TRYL POV -
Ano ba yan self may pag ngiti ngiti kapa dun sa lalake. Anong ini-expect mo magugustuhan nya ngiti mo? Kung ano ano nalang naiisip ko pero grabe yung tibok ng puso ko habang nakangiti sa kanya nakita ko pang pamulahan sya ang cute nya sobraaa! Sa sobrang pag iisip ko napagtanto ko nalang na nasa bahay na ako. Parang di ko naramdaman na sinundo ako ng driver namin sa sobrang focus sa ibang bagay. Tryl magtigil ka!!
" anak nakauwi kana pala hindi ka man lang humalik sa mommy." sabi ni mommy.
" Mom stop it. Hindi na ko baby okay?"
" etong anak ko talaga parang halik lang ang damot sige ka magtatampo ako nyan. Ipinagluto pa naman kita ng favorite mong adobo"
Nanlaki bigla mata ko"san na mom? "
" kiss ko muna anak dali na "
" Fine. Pero sa sunod wala ng kiss mom okay?for god sake Im 16 years old and turning 17 this year. I'm not a kid anymore mom. Simula nung niregla ako di na ko bata mom. Got it? "
" okay fine . Pumunta kana sa kusina at nakahanda na dun ang favorite mo anak. Sigurado akong marami kang makakain ngayon "
" Thank you mom iloveyouu "
" ILOVEYOU TOO anak ko, c'mon let's eat "
Hindi talaga mawawala yung ngiti ko kapag kasama ko si mommy. Kasi si mommy yung pinaka close ko compare kay daddy na sa sobrang busy nakakalimutan na yatang may anak pa sya. Pero okay lang mahal ko ang dad kaya alam kong wala syang ginagawang ikasisira ng pamilya malaki ang tiwala ko sa kanya.
Maaga ako umalis ng bahay dahil sabado ngayon at walang pasok nagjogging ako, nag bike ako sa malapit na park at lahat ng exercise na pwede ko magawa ay ginawa ko na pero di ko inaasahan na makikita ko si mr.gomez na nagjajogging din. Tumakbo ako ng mabilis para di nya ako makita habol hininga ako sa pagod sa pagtakbo wag lang makita sure ako hindi nya ko nakita dun. Pero sa gulat ko muntik ko ng masapak kung sino man yung kumulbit sakin buti ay di natuloy.
" Hello Ms. Calre anong ginagawa mo dito?"
"obvious naman siguro sayo diba? Nakasuot ako pang exercise tsaka malapit lang bahay ko sa park na to"
"Ah ganun ba. Sorry pala kung nagffeeling close ako sayo ah gusto ko lang naman makilala ka. By the way I'm Vish Teph Gomez nakilala mo naman na ko sa room diba? Dyan lang ako nakatira malapit lang din dito sa park. Nangungupahan lang kami ng ama at mga kapatid ko."
"wala yun okay lang naman. I'm Tryl Calre 16 years old,"
"okay lang ba na samahan kita dito? Hindi kaba maiilang? Nahihiyang ani nya.
" Oo naman wala naman problema yun sakin " ako sabay ngiti. Nakita ko naman sya pamulahan ang cutee nya talaga
" Ms. Calr--" di ko sya pinatapos
" you can call me Tryl. It's okay for me"
Nakita ko naman syang ngumiti ang lakas talaga ng dating nya pag nangiti. Bumibilis na naman tibok ng puso ko." Ah Ms. C---, ah Tryl bakit pala hindi mo ko kinakausap sa school?"
"wala naman ahm nahihiya lang kasi ako sayo. Pero ngayon okay na nakilala na kita"
"p-pwede ko b-bang makuha numb---,"
"Vish! Ano pang ginagawa mo dyan tara na!
Sabi ng babaeng tumawag sa kanya at sobrang sama ng tingin sakin." pasensya na ah makulet lang talaga to. Sa school nalang tayo mag usap okay lang ba? "
" Ah sige "
BINABASA MO ANG
I STILL WANT YOU - (ONGOING)
Dragoste"If you really love me, why do you hurt me and keep breaking my heart?" -