Chapter 6

617 34 13
                                    

Chapter 6: Tattoo

ONEAL

"Saan mo dadalhin si Oneal!?" Sigaw ni KL pero hindi siya pinakinggan ni Saint. Dire-diretso lang siya sa paglalakad habang hatak-hatak ang palapulsuhan ko.

Nakita kong gusto sana kami sundan ni KL pero agad akong umiling para pigilan siya. Baka lumala lang ang away nila ni Saint kapag susundan niya kami at ayokong mangyari yun.

Lumabas kami ni Saint ng building at hindi ko alam kung saan na kami ngayon patungo.

"Saan mo ba kasi ako dadalhin?" Tanong ko. Naiinis.

Hindi niya ako sinagot. Sinubukan ko rin bawiin yung kamay ko mula sa pagkakahawak ni Saint kaso nasaktan lang ako. Ang higpit ng pagkakahawak niya. Nasasaktan na talaga ako.

Lumingon ako sa paligid at nagsimula na akong makaramdam ng takot. Hindi ito yung daan patungo sa dormitory nila Saint at hindi ko rin alam kung alam pa ni Saint ang dinadaanan namin. Siguro ay lakad lang siya nang lakad para lang mailayo ako kay KL.

I don't even get why he's so possessive when it comes to KL. Ganun nalang siguro ang galit niya saakin at hinding-hindi niya hinahayaang maagaw ni KL ang kaisa-isang alipin niya. Napaka-petty.

Ilang minuto lang ang nakalipas, huminto na siya sa paglalakad, dahilan para mapatingin ako muli sa paligid.

Ilang minuto lang ang nakalipas, huminto na siya sa paglalakad, dahilan para mapatingin ako muli sa paligid

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Parang lahat ng inis at galit ko kay Saint, biglang naglaho nung nakita ko ang paligid.

I was in awe.

There was a huge waterfalls on my right hand side. The sound of the water flowing down was very calming. Isama mo pa riyan yung ilaw na nagmumula sa malaking buwan na mas nagpadagdag sa ganda ng buong paligid. There were also fireflies and beautiful flowers surrounding the falls. Ngayon ko lang din napagtanto na nakatayo pala kami ni Saint sa isang stone bridge. Ang ganda. Wala akong masabi.

When I looked on my left, there was a huge golden statue of a man with a head of a falcon.

The statue of Horus, the God of war and the sky that represents the heir and heiress of the current most powerful families inside this academy.

Naramdaman kong binitawan ni Saint ang pagkakahawak niya saakin saka inis na sinipa yung mga maliliit na bato malapit sa kanya.

"Sorry." Bulong niya. "Hindi ko sinasadya." Dagdag pa niya, tinuturo yung kamay ko. He's probably referring to my wrist. Medyo masakit pero keri lang. Huwag lang sana mamaga kinaumagahan kasi panigurado magtataka and worst magwawala si KL. Mag-aaway nanaman ang dalawa at ayoko nang mangyari iyon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 23 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Venom Academy: School of ElitesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon