[S1] Chapter 20 ✓

49 10 0
                                    

Please do not forget to leave a vote and comments. You can also follow me for updates.
Please also check my profile for other completed stories.
   
    
***

Calvin's POV
  
   
NAPANGITI ako nang mapatumba namin ang huling halimaw na aming nakaharap.

"Akala yata ng halimaw na ito ay kaya nya tayo!" sigaw pa ni Ron habang sinisipa ang halimaw na wala nang buhay.

It was a large centipede. According to Akashi ay isa itong warrior rank monster na kadalasang nagtatago dito sa kagubatan ng Wuhan.

I looked around.

This forest is eerily dark. Madaming malalaking puno na tumatakip sa sinag ng araw. Although parte pa din ito ng Muhan, kapansin-pansin na walang nakatira sa paligid ng gubat na ito.

I guess it's because of the monsters who hide and lurk here.

"That's the last one," ani Akashi habang nagpupunas ng dumi na kumapit sa katawan. "Akala ko ay mauubos ang mana ko bago natin iyan mapatumba."

"Malalakas kayo, Akashi. Kung tutuusin nga ay kaya n'yo na ang labang ito."

Nakangiting tinapik naman n'ya ang aking balikat. "Wow! Coming from a King, sobra akong na-flattered."

Natawa din ako. "You're the previous King, don't say that."

S'ya ang nagpasa sa akin ng titulong ito. For some reason, he decided to quit the royalties for him to focus more on his studies.
  
Naiintindihan ko naman. His parent's work for the Light Vatican. As the only child, he has this thinking to be a powerful gifted to make his parents proud.

"Malakas ka din Calvin. Remember, you almost beat me."

"You told me to fight with all my power!"

"And I'm proud of that. Hindi ako nagkamali na sa'yo ipasa ang pagiging King ng Superno."

When he chose me to be the new King, he told me to fight him. It's more like a challenge if I really qualified for the title. Naalala ko kung gaano pa ako kabata nang panahong iyon. Nagsisimula pa din ako sa pagpapalakas ng aking ability.

So when we fought each other, I did all my best. But unfortunately, I wasn't able to beat him. Like what he said, I almost beat him. Kung hindi lang s'ya ang sumuko, baka ako ang umuwing talunan.

"I saw lot of potentials from you that day Calvin," naupo s'ya sa damuhan at pinagmasdan ang aming mga kasama na kumukuha ng litrato kasama ang napatay na halimaw. "You got the will and bravery that I never saw from the other challengers. Imagine, by that time ay nagsisimula ka pa lang but you manage to bring the powerful side of me."

"That also made me proud of myself," pag-amin ko. "By the way, what's your plan after the graduation?"

"Well, my dad told me that I can apply for a position in the Light Vatican."

I'm actually expecting that the vatican will be his target. But still, hindi ko mapigilang humanga. He's my senior and my mentor. Kahit yata ilang beses ko makita ang abilities n'ya ay hindi ko pa din maiwasang mamangha.

He was way stronger than before. So that made him more qualified to be with the Vatican.

"Malapit nang maggabi," aniya. "We better start walking back the camp. The fifth year students already passed the test so there's no reason for us to stay here."

Tumango ako. "I'll inform my squad."

Naglakad ako patungo sa kinatatayuan ng aking grupo. They are still celebrating the accomplished mission.

"Akashi said we better head back to the camp," saad ko. "Magpahinga na kayo at mamaya ay maglalakad na ulit tayo."

"Yes King!" sagot ng iba.

Binalingan ko naman si Ron na nakangiti pa din.

"What can you say about my ability Calvin?" aniya.

Gusto kong matawa. I know this guy is just looking for some commendations.

"Malaki ang improvement mo Ron," tinapik ko pa ang kanyang balikat. "Ipagpatuloy mo lang dahil kapag nasa fifth year na tayo, we need all the power to pass the final test."

Bigla naman nawala ang kanyang ngiti na pinagtaka ko.

"Why?"

Narinig ko ang malalim n'yang buntong hininga. "Hindi lang ako makapaniwala na isang taon na lang ang ilalagi natin sa academy."

"Well, that's the reality."


