[S1] Chapter 23 ✓

50 10 0
                                    

Please do not forget to leave a vote and comments. You can also follow me for updates.
Please also check my profile for other completed stories.


***

Kier's POV


NAPANGITI AKO nang makapasok sa aking silid ang inaasahan kong bisita. Mabilis kong iniwan ang aking binabasa saka naglakad papalapit sa kanya.

"Welcome, Cornelius Thompson!" nakangiti kong bati.

"Kier?!!"

Bakas sa kanyang mukha ang gulat. Inaasahan ko na ito dahil kilala n'ya naman ako.

Binalingan ko naman ang lalaking naghatid sa kanya. "Good job, makakaalis ka na."

Bahagya pa itong yumuko bago naglaho sa dilim. Muli ay hinarap ko si Cornelius. "Long time no see old friend."

Pero hindi s'ya umimik. Tila hindi pa rin s'ya makahuma sa pagkagulat.

"Baka pasukan ng langaw ang bibig mo," biro ko.

"I-ikaw ang pinuno ng black council?"

Tumango naman ako. "Kailan lang nang magsimula akong buuin muli ang samahang ito."

Naglakad ako papunta sa isang couch na naroon saka naupo. Sinenyasan ko naman s'ya para sumunod.

"I have teas here,"
nagsalin ako ng tsaa sa dalawang tea cup. "Maupo ka muna dito Neo, madami tayong pag-uusapan."

Para naman s'yang robot na lumapit sa aking gawi. Naupo din s'ya sa couch na nasa aking harapan.

"It's been a decades since the last time we saw each other Neo," panimula ko. "After we finished our studies, hindi na ulit tayo nagkita."

"Teka lang," umiling pa s'ya. "Hindi pa rin ako makapaniwala na kaharap ko ngayon ang college best friend ko."

Tumawa ako. "Surprised?"

"Bakit ka naging parte ng konsehong ito Kier? What's gotten to your head?"

Nawala naman ang ngiti ko. Kinuha ko ang aking tsaa saka humigop.

"Hindi ko naman talaga pinangarap na maging parte at pinuno ng black council," saad ko. "Pero sumobra na ang vatican kaya nagawa ko ito."

Nakita ko ang pagkunot ng kanyang noo.

"Let me tell you a short story Neo," ibinaba ko sa mesa ang aking iniinom. "Do you still remember Sandra, our college council president?"

"Sandra Nobbleton?"

"Sya nga," sumandal ako at sinariwa ang nakaraan. "Two years after the graduation, we got married."

"Hindi ko akalain na talagang pasasagutin mo ang masungit na iyon."

"She's the love of my life, alam mo iyan Neo." nakangiti kong saad.

Bumalik din sa aking alaala ang mga panahon na nililigawan ko pa din si Sandra. Maging ang araw na sinagot n'ya ako at ang aming pagpapakasal.

Those are the happiest moments of my life.

"The vatican is the reason why my wife killed herself," seryoso kong saad.

Mukha namang nagulat s'ya sa narinig.

"Ang Vatican?"

"The vatican killed our son, our only son. Hindi iyon kinaya ni Sandra so she took her own life."

Sa tuwing naaalala ko ang bagay na iyon ay hindi ko mapigilan na umahon ang poot sa aking dibdib.

"Your son? Wait a second Kier, bakit naman papatayin ng vatican ang anak mo?"

I sighed.

"My son is a product of black ritual from the last shadow gifted."

"The fuck!" gulat n'yang sigaw. "Bakit? Why the hell did you do that?!"

"You see Neo, hindi kami kagaya ng ibang mag-asawa na biniyayaan ng anak. Sa ilang taon naming pagsasama ay hindi kami nagkaroon ng anak."

"So that's why you decided to do that?"

Tumango ako. "I don't want her to feel that she's useless. Saka isa pa, pangarap ko din na magkaanak kami. Iyon na lang ang kukumpleto sa aming dalawa."

Heaven knows how it pained me whenever I see my wife crying while saying how useless she is. Paulit-ulit s'yang humihingi sa akin ng tawad dahil hindi n'ya ako mabigyan ng anak. And it kills me inside!

"Kinuha ni Cassiopea ang aming anak nang matuklasan nila ang aming ginawa. Samantalang kami ay kinulong nila at pinahirapan sa dungeon."

Hindi naman nakaligtas sa akin ang matiim na pagtitig sa akin ng aking kaharap.

"By any chance Kier," aniya. "Did this happened seven years ago?"

"How did you know?"

Narinig ko ang malalim n'yang buntong hininga.

"Seven years ago," pagsisimula n'ya. "I'm a part of Cassiopea's team. Isang gabi, may dinala s'yang batang lalaki and she told us that the kid is our new test subject."

Napakawalang awa talaga ng babaeng iyon!

"Narinig ko din sa usapan ng ilan doon na may mag-asawang sumailalim sa black ritual para mabuo ang batang iyon. Hindi ko lang inaasahan na kayo pala ni Sandra ang kanilang tinutukoy."

Marahas akong tumayo. "So you were part of the team who studied my son?!!"

Bahagya naman s'yang namutla.

"H-hindi. Isa lang ako sa utusan doon. Si Cassiopea at ang kanang kamay n'ya ang nanguna sa pag-aaral sa anak mo."

Naikuyom ko ang aking kamao. "Ano'ng ginawa nilang kahayupan kay Skyler?"

"The things that you can only imagine," mahina n'yang saad.

Damn that woman! Damn the vatican!

"Ang totoo n'yan, naaawa ako sa bata. Napakamura ng kanyang katawan para sumailalim sa ganoong pagpapahirap."

"Now you got your answer Cornelius, they killed my son. Ito ang dahilan kaya binuo ko muli ang konsehong ito. I want to avenge for the death of my wife and son."

Naglakad ako patungo sa malaking bintana saka tumanaw sa labas.

Pareho halos kami ng pinagdadaanan ni Cornelius. Thanks to our eyes in the vatican, napasakamay ko ang ilan sa makapangyarihang myembro ng vatican. Especially the guy here. He's my best friend, bonus na lang na malakas din s'ya.

"Tungkol sa sinabi ng tauhan mo Kier. Maiiligtas mo ba talaga ang mag-anak ko?"

Isang ngisi ang kumawala sa akin. I didn't even bother to look at him.

"If you promise your loyalty to me, you'll see your family, alive and unharmed."

"Then I'll be your most loyal servant Kier."

Mas lalo akong napangisi sa aking narinig.

"Kailan ko makikita ang pamilya ko?"

Natawa naman ako sa kanyang tanong. Tawa na nauwi sa malakas na halakhak.

"Nagmamadali ka naman masyado Cornelius," nakangising humarap ako sa kanya. "You haven't prove your loyalty and you're asking me that stupid question?"

"Anumang oras ay papatayin nila ang aking asawa at biyenan! Ang mga anak ko naman ay pag-aaralan nila kagaya ng ginawa nila sa anak mo! I already came this far, hindi pa ba sapat ang pag-anib ko sa'yo?"

"Then, give my servants three days. You'll see your family."

Hinampas naman n'ya ng malakas ang lamesa sa harap gamit ang kamay.

"Hawak na nila ang pamilya ko Kier!"


"Don't you dare shout at me Cornelius," seryoso kong saad.

He then broke into tears, hanggang naging malakas na hagulgol. "I'm begging you Kier, please save them as soon as possible," umiiyak n'yang pakiusap.

Nagulat din ako nang lumuhod s'ya sa kanyang kinatatayuan.

"Sasabihin ko sa'yo ang sikretong pinakaiingatan ni Cassiopea, iligtas mo lang ang aking pamilya sa lalong madaling panahon."

Tumaas naman ang aking kanang kilay. Is he bargaining to me?

"Is it even worth it Neo?"
marahan akong naglakad papalapit sa kanya. "Isusugal ko ang ilan kong tauhan sa vatican to get your family as soon as tomorrow, pero mahalaga ba ang bagay na nalalaman mo?"

Pinunasan naman n'ya ang kanyang luha saka tumingala sa akin.

"It's about your son."

Natigilan ako sa sinabi n'ya.

"Sa kwento mo, sinabi mong patay na ang anak mo."

Nanggigigil na kinwelyuhan ko sya saka hinila patayo. "My son is dead, Cornelius! Ano'ng sinasabi mo ngayon!"

"Your son," hinawakan n'ya ang aking kamay na tila kumakawala. "There's a possibility that he's still alive!"

Tila ako nabingi sa kanyang sinabi. Wala sa loob na binitawan ko s'ya.

"A-ano'ng sinabi mo? Buhay pa si Skyler?"

"There's a possibility Kier." inayos n'ya ang nagusot na damit habang seryoso rin na nakatitig sa akin.

"Paano mo nasabi?" naiinis kong tanong. "If I found out that you're just making this story, I'll kill you!"

"I'm telling you Kier! Your son might still be alive!"


"Prove it."

Nakita ko naman na napalunok s'ya.

Huwag na huwag kang magkakamali na magsinungaling sa akin Neo. Ako mismo ang papatay sa'yo at sa pamilya mo.

"After studying your son's body," muli ay naupo s'ya. "Cassiopea ordered one of the executioners to bring your son to the Death Mountain."

Alam ko ang lugar na iyon. Doon nila pinapatay ng patago ang mga gumagawa ng kasalanan sa vatican.

"But the executioner came back wounded and dying."

Mas nagulat ako sa sinabi n'ya.

"Are you saying that my son escaped?"

Tumango s'ya. "Narinig ko ang pag-sigaw ni Cassiopea. He ordered her people to search for the kid. Pero lumipas ang ilang araw, hindi nila naibalik ang bata."

Kung totoo ang sinasabi ni Cornelius, malaki ang tsansa na buhay pa nga ang anak ko! Lalo na at bumalik ng sugatan ang taong dapat ay papatay sa kanya!

"Where's the executioner?" I asked.

"He killed himself three days later."

"What?!"

"Noong una ay inakala namin na labis lang ang takot ng taong iyon dahil pumalpak s'ya sa unang pagkakataon. Pero ayon sa usap-usapan ng mga gwardya na nagbantay sa executioner, ilang araw lang itong nakatulala bago nagpakamatay."

Hindi ako mapakali sa aking nalaman.

My son is still alive! Skyler escaped!

"Do you know where my son is right now?"

Umiling naman s'ya. "Wala na akong alam bukod sa bagay na iyon Kier. All I know is your son escaped and he managed to hurt the executioner at his young age."

I smirked.

The vatican is not aware of how powerful my son is. Kaya siguro naging kampante sila na isang executioner lang ang ipadala kasama ni Skyler.

"But Cassiopea still manage to make Azael and Harris believe that she succeeded. May pinalagay pa s'yang puntod para sa anak mo."

Magbabayad ang babaeng iyon sa ginawa n'ya sa anak ko. How dare her see herself as part of the vatican?

What a cunning woman.

Naalala ko naman ang hitsura ni Skyler mula nang huli ko s'yang makita. Kung napanatili n'ya ang kanyang sarili na buhay, malayo sa mata ng vatican, natitiyak kong isa na s'yang binata ngayon.

Sinulyapan ko naman ang aking kaharap.

"I think you got your first mission as part of the council, Cornelius." saad ko.

"Mission?"

"You'll lead a troop and you will search for my missing son."

Natigilan naman s'ya. "K-kailangan ba talaga na ako?"

"Akala ko ba ay gusto mong patunayan ang katapatan mo sa akin?"

Yumuko naman s'ya.

"Hanapin mo si Skyler," bumalik na ako sa aking lamesa. "In return, you'll see your family tomorrow."

"T-talaga?"

Ngumisi naman ako. "Marunong akong tumupad sa usapan Neo. Sana ay ganoon ka din."

Wala naman akong narinig na sagot. Kilala ko s'ya, siguradong pinag-iisipan pa din nya ang bagay na ito.

"If you failed,"
muli ay sinulyapan ko s'ya. "I'll fucking kill your family in front of you."

Tinakasan naman ng kulay ang kanyang mukha.

"H-huwag Kier. Gagawin ko ang utos mo. Hahanapin ko ang anak mo, iligtas mo lang ang pamilya ko."


Gusto kong matawa. Tama lang ang desisyon n'ya. Oras na pumalpak s'ya sa pinapagawa ko, mamamatay ang kanyang pamilya. Hindi nga namatay sa kamay ng vatican pero mamamatay din pala in the end. Ang malala, ay sa aking kamay pa.

"I'll give you time to prepare Cornelius, ipapakilala din sayo ni Vilet ang magiging parte ng grupo mo."

Within seconds, sumulpot naman si Vilet sa tabi ko na mukhang ikinagulat din ni Cornelius.

"Don't fail."

Nilapitan naman ni Vilet si Cornelius saka iginiya palabas ng aking silid. Nang mapag-isa na ay saka ko sinulyapan ang larawan ni Sandra na nakapatong sa aking lames.

"Narinig mo iyon Sandra?" nakangiti kong hinaplos ang picture frame. "Buhay ang ating anak. Buhay si Skyler!"

Walang pagsidlan ang tuwa sa aking dibdib.

Ang aking anak, na nagmana ng shadow rank na matagal nang nabura, ay ang mamumuno sa black council.

Maghintay ka lang Skyler, your daddy is already looking for you.




Ipagpapatuloy...

(early update)

SUPERNO ACADEMY: SHADOW PRINCE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon