START

1.2K 37 6
                                    


| START |

16 years ago....

Cielo's Point of View

NAKAKAINIS! Kung hindi lang sana ako isinama ni Mama dito sa piyestahan sa probinsiya nila eh nanalo na ako Kay Kuya James! Mayroon kaming pustahan na kapag nasampal ko ang ex niya ay bibigyan niya ako ng bagong cellphone at kung talo ako ay Hindi ako magkakaroon ng cp. Kainis!

Wala naman akong pakialam kung sinampal ko ang babae, wala akong pakialam sa reaksyon o sa gagawin nila. Sobrang drama nila! Kahit konting Palo lang ay iiyak agad!

"Cielo dito kalang muna umupo, may pag-uusapan lang kami ni Tita Hilda mo." Sinenyasan niya akong umupo sa isang mahabang couch ba ito oh ewan.

Dito nakatira si Mama noong dalaga pa daw siya tapos nagpakasal siya Kay Papa na taga-Maynila. Nandito ang mga pinsan kong andudungis at parang patay gutom. Kahit spaghetti ay parang kakainin ng buo.

Habang naghihintay kay Mama, nakita ko ang isang batang babaeng biglang tumabi saakin. Napa-urong naman ako habang naiilang dahil nakatingin lang siya saakin na parang sinusuri ang buong mukha ko.

"H-hoy, a-anong g-ginagawa mo?" Utal na aniko habang umuurong.

Bigla naman siyang ngumiti at bahagyang umayos ng upo ngunit titig na titig lang saakin.

"I'm sorry. Your so gwapo kaya gusto ko lang tignan ka." Nakangiti niya paring sabi kaya bigla akong napalunok. Don't mention it! Sobra ko namang gwapo sinabi mo pa!

"Ah. S-salamat!" Masigla ko ding sabi at umiwas ng tingin.

"Pwede bang magpakasal tayo?" Gulat na napatingin ako sa kanya. Gusto niyang magpakasal kami? Ulul na ba siya? O naka drugs lang?

"Hindi nga kita kilala noh! Ni-hindi ko nga alam ang pangalan mo, kung Saan ka nakatira, sino ang mga magulang mo at ilang taon kana kaya wag kang ganyan!" Walang alinlangan kong sabi. Hindi ako sayo interisado.

"An pangaran ko ay Latasha Balderama naka-istar ako sa Legazpi kaya lang pista digdi kaya si Mama buda ako nagdigdi, an mga pangaran kang magurang ko ay—

Hindi ko na siya pinagpatuloy ng kanyang sasabihin ng nagsalita ako.

"Ano? Naka-drugs ka ba? Hoy! Baka pinagtitripan mo'ko ah!" Aniko at umurong ng kauti dahil sa paraan ng pagititig niya saakin, para niya akong hahalikan!

"Hahaha, sorry Hindi ka pala nakakaintindi ng language ng mga albayano, Akala ko pa naman! By the way, my name is Latasha Balderama I'm 8 years old and you are?" Tanong nito saakin at inilahad niya ang kanyang kamay.

8 years old!!? Tapos magaling mag-english? Tapos panay ang titig saakin? Yung totoo, nasiraan ka na ba ng bait?

"Nye nye nye, whatever!" Hindi ko na siya pinagsalita pa dahil ayaw ko ng makita ang pagmumukha niya. Alam kong guwapo ako, pero huwag naman abuso.

Naglakad ako papaalis kahit hindi ko alam kung saan pupunta.Hindi nga ako pamilyar sa probinsya ng Albay tapos papapuntahin pa ako ni Mama!

Umupo ko sa may bato, di kalayuan sa bahay nina Mama.

Kinuha ko ang maliit na stick sa gilid at inis na humrap ako sa lupa. Nag drawing ako ng eroplano
at mga sports car na laruan ko. Bored na ako!

LOVE SOMEONE | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon