Chapter 1. Detention

7 1 0
                                    

Avila Chikita-

Pagdating ko sa Detention room ay agad akong lumapit sa nagbabantay doon. Tinanong nya ako kung anong kasalanan ko kaya sinabi ko na "Nakipag kwentuhan ako sa katabi ko habang nagtuturo si Mam." kaya napailing nalang sya. Teka? Bakit nga pala ako lang ang nadetention? Dapat kasama ko si Victoria? Naku naku! Si Mam talaga. Hayaan na nga lang. Bahala sila dyan.

"Halos araw-araw ka na dito sa Detention room Miss Kim. Malapit ko ng tawagan ang parents mo to inform them, AGAIN." napanguso ako sa sinabi ni Mam Ara na tagapag bantay dito sa Detention room bago kuhanin ang ballpen at pumirma sa logbook. Ito yung logbook ng mga estudyanteng nade-Detention at pangalan ko na yata ang nangunguna sa pinaka maraming pasok dito e. Ang galing ko! Nice Avila Chikita! Lagot ka nanaman sa Nanay at tatay mong bata ka!

Last time kasi na tinawagan nila ang parents ko dahil paulit-ulit akong nadetention, ay pinagalitan ako ni Daddy. Tapos kinuha naman ni Mommy yung mga gadgets ko at nawalan ako ng allowance for 1 week. Buti may pera pa ako pero hindi yun sapat para mabuhay ako sa loob ng isang linggo. Char!Sadlayp ako nun dahil nagutom ako at nangayayat. Joke^_^ pero seryoso, ang lungkot ko nun kasi tinipid ko ang sarili ko. Hindi ko nabili ang peborit chocolate cake ko at isang ulam lang ang ulam ko. Para akong sobrang hirap nun na kailangan magtipid para lang hindi mawalan ng pera pambili ng pagkain sa mga susunod na araw.

And mas lalo akong naboring kasi wala akong gadget. Cellphone ko hindi ko alam kung saan tinago ni Mommy. Ang bad nila nung time na yun.

Kaya sana hindi na magsumbong itong si Mam Ara. Baka mas malala na ang mangyari ngayon. Wag naman sana.

"Two hours and you can go." bago ako maglakad papunta sa couch ay humarap ako kay Mam. Magmamakaawa ako para sa ikabubuti ko at para sa kinabukasan ko. Char!

"Ah, Mam."

"Yes, Miss Kim?"

"Ahm, pwede po bang, wag nalang po muna ninyo ipaalam sa parents ko na nadetention nanaman ako?"

"Bakit?" Bakit nga ba? Para hindi na ako ma-Grounded? Para hindi ko na maranasan yung naranaaan ko last time? Hindi ako makasagot kay Mam kasi hindi ko alam kung bakit. Hindi naman dahilan yung mga naisip ko na baka Magrounded nanaman ako. "Okay, pero sa susunod na madetention ka nanaman ay hindi na ako magdadalawang isip na tawagan sila at papuntahin dito. Naintindihan mo ba Miss Kim? Ayoko ng makita kang mapunta dito sa detention. Hindi yan maganda para sayo dahil babae ka pa naman." tumango nalang ako at naglakad palapit sa couch para umupo. Alangan naman tumayo lang ako dito ng dalawang oras. Kayo nalang kung gusto nyo.

Habang palapit sa couch ay napansin kong may mga kasama pala ako dito. As usual, kailan ba ako nawalan ng kasama? Isang beses palang yata at yun yung unang beses akong nadetention. I think, that is 2 years ago? When i was second year highschool? Hahaha o diba ang tagal na? Taon taon yata akong nadedetention e.

Hindi ko nalang sila pinansin at nilagpasan ko nalang sila at umupo sa single couch na medyo malayo sa kanila. Hindi ko naman sila kilala kaya distansya tayo mga ate at kuya.

So, two hours akong uupo dito at tutunganga? Okay! Boring!

Kukunin ko na sana ang cellphone ko sa bulsa para makinig ng music kaso naalala ko, nasa bag ko nga pala yun at iniwan ko ang bag ko sa classrom! Urghh! Sa dinami rami ng pwedeng iwan bakit yung bag ko pa? Pwede namang yung boyfriend ko nalang diba? On the second thought, wala nga pala akong boyfriend.

Wahhh! Kainis yung bag ko! Bakit ko pa kasi iniwan. Ayan tuloy magtitiis ako dito ng dalawang oras.

Napasimangot nalang ako at sumandal sa couch at pumingit. Wala akong balak matulog pero syempre hindi naman natin mapipigilan antukin lalo na kapag wala tayong ginagawa kaya nakaidlip ako. Nagising nalang ako ng may yumuyugyug sa balikat ko. Sino ba ito at napaka istorbo naman yata. Naku!

The Rule BreakerWhere stories live. Discover now