Prologue

5 1 0
                                    

"Ladies and gentlemen!!! After completing the scheduled five rounds inside the squared circle our judges has decided. And still remains!!The UFC Women's Bantamweight Champion........TATUM COUGHLIN!!!!" tsaka itinaas ng referee ang kamay ng nanalo kaya agad naman naghiyawan ang mga tao dahil sa tuwa at ang mga nasa kabilang panig naman ay halata ang pagka dismaya dahil natalo ang kanilang pambato.

Nakangising binalingan ni Tatum ang kinalaban niya na bugbog sarado dahil sa dami ng pasa. Nagngingitngit naman sa galit ang kinalaban niya dahil sa pang iinis niya dito. Nagyayabang ang tingin ni Tatum na bumaba at dumeretso sa pwesto nila.

Agad nagsuot ng damit ito na ibinigay ng kanyang coach. She's not close to anyone even his coach na laging maganda ang pakikitungo sa kanya. She's just that hard to be close with someone. Once in a blue moon..

"Good job. But you don't have to punch her on the face really really hard." his coach complain, but Tatum just rolled her eyes.

"If I didn't do that hinding hindi ako mananalo." kalmado pero may kabaritonang sabi nito tsaka umupo muna sa ibinigay ng kasamahan pa nila. Bumuntong hininga nalang ang coach niya dahil sa sagot ng alaga.

"I know...but don't be too brutal understand? " she just nod her head at walang pakialam na itinaas ang kanyang paa na isa sa upuan na parang wala sa kasarian ang ginagawa niya.

Lumapit ang isa sa kasamahan nila at nag offer ito ng tubig sa kanya. "Here, drink it. I know your thirsty. "

Agad naman kinuha ito ni Tatum at walang alinlangang tinungga agad ito. At ng maubos ay ibinalik sa kasamahan ang baso na kinuha naman.

"We need to go to the Philippines as soon as possible. "pagsasalita ng kanyang coach kaya napalingon siya dito at nangunot ang noo.

"Why? "

"You know that a lot of your enemies in this field are dangerous so we need the help of agents at the Philippines. "

"Why not here ha? Bakit? Hindi ba magaling mga Agents dito? As far as I remember mas magaling ang mga Agents dito compared to that country. Tsaka mas high tech ang mga ginagamit dito."taas kilay na tanong niya.

"Yeah. I know that. But  Philippine Agents are more well trained at physical and well...combat..you can say that." mas lalong nainis si Tatum dito.

Kahit na mas magaling sa pisikal ang mga ito ay sila na agad ang pagpapatulungan nila. She can defend herself. Kahit walang tulong ng iba. Kahit ng Agents pa ng pilipinas. Alam niyang magaling ang mga ito pero mas high tech naman ang mga kagamitan dito sa bansa nila kaysa doon. Mga lokal tss.

Oo, minamaliit niya ang mga taga pilipinas na mga agents.

Who knows baka mga rumors lang yung magagaling talaga sila mamaya hindi naman pala. Baka nga mas magaling pa siya sa mga ito.

Well, she has a lot of enemies talaga lalo na at laging siya ang nananalo in every game na sinasalihan niya. Hindi na sana problema yun dahil kung titignan achievement pa nga na lagi siyang nananalo but the problem is lahat ng mga kinakalaban niya ay niyayabangan niya.

Wala pa siyang kinalaban na hindi naiinis sa kanya lalo na't masyado siyang mayabang.

__
Kung mapapansin niyo ay kinuha ko talaga ang Women Bantamweight para kay Tatum. Sa mga mahihilig diyaan manood ng UFC Main event alam kong alam niyong si Ronda Rousey ang Women Bantamweight  champion.  Para maimagine niyo ang katawan ni Tatum i-search niyo si Rousey kung hindi niyo pa kilala. Mas payat lang ng konti ang katawan ni Tatum sa katawan ni Rousey. This is just for imaginary purposes only.

Ikaw lang ang tanging iniibig (Dave)Where stories live. Discover now