magkacrush sa isang taong hindi man lang aware sa existence mo? Ang saklap di ba? Yung tipong hanggang pagiging stalker ka na lang. Winiwish mo na sana crush ka rin ng crush mo. Na sana mutual ang feelings niyo o kaya kahit ma...