Nagsimula na kaming maglakad pabalik sa iba naming kasama na nagpapahinga sa 'di kalayuan.

"Naisip ko lang Calvin, kanino mo balak ipasa ang pagiging King? Sa sunod na taon ay mas magiging madalas ang tasks sa atin kaya mawawalan ka ng oras sa trabahong iyan."

Actually, napag-isipan ko na ang bagay na iyon.

"I'm thinking about Xavier. He's next to my position and I think he's suitable for the title,"
sagot ko.

"So when will be the fight between you and Xavier?"

Nagkibit-balikat lang ako. "I haven't decided yet."

"We're ready to go!" saad ni Akashi.

Nakita ko na halos lahat sila ay naihanda na ang mga dalang gamit. I guess this is really the end of our final mission.

I gather my things and ready myself.

"Let's go."

Nagsimula na kaming maglakad sa gitna ng kagubatan.

Nagsisimula na din mas dumilim ang paligid. Bukod sa mga pag-uusap ng mga kasama ko ay ilang huni lang ng mga ibon at insekto ang maririnig sa buong kagubatan.

Minutes passed when one of our senior suddenly raised his hand, telling is to stop.

Kumunot ang noo ko. Bakit kami tumigil? Nilapitan ko si Akashi na nasa bandang unahan.

"Bakit tayo tumigil?" tanong ko sa kanya.

"I think Hero sensed something." tukoy n'ya sa lalaking nasa pinakaunahan.

Pinakiramdaman ko naman ang kapaligiran. Nakakapagtakang pati ang huni ng mga ibon at insekto ay nawala. Tanging nakabibinging katahimikan lamang ang aking napansin.

Binalingan ko muli si Akashi na mukhang alerto na din.

"Ano ang ability ni Hero?"

"He's good at detecting magical aura around him. Halimaw man o gifted."

Sinulyapan ko naman si Hero at ilang n'yang kasama sa unahan. All of them are cautious and looking around na tila ba hindi lang kami ang naroon.

"Shit!" tumakbo papalapit sa amin si Hero. "We're not alone Akashi!"

What? Naging malikot na din ang aking mga mata. I also activated my ability.

"May halimaw na naman ba?" tanong ko.

Umiling naman s'ya. "The aura I detected is different."
 
Nagkatinginan naman kami ni Akashi. I saw him activated his abilities too and put his things down.

Isang malakas na pagsabog naman ang nagpalingon sa amin. Kasunod noon ay sigawan ng mga kasama ko na naiwan sa hulihan.

"Ron!!" mabilis akong tumakbo sa gawi nila nang makita na tumilapon sila sa lakas ng pagsabog.

What the hell is going on?

"Ron," kaagad kong dinaluhan s'ya. "Are you okay?"
   
Sa tingin ko ay malakas ang pagkakabagsak n'ya, hindi kaagad s'ya makakilos mula sa pagkakahiga.

Tiningnan ko din ang ilan kong kasamahan. They were all on the same state.

"Calvin, yuko!" narinig kong sigaw ni Akashi.

I did what he said. I saw him released some laser beam towards our direction. Sunod sunod na pagsabog na naman ang narinig ko.

Nanlaki ang mga mata ko nang makitang matutumba sa gawi namin ang malaking puno.

"Shit!"
without thinking twice, I grab Ron and run away from the falling tree.

I looked back at Akashi's direction. He's now holding a large scythe. Maging ang mga kasama n'ya ay nakaposisyon din.

"Dito ka lang Ron," I told him before running back to Akashi.

"Prepare to fight Calvin," seryosong saad ni Akashi.

He's looking at the same direction where he threw his laser beam. Tiningnan ko din ang lugar na iyon. Hindi agad ako nakakilos nang makita na may mga nakatayo doon, wearing black cloaks.

They are also surrounded with water barrier, siguro ay dahil sa atake na ginawa ni Akashi.

"Who are they?" bulong ko.

"I don't know. But judging from what they look like, hindi sila gagawa ng maganda."

Bumaling muli ako sa gawi ng mga nakasuot ng itim na cloak. My eyes widened when one of them starts to create a huge ball of fire.
   
   

SUPERNO ACADEMY: SHADOW PRINCE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon