Chapter 1

28 18 0
                                    

Support my story. Thank you!

••••••

"LET'S welcome the candidates for our campus beauty queen." malakas na sigawan ang nagpayanig sa buong gymnasium.

This is one of the most viewed event in highschool life. So expect that the whole campus students will be here.

Naglabasan ang mahigit sa sampung contestants mula sa backstage, and I'm one of them.

Sabi nga ng mga kaibigan ko 'Ang gandang meron ako ay dapat pinagmamalaki at dinidisplay' kaya ito ako napasama dito. Actually sila ang nagregister sakin dito. Wala naman akong magawa because I can't say no to them.

"Go Summer,"

"Go go tag-araw," mga kaibigan ko lang naman ang mahilig akong tawagin sa tagalog na pangalang iyon.

It's my first time joining this kind of event. Kahit naman maganda ako ayoko pa ring sumasali sa ganto.

"Let's start to our first candidate. Give her around of applause." agad namang rumampa ito. Syempre hindi mawawala ang mga supporters sa mga ganitong program.

"And for our eight candidate let's welcome her." dahan-dahan akong naglakad katulad ng turo ni Chesca. Chin up and be confident kahit ang totoo mangatogngatog na ako.

Puwesto ako sa gitna bago nagsalita sa harap ng madla.

"Hi I'm Summer Sujero Grade 10 from the Sun." gusto ko pa sana ngumiwi dahil sa section namin. Sino ba namang nakaisip na galaxies ang content ng sections namin.

Kung kanina maingay mas umingay ng matapos akong magsalita. Everyone love my presence but me I hate this.

Everything happens smoothly.

"And now ang pinakahihintay ng lahat the awarding ceremony." nagtilian ulit ang mga tao roon sa gymnasium.

They announced the winners from best to runners up's.

"Our Campus Queen goes to," nagpatunog sila ng drumroll at nakisabay pa ang mga estudyante.

"Ms. Summer Sujero." lumakas ang sigawan at nangingibabaw ang sigaw ng mga kaibigan ko nakulang na lang gumulong sa pwesto nila.

Natapos ang event. Madaming nagpapicture sakin at last na lumapit sakin ay ang magagaling kong kaibigan.

"Our friend is a beauty queen,"

"Parang nasapawan yung beauty ko ng mga lima." maligalig na saad ni Euphie.

"Kung sumali ako wala kang pwesto dyan." pagmamalaki ni Riyna. Binatukan tuloy ito ni Shantel.

"Napaka-yabang mo talaga." inirapan ito ni Chesca. Mahina akong natawa dahil sa mga ito.

May dalawang lalaki na lumapit samin pagkaraan.

"Summer pweding magpapicture?" ngumiti ako bago tumango. Euphie is the one who take a picture.

"Ahmmm! Summer pwedi daw manligaw." tanong ulit nito matapos magpapicture.

"You better not." seryoso masyado itong si Riyna pagdating sa mga nanliligaw sakin ever since na maging kaibigan ko ito.

"Grabe Yna tinatakot mo naman sila kuya." hinampas pa nito si Yna. Sinamaan naman ito ng tingin ng isa.

"Shantel stop it baka sakalin ka ni Yna nyan." natatawang singit naman ni Phie. Hinarap ko naman ang dalawang binata.

"I'm not accepting suitors. But we can be friends." tumango naman ang dalawa bago nagpaalam na aalis na. Tiningnan ko naman si Yna ng dahil doon.

"Yna don't be harsh to others." saad ko dito. Pero tumitingin lang ito sakin na parang may gustong sabihin.

"They are risking their lives." maikling saad nito. Bago lumakad paalis.

Nang makaalis ito tumingin ako sa tatlo pero nagkibit balikat lang ang mga ito. Masyadong mysterious si Riyna. At madalas seryoso ito kapag nakikipag-usap sa mga lalaking nais lumapit sakin.

"Let's go. Hindi ka ba naiinitan sasuot mo?" tanong ni Chesca. Sumimangot ako.

