NAGMAMADALING bumaba si Aella ng hagdan dahil sa sobrang excitement. Dumating na kasi ang kaniyang nabiling mga mamahaling artifacts mula sa Africa. Mula sa mga babasaging pigurin, hanggang sa naglalakihang painting ay makikita mo kung gaano kalaki ang pera na iniwaldas niya dito.
Inalis niya isa isa sa mga kahon ang lahat ng kanyang nabili nang hindi naaalis ang ngiti dahil sa kagandahang taglay ng mga ito. Paborito talaga niya ang mga exotic na bagay.
"Mmm... Where should I put this?" bulong nito sa sarili. Itinaas niya ang painting na hawak niya at sinisipat ng mata kung saan pa ito pwedeng mailagay sa gitna ng napakarami ng painting. Napasimangot ito ng makita wala na itong maaaring pwestuhan sa kanyang salas.
'Ah alam ko na'
Dali dali siyang pumunta sa kaniyang silid aklatan at doon isinabit ang kwadra. Habang pinagmamasdan ang larawan na nakaguhit doon ay unti unting nawala ang masasayang ngiti sa labi niya. Madidilim ang mata kasabay ng pagtulo ng mga luha niya dahil alam niyang sa kabila ng karangyaang tinatamasa niya ay ang lungkot at sakit ng nakaraan na dinanas niya. Pilit niya itong nilalabanan ngunit may minsanan talagang hindi niya ito kinakaya.
Napatigil siya ng marinig ang katok sa pinto ng silid kung nasaan siya.
"Anak? Nariyan ka ba?" tawag nito sa kanya gamit ang malamyang boses.
"Yeah." yun na lang ang tanging naisagot niya sa ginang habang pinupunasan ang kanyang luha.
Narinig niya ang pagbukas sara ng pinto kaya't hinarap niya ito.
"Bakit?"
"A-ah wala naman. Hindi kasi kita mahanap sa ibaba"
Napatango na lang siya.
"Andyan na pala yung mga pinamili mo. Nakita mo na ba?" tanong na lang muli nito.
"Yes, actually kalalagay ko lang ng isang painting dito." napatango na lang ito.
"K-kung ganon tara na't kumain na tayo. Nagluto ako ng paborito mo." nginitian siya nito at tipid na ngiti na lang ang isinukli niya.
Bumaba sila papuntang kusina at doon sa ilalim ng magarbong chandelier ay nakalagay ang pahabang lamesa na puno ng mga pagkain. Umupo siya sa dulo at doon ay nagsimulang silang kumain.
"Aella" napaangat siya ng tingin at napatigil sa pagsubo ng tawagin siya nito. Tumikhim muna ito at pinunasan ang gilid ng labi bago magpatuloy sa pagsasalita.
" Alam kong hindi na sayo bago ang sasabihin ko anak pero uulitin ko pa rin." ibinaba niya ang kanyang kubyertos at nakinig.
"Anak, maaari mo bang ibenta na lang ang mga hindi na napapakinabangang dekorasyon dito sa bahay? Masyado na rin kase silang marami" nakatungo lang ito habang binabanggit ang pangaral, hindi siya kayang tingnan ng deretso sa mata para makita ang muling pagtutol niya.
" You know how much I love these paintings right?" Napabuntong hininga na lang ang Ginang at napatango bilang pag intindi kahit na bakas pa rin ang hindi pagsang ayon. Hindi na lang ito nagsalita.
Natapos sila sa pagkain at hinayaan na niya ang matanda na magligpit doon. Tumayo siya at dumiretso sa kwarto upang makapagpalit ng damit pangpaligo.
Lantad na lantad sa ilalim ng sikat ng araw ang mga kurba ng kayang katawan dahil sa suot na yellow one piece na may itim na saklob na kapares, nakaayos pa rin ang kolorete sa mukha nito at suot pa rin ang mga dyamateng abubot sa kanyang katawan. Halata rin ang pagiging lahing banyaga niya dahil sa kakaibang gandang tinataglay.
Mahaba at malabot ang buhok, maputi at makinis ang balat, matangos ang ilong, mapungay na mata at mapula ang labi. Paniguradong marami sa mga babae ang kinakainggitan siya.
Nakapikit lang siya kasabay ang pagdama sa pinaghalong lamig ng hangin at init ng araw habang nagpapalutang sa tubig. Tamang tama ang napili niyang oras para maglanggoy.
Sa panahong iyon hinihiling na lang niya na sana tumigil ang oras habang nandoon siya at nakakpagpahinga. Kahit saglit lang... kahit minsan lang.
YOU ARE READING
Veiled Heart
RomanceMoney and all, she have those. With her radiant beauty and sexy as hell body, one thing's for sure, every man wishes to be with her. Would you claim her Veiled heart and own it?