Chapter 3. Friends

10 1 0
                                    

Avila Chikita-

"Hey! Aki, right?" napahinto ako sa paglalakad papunta sa cafeteria ng may humawak sa braso ko at kausapin ako. Tinitigan ko sya dahil hindi ko naman sya kilala.

"Move your hands. I don't know you." bored kong sabi na sinunod naman nya. Inirapan ko lang sya bago umalis sa harap nya. Narinig ko pa syang sinabi na 'Sungit' pero hindi ko nalang pinansin.

At dahil lunch na ngayon ay madami na ang estudyante dito sa Cafeteria kaya pumila na ako. Wala ako sa mood ngayon mag agaw ng pwesto para makabili agad ng foods. Mabait muna ako.(~_^)

'himala hindi sya singit ngayon.'

'Ngayon lang yan, bukas balik nanaman yan sa dati.'

'Pakitang tao. Rule breaker naman.'

'War freak pa.'

Hindi ko nalang pinansin ang mga bulungan sa paligid ko. Turn ko na para umorder kaya sinabi ko na ang order ko at naibigay naman yun kaagad kaya nagbayad na ako. Cake lang ang binili ko at mineral water. Samahan narin ng Piattos. Wala akong gana mag kanin ngayon sa hindi ko malamang dahilan. Feeling ko kasi busog ako sa kanin kaya dessert nalang kakainin ko.

Tahimik lang akong nakain dito sa pwesto ko ng biglang may umupo sa katapat kong upuan. Napatingin ako sa kung sino yun at napairap nalang ng makitang ito yung lalaki kanina na humawak sa kamay ko at tinanong kung ako ba si Aki daw? Ano bang kailangan  ito?

"Hi^_^" nakangiti nyang sabi.  Hindi ko sya kilala kaya bahala sya dyan. Hindi ko sya pinansin at nagpatuloy lang sa pagkain ng cake ko.

Ramdam ko din ang mga tingin ng mga kumakain na malapit sa pwesto namin pero hinayaan ko nalang sila. Issue.

"I'm Alvin Lopez. Ikaw si Aki diba?" hindi ko parin sya pinapansin. Di ko naman tinatanong ang pangalan nya e. Tsaka, ano naman kung ako si Aki?

"Taga section one ka diba? Classmate mo Si Kenneth." dahil sa pangalang binanggit nya ay napatingin ako sa kanya. Kilala nya si Kenneth? And i remember, isa sya sa mga kasama ni Kenneth kahapon pumasok dito sa Cafeteria. Kaya pala.

"Oo, bakit?" yan nalang ang sinabi ko. Napasimangot naman sya sa sinabi ko.

"Bakit ang sungit mo? Ayaw mo pang sumagot sa tanong ko kanina pero nung binanggit ko yung pangalan ni Kenneth, saka ka lang sumagot at maikli pa. Feeling ko tuloy ayaw mo ako kausap." bored lang ako na nakatingin sa kanya dahil sa mga sinasabi nya. Ang haba pa ng nguso sa sobrang simangot nya. Ayaw ko naman talaga sya kausap pero dahil nakakaawa ang itsura nya, sige. Kakausapin ko na baka umiyak e.-.-

"Ano ba kasi kailangan mo? At oo, ayoko makipag usap sayo kasi hindi naman kita kilala." sabi ko. Umakto naman sya na parang nasasaktan. May pag Hawak pa sa puso na para talagang nasaktan. Tsk! Drama naman neto.( ̄. ̄)

"Ouch naman! Grabe ka sakin ha. Gusto ko lang naman makipag kaibigan, e. Saka nagpakilala na ako sayo kanina diba? Limot mo na agad? Nasasaktan ako, Aki." gusto kong matawa sa sinabi nyang kadramahan pero pinigilan ko ang sarili ko. Pinanatili kong walang emosyon ang mukha ko kahit gusto ko na syang tawanan at batukan. Pero baka magmukha naman akong Feeling close kapag binatukan ko sya.

"Bakit?" mukha naman syang nagtaka sa tanong ko.

"Ha?Anong bakit?"

"Bakit ka lumapit saakin? Di naman kita kilala."

"I'm Alvin Lopez, bestfriend of Kenneth Lopez, and i want to be friends with you Aki." nakangiti nyang sabi. He want's to be friends with me? Hindi ko alam ang isasagot ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 27, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Rule BreakerWhere stories live. Discover now