"Naiinitan," sagot ko.

Pagkapalit ko ng damit nag-aya naman si Shantel kumain muna. Kaya eto kaming apat kumakain sa Jolibee.

"Si Riyna wala nanaman?" nakasibangot na wika ni Chesca. Napailing na lang ako. Maski ako din ay walang ideya tungkol kay Riyna. Naging kaibigan namin ito nung Grade 8 kami. Dahil binu-bully ito. But now parang hindi naman ito mukhang bully-hin.

"We don't know either." tumingin ang mga ito sakin. Nagkibit balikat lang ako.

"I'm innocent!" tumango ang mga ito bago ipinagpatuloy ang pagkain.

"May nararamdaman ba kayo?" tanong ko. Tinignan ako ng mga ito na para akong isang siraulo.

"What?"

"Wala kaming nararamdaman katulad ng nararamdaman mo man." Phie said habang nakataas ang kilay.

"Parang may nakatingin." mahina kong saad. Umarko ang kilay ni Chesca.

"Aba'y ngayon mo lang narealize? Kanina pa Summy." lumingon-lingon ako at tama nga ito maraming nakatingin sa gawi namin. Pero ibang klase ng tingin ang nararamdaman ko. Nilibot ko pa ang tingin ko ng may mapansin akong pigura sa isang stall ng damitan sa malayo. Tagusan ang tingin nito. Hindi man lang binawi ang tingin. Who are you? Di ko mapigilang imutawi ng mahina sa mga labi ko.

"Hoy tag-araw aba lutangers ka?" napalingon ako kay Phie kaya nawala ang attention ko sa pigura na iyon.

"What it is?" tanong ko at saka hinahanap ulit ang pigura kaso wala na ito doon.

"Nawala tuloy." reklamo habang pauwi na kami.

"Aba ano naman nawala sayo?" masungit na tanong ni Shantel.

"Yung future ko tinititigan ako kanina." mabilis na piningot ni Chesca ang tenga ko dahil doon.

"Babush girls," paalam ko sa mga ito. Pare-pareho kami ng lugar ang kaso lang nahiwalay ako ng kanto. Medyo malayo ako banda kumpara sa mga ito.

"Mag-ingat ka." tumango ako bago sinimulang maglakad. It's already 6:35 pm madilim na dahil Ber months na. Ito ang unang beses na umuwi ako ng ganitong oras madalas kasi hangang 5 lang at nasa bahay na ko non.

Konting lakad na lang at nasa bahay na ko nang maramdaman kong na parang may sumusunod sakin. Binawelewala ko ito dahil baka taga rito lang samin at gantong oras rin nakauwi kaso naalala ko na ilang lakad na lang at tahanan na namin so ibig sabihin wala ng bahay malapit samin. Malayo kasi ang agwat namin sa ibang bahay. Kami ang pinakadulong bahay sa kantong ito dahil iyon ang gusto ni Mama. Para tahimik raw.

"Faster baby don't turn around." mabilis akong kumaripas ng takbo, at pagtapat ko sa bahay namin mabilis ko na binuksan ang gate namin buti na lang nakabukas ito. Saktong lumabas si Papa. Kaya dali-dali akong lumapit dito.

"Papa?" kinakabahan kong saad. Napatingin sakin si Papa.

"Bakit Summer?" tumingin ito sa pinangalingan ko. Ganon din ang ginawa ko. Pero walang tao doon.

"Someone is following me." ngumiti si Papa saka ako hinila papasok ng bahay. Lumingon muli ako at nakita ko ang isang pigura ngunit mata lang nito ang napasin ko dahil nangibabaw ang kulay berde nitong mga mata. Who are you? Naimutawi ko ulit. Mabilis na naglaho ang pigura sa dilim. Kinabahan ako pero hindi na sa takot. Kung hindi ay kung ano ang kailangan nito.

•••••
WRITTEN BY desire_ekah
Don't Repost or Plagiarize it.

CURSE BEAUTY: Suspected (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon