Chapter 3

647 29 4
                                    


Chapter 3: The guy named Saint McCrane

ONEAL

"What's with the disgusted face?" We're already infront of my dormitory and KL has been looking at the whole building with a disgusted face.

It was a four-storey building painted in red with a small touch of white to outline the windows. Hindi kalakihan yung building pero hindi ko rin masabing maliit ito. Sakto lang para sa akin.

"Dorm ba 'to? Mukhang iniipis saka dinadaga, ayoko pumasok!" Reklamo ni KL. Mabilis pa siyang tumalikod saakin at nakitang handa nang umalis pero bago pa siya nakahakbang, hinablot ko kaagad yung kwelyo ng dress shirt niya para hindi siya makaalis.

"Sinabi ko na bang umalis ka?"

"Ayoko pumasok! Paano kung magka Leptospirosis ako o di kaya malubhang sakit?"

Napairap ako sa narinig.

"Ang dami mong reklamo, hindi naman ikaw ang titira rito kaya dalhin mo na ulit yang mga maleta ko." Utos ko bago ko binitawan ang kwelyo ng uniform niyang nakusot na.

"Luh! Kusot na tuloy." Reklamo nanaman niya, nakatingin pa sa kwelyo niyang nakusot ko.

"Hilahin mo nalang yang maleta ko kasi baka yang mukha mo ang susunod na kumusot." I saw how he gulped with what I said, terrified. He knows my attitude. Hindi man ako mahilig makipag-away 'di tulad niya at Jordan pero kapag sinabi ko, ginagawa ko. Dami pa kasing arte eh. Kalalaking tao, daig pa ang babae kung umarte. "Tara na."

Nauna na akong maglakad. I didn't felt KL's presence at my back kaya tamad akong tumingin sa likod. Nakatayo parin siya sa kinatatayuan niya mula kanina. Nakangiwi nanaman at parang ayaw pa ata pumasok sa loob.

"Ano, papasok ka o papasok?"

"Asan ang choice dun?"

"That's exactly my point."

Ginulo muna niya yung buhok niya bago padabog na hinila ang bagahe ko. Inis na inis.

Pagpasok namin sa lobby, may ilang estudyante kaming nakita ni KL na nakatambay. They were sitting on the couch wearing their red uniforms.

One student caught our attention. Her eyes grew wide then saw her jabbed the waist of her friend using her elbow that was sitting right next to her, telling her friend to look at our direction.

It became a domino effect. Matapos tumingin ng isa, may tumingin ulit na isa hanggang sa nagsunod-sunod at lahat ng atensyon nila ay nabaling sa aming dalawa ni KL. Correction, kay KL lang pala.

Para silang nakakita ng hindi inaasahang anghel na itinapon ng langit. Yung mga mata, kulang nalang may lumabas na glitters, kumikislap. Pero hindi iyon pinansin ni KL. Bagkus, nagreklamo ulit.

"Ang init naman dito." Bulong niya saka mabilis na hinila ulit yung luggage ko patungong hagdan. Ang bilis niya maglakad, halatang kating-kati na umalis sa lugar na 'to.

Nung humakbang siya ng isa sa hagdan, nakarinig nanaman ako ng reklamo mula sa kanya. Bawat hakbang niya paitaas, may katumbas na mura. Halos isumpa niya na 'tong dorm sa mga mura niya. Gusto ko sana siya tulungan kaso sobrang sikip ng hagdan. Kasya lang isang tao.

Venom Academy: School of ElitesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon