Prologue

6 1 0
                                    


"AVILA CHIKITA KIM! DETENTION ROOM, NOW!"

Nagulat ako sa biglaang pagsigaw ni Ma'am 'Sungit' kaya halos maibato ko sa katabi ko ang hawak kong ballpen. Grabe naman kasi makasigaw si Ma'am parang feeling ko e lumindol dito sa classroom sa lakas ng boses nya. Ano nanaman bang ginawa ko at 'Detention' nanaman? Ang ganda ganda ng pakikipag kwentuhan ko dito sa katabi ko tapos guguluhin nya ako. Hmp!

"Po? Bakit nanaman Ma'am Sungit--este Ma'am Rea? Did i do something wrong? Nakaupo lang naman ako dito sa pwesto ko while talking to Victoria---oppsss! Sorry." napakamot nalang ako sa ulo ko ng marealize ko kung bakit. Hehe. Talking while Ma'am discussing is not allowed nga pala. Isa yun sa mga Rules ni Mam sa subject nya. Uh-oh! Mukhang magkikita nanaman kami ng boyfriend ko. Amzo ekzoyted! Hohoho\( ö )/

Joke! Ayoko rin minsan dun noh! Ang boring kaya dun tapos ang mga kasama mo pa mga taga higher level tapos mga snob pa. Mas okay pa sa Pricipal's office kasi kahit boring at may kausap ka. Tatanungin ka dun ng kung ano tungkol sa kasalanan mo. Pero sa Detention room? Nah ah! Nakaupo lang while waiting for the time when you can come out. Diba boring? Hayst!

"MISS KIM! NAKAKAILAN KA NG WARNING SAAKIN HA! ILANG BESES KO BANG SASABIHIN NA AYOKO NG NAG KUKWENTUHAN HABANG NAGKAKLASE AKO?!"

"Uhm, siguro po mga 100 times narin? Oh! 200 pala Ma'am? Am i right?" dahil sa sinabi ko ay mukhang lalong nagalit si Mam. Eh? Mali ba ako? Tsk! Baka 300 yun? Hindi ko naman kasi mabilang sa kakaulit nya. Next time nga mabilang na para hindi na magalit si Mam sungit.

"DETENTION NOW!" Napanguso nalang ako at saka tumayo at lumabas ng classroom. Hmp! Nakipag kwentuhan lang ako pero grabe si Mam. Detention agad? Hindi ba pwedeng  pag usapan nalang namin yun ng masinsinan? Hindi nya ba ako pwedeng patawarin ng walang detention na nasasangkot sa magulo at nakakaawa kong buhay. Char!

Habang naglalakad ako papunta sa Detention room ay napaisip ako. Ilang beses na ba akong napapapunta dun? Hindi ko na mabilang. Kahit yung sa Principal's office hindi ko narin mabilang. Pero bakit nga ba lagi kong nabibisita ang Detention at Office? Well, matigas kasi ang ulo ko.

I admit, matigas talaga ang ulo ko. Hindi ako nakikinig sa mga sinasabi saakin. Hindi ako sumusunod sa mga Rules ng school o kahit ng Classroom. Kahit parents ko ay sumasakit ang ulo sa katigasan ng ulo ko. Ewan ko ba, basta feel ko lang na parang ayokong sumunod.

Dahil sa ginagawa ko na hindi pagsunod sa mga rules, at dahil sa pagiging matigas ang ulo at mahilig sa away at mang away, ay nakilala ako ng mga estudyante dito. Yung iba ang hilig na tawagin akong 'Miss Rule Breaker' which is totoo naman.  Wala naman akong pakialam sa kung anong itawag nila sakin.

Basta ako. Hapi hapi lang! HAHAHAHA

I am Avila Chikita Kim and this is my Story of being a RULE BREAKER.

The Rule BreakerWhere stories live. Discover now