Kabanata 2

3 2 0
                                    

Kabanata 2

Earn it

MATAPOS silang kumain ay itinuro na niya ang pansalamantang tulugan ng lalaki, katapat lang mismo ng kwarto niya.

"This.." binuksan niya ang gintong doorknob gamit ang ginto ring susi na kaniyang personal na pinagawa.

"...will be your room"

Tumuloy silang dalawa sa loob at kita niya kung paano umikot ang mata ng lalaki sa loob ng silid.

"Any problem?" tanong niya.

"Pwede ko bang hawakan ang mga nandito?"

"Yes, anything in this room will be yours, so i don't care if you touch anything here." pumunta siya sa kama at doon nakacross-legs na naupo. Napatingin sa kaniya ang lalaki pati na rin sa mga hita niya na bahagyang nakita dahil sa slit ng suot niyang damit.

"Eyes up here, mister"

Bahagya namanag tumikhin ang binata pagkatapos ay lumakad hanggang mapatapat sa kanya. Humalukipkip siya at nakataas ang kilay na tumingala dito.

"What about my clothes, Aella?"


"Don't worry Hon, mamaya darating na yon. You can rest for a while then ililibot kita sa mansyon ko." napatango naman ang lalaki kaya't lumabas na siya ng silid para ito'y makapagpahinga.

Dumiretso siya sa kaniyang pribadong opisina at doon inasikaso ang ilan sa mga naiwan niyang trabaho. Nang natapos na niya ang kaniyang mga pinirmahang papeles ay napagdesisyonan niyang uminom muna ng kape.


Sa paglabas ng silid ay natanaw niya ang pulang ilaw malapit sa pintuan ng mansyon, indikasyon na maaaring nandiyan na yung mga damit na pinamili niya. Nilapitan niya ang napakaraming box tsaka binuhat iyon papasok isa isa. Nang wala nang matira ay pumunta naman siya sa kusina at doon niya naabutan ang binata na nagkakape rin. Nasa malalim itong pag iisip kaya't hindi na niya ito pinansin.


"I hope you don't mind, gumawa lang ako ng coffee" paliwanag nito.

"It's fine." tipid niyang sagot.


"Ililibot mo na ba ako sa mansyon mo?" ibinaba niya sa lamesa ang tinimplang kape at humarap sa lalaki.


"Yeah, but you should change first. Dumating na yung mga damit na kailangan mo." Tumango lang ito bilang sagot.

Tinapos nila ang pagkakape ng walang imikan atsaka tinungo ng binata ang kinaroroonan ng mga kahon kanina at  binuhat ito papunta sa naturang silid.

.....

NAPAAWANG ang bibig ni Felyx ng makita niya kung ano ang mga pinamili ng babae na damit para sa kaniya. Mga button down longsleeves, coats, polos, slacks and mga branded na sapatos. Kasama rin sa kahon ang mga boxers and underwears na gagamitin niya. May sarili siyang clothing line pero kahit kailan hindi ganito ang kaniyang pang araw araw lang.

'Talaga bang ganito ang papasuot niya sakin'

Napailing na lang siya tsaka pumili ng light blue na button down longsleeves at slacks na kalimitang sa importanteng events at trabaho niya lang isinusuot. Lumabas siya ng kwarto at natagpuan ang babae na komporableng nakaupo sa malaki nitong sofa. Kapansin panain na kahit ano yatang laki ng sofa niya ay hindi doon kundi sa babaeng nakaupo mapupunta ang atensyon mo. Puno ng alahas, nakaayos ang mukha at buhok, nakasuot ng magandang damit at higit sa lahat nakatitig lang sayo.


Ngumiti ang babae atsaka siya nilapitan. Halos pigil ang kaiyang paghinga ng umikot ito sa kabuuan tila sinusuri ang damit na kanyang suot. Tumigil ito sa tapat niya at ngumiti.


Veiled HeartWhere stories live. Discover now