Chapter 1

4 1 0
                                    

Dave's Pov

"How's school honey?"nakangiting tanong ko kay Massie at kinuha ang maliit niyang backpack na dora tsaka siya binuhat.

Nag aaral narin siya pero nasa nursery palang. Naka ponytail siya ngayon at may mukha ang kanyang tali sa buhok guess what....a dora again. She really love dora ewan ko nga eh. Ako nga hindi ko nahiligan simula pagkabata ganun din naman si Jeane.

"It's really fun Popa." nakangiting matamis na sabi niya. Medyo bulol din pinagkasabi niya but it's cute to hear it though.

"Really? What did you play ha?"

"Running!" impit na sigaw niya kaya napahalakhak ako. She's really look like her mother. Halos nakuha niya lahat ang pinagka ibahan lang ang mga ilong niya ay sa akin niya namana.

I think my attitude also. Yung lang.

Minsan makulit din siya syempre bata eh.

Agad ko na siyang isinakay sa kotse, sa passenger seat siya at ikinabit ang seatbelt niya.

"Popa are we going to Tita Ganda?"inosenteng tanong niya habang ang mga paa niya ay kumukuway ng marahan. Bumuntong hininga nalang ako.

"I really want to, honey. But Popa is going to work kaya iiwan na muna kita kay Nanang okay?" napabusangot naman siya at kumibot ang kanyang labi.

Oh no.

Not again baby.

"Y-your going a-again?? But you just g-ot here."lumalabing sabi niya at konting sabi ko lang na aalis na talagaa ko siguradong bibigay na ang mga luha niyang nagbabadya. It's really hard to leave lalo na kung ganito ka sensitive ang anak ko.

She's my weakness.  But before her ....Her mother is my weakness and my strength but when she died I feel like I lost everything including my own strength. It really takes time to move on pero I'm proud to say that nalampasan ko na yun at tanggap ko ng wala na talaga siya.

"You wanna go to Tita?  Let's go!" nawala naman bigla ang lungkot sa mukha ng anak ko at napalitan iyon ng ngiti.

Napalundag lundag pa siya sa kanyang inuupuan dahil sa saya.

"Yehey!We're going to Tita's House!"she keep on repeating that until we arrive at Owie's House. Agad akong bumaba sa sasakyan ng mai-park ko ito sa garahe nila Owie.

Umikot ako sa aking sasakyan sa harap para pagbuksan ng pintuan si Massie. Tinanggal ko muna ang seatbelt niya tsaka siya binuhat papunta sa loob ng bahay.

Naabutan namin si Jiminne na nakasimangot na nakaupo sa sahig habang si Owie naman ay nasa sofa at mukhang tinitirintas niya ang buhok ni Jiminne. Nasa pagitan ng hita ni Owie si Jiminne.

Napalingon naman sa pwesto namin si Owie kaya agad nagliwanag ang mukha niya. Tumayo na siya kaya napatingin din sa pwesto namin si Jiminne. Mukhang nakahinga pa nga ng maluwag ng tumayo ang kanyang asawa.

Tatanggalin na sana ni Jiminne ang pagkakatali sa buhok niya na parang pang babae pero agad lumingon ang kapatid ko sa kanya.

"Subukan mong tanggalin iyan Jiminne dodong ko matutulog ka sa sahig." nagbabantang sabi ni Owie kaya napatanga naman si Jiminne dito. Hanggang ngayon ba naman may dodong ko parin pangalan nitong si Jiminne tss. Alam naman niton si Owie na pangalan din ang dodong ko pero idinugtong parin sa pangalan ng asawa tsk tsk tsk.

Iba rin talaga.

"Hindi na nga oh." nakabusangot na sabi ni Jiminne dito.

Lumapit naman si Owie sa amin kaya kumawag si Massie sa pagkakabuhat ko kaya ibinaba ko na siya. At pagkababang pagkababa ko sa kanya agad siyang tumakbo papunta sa Tita niya. Masyadong close si Massie kay Owie kaya naman kapag aalis ako iniiwan ko siya dito pero paminsan minsan lang dahil baka maka istorbo ako sa mag asawa.

Ikaw lang ang tanging iniibig (Dave)Where stories live. Discover now