Chapter 4

34 3 0
                                    

Kung ganun..siya si Zeon?

"Bes! Ba't mo binitawan ang payong mo? Baliw ka talagang babae ka!" Sermon niya sakin ng makalapit siya. Pinayungan niya pa ko.

Teka..speaking of payong..di ba sabi ni Zeon..wala siyang payong?

Waahhh nakoconfuse na naman ulit ako. >__<

"Bes? Ikaw?" Naguguluhang tanong ko sakanya.

"Huh? Oo..ako nga to. Bakit?" Parang naguguluhan at natatawa din niyang sagot.

Hay..kung ganon..siya na nga. Pero ba't parang may mali?

Ba't parang dissapointed ako?

"Tekaaa..akala ko ba wala kang payong?"

"Ha? Wala naman talaga. Nanghiram ako kay manong guard kasi nakita kita dito sa labas." Naguguluhan pa rin niyang sagot.

Nagdadalawang isip tuloy ako kung siya nga.

"Teka..nga..parang di tayo nagkakaintindihan eh. Ikaw ba si Zeon?" Diretsong tanong ko sakanya. Nakahawak kaming dalawa sa payong na dala niya. Nasa gitna pa rin kami ng ulan.

"Huh? Zeon? Sinong Zeon? Haha okay ka lang Bes? Anung sinasabi mo? Nakimutan mo na pangalan ko? Jepp ang pangalan ko bes." Natatawa niyang sabi pero may bahid ng iritasyon.

"Eh? So..di nga ikaw si Zeon? Waaahh ang tanga ko! Thank you bes! Sige jan ka muna. May hahanapin pa ko. Babyeeee!!!" Niyakap ko siya at nagpaalam na rin sabay takbo palayo.

I'm sure di pa yun nakakalayo. Kung nakita man niya yung nangyari kanina. Nakuuu..baka nagselos yun. Haha

Asan na kaya yun? Ma chat nga.

Sherra: Kulet ko..asan ka na?

Hindi pa rin siya nagreply kaya naman..naglakad-lakad lang ulit ako.

Napalingon ako sa isang eskenita nang may marinig ako.

"Salamat dito darling..kahit useless na dahil basa na rin naman ako." Nagulat ako. Ba't andito siya? At yung darling nya? Tss. Kahit kailan ang baduy ng endearment nila. Nakakasuka.

Anyway, nagdedate ba sila sa gitna ng ulan? Ouch naman. Ang sweet. </3

"Anu ka ba Mon! Magkakasakit ka nyan. Papagalitan ka ni tita nyan. Ba't ka pa kasi pumunta dito. Di mo naman kailangang pumunta eh." Wow! Ang sweet talaga. Hayy..akala ko ba nakamove on nako kay crush? Pero bakit ganito? Nasasaktan ako. Parang maiiyak ako. Ang sakit nila sa mata tingnan.

'Anu bang nangyayari sayo Rosmee! Crush lang naman yan. Di ka dapat magkaganyan.' Lihim na kastigo ko sa sarili ko. Pinigilan ko rin ang namumuong luha sa mga mata ko.

Napatingin siya sakin..si crush. Nahiya naman ako. Baka akalain niya ay ang epal ko at nakikinig ako sa private nilang usapan. Kaya naman..tumalikod nako at nagsimulang maglakad ulit.

Parang wala sa sariling naglalakad ako ng mabagal. Hindi ko na nga namalayan na naibaba ko na pala yung payong ko at nababasa nako.

Bakit ganito? Akala ko makikita ko si Zeon? Tapos..akala ko pa si Jepp si Zeon? Tapos..nakita ko nga si crush..nabigo na naman ulit ako. </3

"Para kang tanga. May payong ka..di mo ginagamit." Nagulat ako nang wala ng pumapatak na ulan sa mukha ko at may nagsalita sa gilid ko.

Pero mas nagulat ako ng makita ko ang seryoso niyang mukha habang pinapayungan ako.

Hindi ako nakapagsalita.

"Hey..are you okay?" Tanong niya ulit sakin. Napatango nalang ako ng wala sa sarili.

"Lumalakas na masyado ang ulan. Dun muna tayo." Iginiya niya ko papunta dun sa may waiting area. Basang-basa siya..at ako naman ay medyo basa na rin.

"Hindi ka man lang ba magsasalita miss?" Mukhang naiinip na tanong niya sakin. Nakaupo na kami dito.

"H-ha? Ah..eh..oo. S-sorry. Ah..salamat nga pala---"

"Saimon. Its Saimon." Pagputol niya sa sasabihin ko. Buti nalang kundi..baka nasabi ko ng Cloud. Hay..muntik nakong mabuking.

"Ah..okay. Rosmee pala." Dapat kinikilig nako ngayon eh. Imagine..sa wakas nagkakilala na kami ni crush. It's a dream come true eh..pero di ko magawang maging masaya..kasi nga dahil sa nasaksihan ko kanina at sa kaalamang may gf na nga siya.

"Ah..anu..di ko sinasadyang marinig yung usapan niyo kanina. S-sorry nga pala. Asan na nga pala siya?" Tanong ko sakanya. Okayy..ang fc (feeling close) ko na.

"Your forgiven." Yun lang ang sagot nya. Ayy..grabe naman tong si crush. Asan yung sagot sa tanong ko?

Mukha nga siyang suplado.

Pero nung first meeting namin..naalala ko pa na muntik nakong tamaan ng bola nun pero sinalo niya. Tinanong pa niya ko kung okay lang ako..dun nagsimula akong nagkacrush sakanya. Kahit seryoso yung mukha niya nun..parang may bahid naman ng concerned.

Mahabang katahimikan ang namayani saming dalawa.

"Ah---"

"Ah---" sabay naming nasambit. Ang awkward tuloy.

"Ah..sige..alis na pala ako. Mukhang mahina na naman yung ulan eh..tas may naghihintay din pala sakin. S-sige." Pagpapaalam ko sakanya.

Muntik ko pang makalimutan..iniwan ko pala si Mae dun. Tsk..patay ako nito.

"A-ah..sandali.."

"Bakit?" Lumingon ako ng tawagin niya ko.

Lumapit siya sakin..

Ang lapit niya. Lumakas na naman ang kabog ng dibdib ko.

Dug.dug.dug.dug

Napapikit nalang ako.

"Punasan mo mukha at ulo mo. Basa eh." Eh? Pagbuka ko ay nakita kong dinampi niya yung panyo sa mukha ko. Ayy..yun pala. Binigay niya na rin sakin ang panyo at pinagpatuloy ko yung pagpupunas.

Lihim na binatukan ko ang sarili sa isipan. Ang baliw ko kasi..kung ano-anung iniisip ko.

"Ha? ah..Di naman kailangan eh.. tsaka ikaw? Dito ka lang?"

"No..i insist. May hinihintay din ako..kaya mauna ka na."

Tumango nalang ako. Ayoko pa sana siyang iwan eh.

Siguro..hinihintay niya darling niya. Tsk.

CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon