Chapter 3

13 11 0
                                    

IT'S been two days simula ng makita ko kung sino ang sumusunod sakin. Pero hindi nawala ang laging may nasunod sakin. Maybe siya yung sumusunod sakin mula nung maghigh school ako.

"Parang balisa ka?" sinipat pa ni Phie ang ulo ko.
"Wala ka namang sakit? Sinundan ka nanaman ba ng stalker mo?" magkasunod ng tanong nito. Umiling lang ako.

"Nakita niyo si Corrter?" wala sa sarili kong tanong kaya laglag ang panga na humarap sakin ang mga kaibigan ko.
"Totoo ba itong naririnig ko? Hinahanap mo si danger." Hindi makapaniwalang sambit ni Shan.

"Siya ba ang nasunod sayo?" umiling ako.
"Hindi I know him pero hindi ko na matandaan ang name niya." Yes naikwento ko kasi sa mga ito na nakita ko ang lalaking laging nasunod sakin. And he looks more dangerous than Corrter.

"Dalawang araw ng wala si Corrter. Ang sabi may sariling agenda yung lalaking iyon." Sabagay wala namang sinusunod na batas yung isang iyon.
"Let's go baka mayari nanaman tayo ng mataba nating teacher." Nagsitayuan na kami. It's our last subject at plano naming gumala ngayon.

"Where's Riyna?"
"She also have an agenda." napakunot ang noo ko. Really ngayon pa na wala din si Corrter. Baka nagkataon lang.

"Masanay ka na Summy laging wala iyon tuwing Friday." Napatango na lang ako. Next time susundan ko na ang babaeng iyon. Napaka masekreto kasi.

It's already 5 pm na ng makalabas kami sa school.
"Saan tayo pupunta?" lakad kasi kami ng lakad na parang walang balak huminto ang mga ito.
"Tara sa SM tayo" nagsalubong ang kilay ko.
"May bibilhin kayo?" nagsiilingan naman ang mga ito.
"Then aano tayo doon?" ngumisi si Shantel.
"Window-shopping" masayang sigaw ng dalawa. Napairap naman ako.

"Killjoy!" sabay-sabay na saad ng mga ito sakin kaya natawa ako.
"Wala akong sinabi dito. Ang sakin lang walang bintana ang SM kaya paanong window shopping?" nalukot ang mga mukha nito at sinamaan ako ng tingin.

"No sense of humour,"
"Tara na nga." saad ko na lang baka talakan nanaman ako ni Chesca.

Nakailang ikot kami doon hanggang abutin kami ng 6:00 ng gabi at doon ako tinablan ng takot dahil gabi nanaman akong uuwi.
"I think kailangan na talaga nating umiwi." Wika ko kaya napatingin ang mga ito sa kani-kanilang mga orasan.
"Yeah" napatingin sila sakin.
"Sorry, Summy nakalimutan namin" malungkot at paumanhin ni Phie. Tumango lang ako. Nag-enjoy kasi kami masyado kaya hindi nanamin naramdaman ang oras.

"Mag-ingat ka Summy." parang natatakot din ang mga ito habang nagpapaalam. Alam kasi ng mga ito ang mga nangyayari sa buhay ko kapag nauwi ako ng madilim na. Nilakasan ko na lang ang loob ko na kumaway sa kanila. Ayokong malaman nila na natatakot ako.

Wag kang mag-iisip na kung ano-ano Summer. Focus on walking. Don't divert your attention to others. Sunod-sunod kong pakikipag-usap sa sarili ko.

Nasa kalagitnaan pa lang ako naramdaman ko nanaman ang nasunod sakin kaya binilisan ko ang lakad ko.
"Be carefull baby." napahinto ako dahil sa boses nito. Katulad ito ng boses ng una kong narinig na pagmamay-ari ng may kulay berdeng mata.

I got a feeling na kilala ni Papa ang nasunod sakin dahil tuwing nagsasabi ako ngumingiti ito. Ganon din si Mama. Pero ako hindi ko magawang ngumiti. Dahil takot na takot ako.

Nagsalita ulit ito kaya lumingon ako pero walang tao doon. Mabilis akong umiling upang alisin sa isip ko ang boses na iyon. Is it an illusion. Pwes hindi nakakatuwa ang ilusion na ito. Pinagpapawisan ako ng malapot.

"Walk now baby." nagsalita ulit ito pero hindi ko talaga maaninag kung may tao ba o wala. Biglang nagtaasan ang mga buhok ko dahil sa takot.
"Who are you?" lakas loob kong tanong.
"Z" maikling sagot ng kausap ko kahit hindi ko ito nakikita.
"Don't be afraid I'm just here somewhere." dugtong nito mukhang nakikita ako nito sa dilim.

"Now walk faster as you can." sinunod ko ang sinabi nito. Binilisan ko ang lakad ko. Nang nasa tapat na ako ng bahay lumingon ako para magpasalamat dahil mukhang binabantayan ako nito tuwing uuwi ako ng gabi. Nang humarap ako nawala lahat ng dugo sa takot dahil iba ang nakita ko pero ang takot ay napalitan ng gulat si Corrter ang nakita ko doon. Seryoso ang mukha nito at para may nakakatakot na awrang nakapaligid dito o saryang madilim lang.

"What are you doing here?" salubong ang kilay kong sagot.
"Your the one whose following me mula sa kanto?" di ko mapigilang itanong. Bahagyang nagulat ito at saka bumalik sa seryoso nanaman ang mukha nito.
""Yes"alanganing sagot nito habang lumingon-lingon na parang may hinahanap.

"May iba pa bang nasunod sayo." umiling ako. Isa lang naman ang nasunod sakin at siya yon kung sumusunod nga siya.
"Okay tell me kung may nasunod sayong iba." tumango ako kahit hindi ko alam kung bakit kailangan kong sabihin sa kanya. Pero parang ayokong sabihin.

"Pumasok ka na." tumango ako at binuksan ang gate. Pagkapasok ko sa bahay at umakyat sa kwarto ko. Sumilip ako sa bintana mula roon at nakita ko ang isang pigura sa may harap ng gate. Parang nakatingin ito sa aking silid dahil ramdam ko ang titig nito. Sinara ko ang kurtina. Napahawak ako sa aking dibdib it's Corrter wag kang kabahan Summer. Pakikipag-usap ko sa sarili ko.

"Summer anak bumaba ka na dyan kakain na." tawag ni Mama kaya mabilis akong nagbihis para makakain na.
Pagkababa ko doon nandoon na si Papa at ang dalawa kong kapatid.

"Ate bakit parang lagi kang balisa?"
"Wala lang."
"Dahil ba sa nasunod sayo?" bahagya akong tumango kay Papa.
"Wag kang matakot doon wala siyang gagawin sayong masama." ito ang unang beses na magsalita tungkol sa nasunod sakin mula ng maghighschool ako.
"Do you know him?" hindi tumango o umiling si Papa. Pero para sakin silent means yes. Kung kilala ni Papa ito. Why would he hide in the darkness? But he already show himself in front of me which is Corrter.

"He already show himself." saad ko na nakapagpahinto kay Papa at Mama sa pagsandok ng kanin.
"Then it would be okay." wika ni Papa habang nakangiti.
"Pa,Ma ang creepy niyo." natatawang wika ng kapatid kong babae. And I also find it's creepy too.

••••••
WRITTEN BY desire_ekah
DO NOT REPOST OR PLAGIARIZE IT.

CURSE BEAUTY: Suspected (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon