Chapter 1

27 4 1
                                    

TRYL POV ~

"Ano ba yan Tryl nandito kana naman sa Bar ko! Mag saya ka naman minsan hindi yung nagmumukmok ka dyan sa table at mag isang nagpapakalango sa alak. Hello ghorl Sobrang daming lalake sa paligid hindi yung sinisiksik mo yung sarili mo sa isang lalake lang!" Ang sabi ng maputak kong bestfriend na si FEIL HAN BAUTISTA.

"Hindi mo kasi maintindihan yung nararamdaman ko. Hindi mo alam na sobrang sakit ng dinulot na pangako nya sakin. Akala mo ba madali lang yun?"

"Alam mo Tryl kung patuloy ka lang sa pagpapakatanga dyan wala na kong maisip na ipapayo sayo. Sobrang dami ko ng napayo pero eto ka padin hindi ka parin nakikinig sa sinasabi ko. Hindi ko na alam sayo Tryl basta ako nandito ako bilang kaibigan mo na handa kang tulungan sa oras na mangailangan ka. Pero sa ganyan bagay ikaw mismo ang sasagot sa problema mo." Putak ulit ni feil

Hindi ko na alam ang gagawin ko nasasaktan ako sa twing nakikita ko silang masaya habang ako umiiyak sa kawalan. Pero pag nagpapakita sya ng motibong mahal nya ko bumibigay ako nabubulag nalang ako sa mga nakikita kong saya nilang dalawa. Iniisip ko na wala lang yung mga ginagawa nila.Ganun ba talaga ako katanga at kadesperada na makuha sya kahit na hindi ko alam kung totoo paba yung pinaparamdam nya sakin?o baka pinagseselos nya lang ako? Sa isip ko.

"T-tryl p-parang mas okay kung umuwi ka nalang." Nauutal na sabi ni feil nang hindi nakatingin sakin

"At bat naman ako uuwi? Ngayon pa nga lang ako nagsasaya gaya nga nang sabi mo."

"Please Tryl umuwi kana hindi pagsasaya ang ginagawa mo dito. Lalo mo lang pinalulungkot yung sarili mo dahil nagpapakalango ka sa alak mag isa." Sabi nya ng hindi parin tumitingin sakin pero tutok na tutok sya sa kung saan

"Bestfriend alam mo naman na ikaw lang makakasama ko diba? Hindi naman ako mag isa kaya please pagbigyan mo na ko." nakanguso kong sabi.
"A-aray naman bestfriend wag mo naman ako hilahin parang di mo naman ako bestfriend nyan T-teka lang be---" bigla akong hinigit ni Feil.

Napalingon ako sa dance floor na kanina pang tinitignan ni Feil pero mali pala na tinignan ko yun. Durog na durog ang puso ko sa sakit. Napatigil si Feil nang makita nya na lumuluha ako. Sinikap kong ngitian si Feil habang umiiyak sobrang sakit gusto kong sumabog any time.

Yung makita mo yung Mahal na mahal mong lalake na nakikipaghalikan sa babaeng kinaiinisan at pinagseselosan mo. Nung una okay lang na nagkakausap sila at nakikita kong minsan magkahawak kamay pa sila. Pero yung pagpapalitan nila ng mapupusok na halik yun yung di ko matanggap ang sakit sobraaa halos ikamamatay ko yung sakit habang nakatingin sa kanila gusto kong lumubog sa kinatatayuan ko. May biglang humigit sakin na tila ba hindi ko napansin na nakalapit na pala sya dahil sa sobrang pagkatulala nakita nya ako sabay patakbo akong niyakap ng mahigpit habang sinasabi nya na mali yung nakita ko. Sa sinabi nya nabingi ako bigla at hindi alam ang isasagot

Nakita ko si Feil nang may pag aalinlangan sa mukha kung dapat ba talagang iwan ako dun at hayaan na mag usap kami pero sa huli iniwan nya ko. Ang bait mo talaga bestfriend sa isip ko kahit na ang totoo ay ayokong iwan nya ko dito

"Tryl please let me explain! Wala lang yung nakita mo hindi yun totoo okay?" Sabi nya habang nakatingin sa mga mata ko.

Pero parang nabingi na yata talaga ako at hindi ko alam kung bakit bigla ko nalang syang nasampal. Sa gulat ay hindi agad sya nakakilos lahat ng taong nandun ay nakatingin na samin at pinagbubulungan na kami pati nadin si JARA VILLARIZ na kahalikan nya at pinagseselosan ko na kababata nya. Halos ng mata ay nasa amin na wala akong marinig kundi ang malakas na tugtog sa Bar at tanging pag-iyak ko.

I STILL WANT YOU - (ONGOING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon