CARLISLE
" Tangina kinakabahan ako." bulong ko sa girlfriend ko habang naghihintay kami ng resulta sa board exam. Nasa kwarto kami habang nakaupo sa sofa at nasa gitna namin si Milo.
" Carlisle, your mouth." she said with a glare while waiting for the results to load. Kinagat ko na lang ang labi ko at imbes na hintayin ang results ay titigan na lang ang girlfriend ko.
Damn, after years of waiting, Novice is now my girlfriend. My best friend is now my girlfriend. Nakakabaklang pakinggan pero pucha kinikilig ako.
" Ganda mo naman bebe ko." I told her to distract myself. Napangis ako nang agad siyang mamula dahil sa sinabi ko. Sinundot ko iyong kaniyang pisngi para mas lalo siyang makulit.
" Carlisle, isa, naghihintay tayo dito." sabi niya pero nagpipigil ng ngiti.
Ibinaba ko na lang ang kamay ko at sumandal sa kaniyang balikat. Milo transfered to my lap at nagkaroon ng malaking espasyo sa gitna namin. Agad akong umusog at niyakap siya sa baywang.
I kissed her cheek after.
" Kinakabahan talaga ako. Ikaw ba? When you first took the board exam, ganito rin?"
" Not really." she turned her head to face me while I place my chin on her shoulders, sideways para pagharap niya ako agad makikita niya.
" Talino talaga." I told her.
She kissed my nose. " You'll pass, okay? Just relax."
" Hindi ako marerelax. Kiss mo muna ako sa lips para marelax ako." it was supposed to be a joke but she rolled her eyes and planted a kiss on my lips.
Parang lumihis iyong tibok ng puso ko nang hinalikan niya ako. Magaan lang iyon pero ramdam ko iyong kuryenteng dumaloy sa pagitan namin.
" I love you, Novice ko." I whispered to her, not caring if I pass or not. Nandito naman siya sa tabi ko. Kapag hindi ako nakapasa, kuha na lang sa next take. Tangina kasi naman yung board exam alam ko namang sigurado ako sa mga sagot ko pero pucha, parang papatayin pa rin ako sa kaba.
Nawala iyong pagkakasandal ko sa kaniya nang mas lalo siyang lumapit sa screen. Hindi ako tumitingin at hinayaan siyang magscroll doon. 'F' pa ang apelyido ko kaya mahabaang scroll pa.
" Carlisle…" tawag niya sa akin.
" Hmm?" hindi pa rin ako tumitingin. " Huwag mo naman akong takutin bebe ko." sabi ko sa kaniya.
I felt her held my hand. Humarap siya sa akin nang may ngiti sa labi.
" You passed, love." malawak pa rin ngiti niya.
" Love tawag mo sakin?" sumimangot siya sa tanong ko. Ay bakit? Mali ba tanong ko?
" Seriously, iyon lang narinig mo?" ayan na, gagalit na naman siya. Parang iyon lang ang tanong ko eh.
" Pasado ka, Carlisle. Congratulations!" she even raised her hands up in the air. Nakatitig pa rin ako sa kaniya.
Pucha, pasado ako.
" Shit! Yes, I passed!" Humalakhak ako at niyakap siya. Damn it. This feels so good. I never wanted it to end.
" I love you so much, Novice ko." I nuzzled her neck. Sobrang saya ko. Five years sa engineering, tiniis ang 6 months na internship na hindi siya nakikita at nac-contact at ilang mga araw na hindi kami masyadong nagkita in order for me to review for the board.
Pucha, lahat worth it.
Everything was worth it because I have her in the end.
" I love you too, love. Congratulations!"
BINABASA MO ANG
Euphony (TBS 3)
RomanceWhat's more sweeter than the second time around? [E P I S T O L A R Y]