Kabanata 1
Until I say so
MALAKAS na kumatok sa pintuan ang lalaking halos maubusan na ng hininga galing sa mahaba't mabilis na pagtakbo kanina. Walang siyang narinig na sagot kaya't naisipan niyang pumasok na lang. Kailangan rin niya talaga munang tumigil dahil sigurado siyang hinahanap na siya ng mga nakasunod sa kanya. Ito lang ang naisip niyang paraan, for fvck sake! Hindi siya isang successful na business man for no reason. In business you need to think of a quick solution, kung hindi siguradong malulugi ka.
"Hello?! Is anyone in here?!" tawag nitong muli upang makasiguradong walang tao ngunit wala pa ring sumasagot. Doon na niya naisip na baka abandonado na ito o kaya'y misteryosong mansyon sa gitna ng kagubatan na itinalaga para may mapagtaguan ang kung sino man.
'Tsk really?'
Hindi na niya pinansin ang huling naisip at nagpatuloy pa rin sa paghahanap ng kusina doon. Nang makita niya ang mga pagkaing naroon ay nawala na siya sa tamang pag iisip, dali dali siyang lumapit doon at nilantakan ang isang buong letsong manok
.....
SA KABILANG banda nagpapahinga lang si Aella sa kaniyang silid aklatan ng makarinig siya ng ilang mga kalabog. Hindi na ito nagulat doon, tila alam na niyang may taong darating at bubulabugin ang tahimik nyang araw. Dahan dahan nitong ibinaba ang tasa ng tsaa at ganon rin ang librong kaniyang binabasa, nagpakawala siya ng isang buntong hininga tsaka tumayo para usisain ang pinanggagalingan ng kalabog.
Sigurado siyang kinakatok nito ang pinto ng masyon niya kaya't hindi siya gumawa ng ingay pababa ng hagdanan. May naisip siyang mabilis na plano at nag hihintay na lang ng tamang oras para isagawa ang kaniyang plano.
Sinadya niyang dumiretso sa kusina dahil alam niya hindi ninuman matatangihan ang pagkain na inihain niya. Garlic Herb butter roasted chicken na may halong masarap na pangpatulog. Nang makita niya ang imahe ng isang tao na dinampot ang pagkain ay tsaka siya lumabas para ipukpok sa ulo nito ang bote ng paborito niyang wine. Isang Chateau Lafite 1869.
Napailing na lang siya atsaka iniharap ang walang malay na estranghero mula sa pagkakadapa. Namangha siya ng makita ang mukha ng lalaki.
Gwapo.
Isang salita para maidescribe ang lalaki. Hindi na niya iisa isahin ang mga katangian nito dahil parang kahit ano namang depinisyon ng gwapo ay siguradong isa siya sa halimbawa nito. Nabulabog ang pag iisip niya ng makitang malapit na muli itong magising, nataranta siya kaya nahila niya ang isang kawali at iyon ang naipukpok sa ulo nito dahilan para mawalan ulit ito ng malay. Napapikit siya ng maramdamang napalakas ata ang pagkakapalo niya rito. Siguradong mag iiwan iyon ng sugat sa ulo ng lalaki.
Kinailangan niyang pang hilahin ito sa dalawang paa para lang maiakyat patungo sa silid ng mga bisita. Kahit hindi naman talaga iyon bisita. Bawat paghila niya ay siyang pag-untog ng ulo nito sa baitang ng hagdan. Hindi na niya inisip na masasaktan ito dahil wala rin naman itong malay pero hindi niya alam ang magyayari kung magigising man ito.
Pabagsak niyang binitawan ang lalaki at nakapamaywang na pinagmasdan ito. Hingal na hingal ito dahil sa bigat ng lalaki at dinagdag pa ng taas ng hagdan na inakyat nila.
"Fuck you!" gigil na mura niya sa lalaki.
"Alam mo ba kung gano kamahal itong suot ko? Tapos pagbubuhatin lang ako ng taong tulad mo?" kausap niya ang walang malay na lalaki. Paano ba naman suot niya ang kanyang long silk night blue dress kapares ng mamahaling emerald jewelry set na hinding hindi man lang binigyan ng hustisya ng lalaki. Iyon ang normal niyang suot sa araw araw pwera na lang kung may mas importanteng salu salo o event ang kanyang pupunatahan.
YOU ARE READING
Veiled Heart
RomanceMoney and all, she have those. With her radiant beauty and sexy as hell body, one thing's for sure, every man wishes to be with her. Would you claim her Veiled heart and own it?