Nakatayo lang ako roon, nakatanga. Ano na nga ba 'yong nangyari?
May humalik sa 'kin!
Sino namang hahalik sa 'kin at bakit niya ginawa 'yon? Kailangan kong malaman kung sino 'yon!
Kailangan ko siyang habulin.
Nahirapan akong lumabas dahil hindi nakagalaw nang maayos ang mga paa ko sa sobrang pagkagulat. Pagkalabas ko ng janitor's room, hinanap ko agad 'yong lalaking humalik sa 'kin.
May nakita akong lalaking nakatalikod at naglalakad palayo. Hinabol ko siya tsaka ko siya sinigawan.
"Hoy, ikaw!"
Pagkaharap niya sa 'kin, nanlaki agad 'yong mga mata ko. Siya nga ba talaga?
Si Jeydon Lopez?
Siya 'yong humalik sa 'kin? Siya lang naman 'yong tao roon, e. Hindi naman pwedeng mawala agad 'yong lalaking humalik sa 'kin. Pakiramdam ko, may kung anong bagay na bumagsak sa 'kin. Hindi pwedeng sa isang katulad niya napunta 'yong unang halik ko. Sa isang napakasamang lalaki, mayabang, arogante... Basta, sa isang bad boy.
"Kapatid ni Charles! Anong problema mo, ha?!"
Tinatanong pa niya kung anong problema ko? Nang-iinsulto ba siya? "Bakit mo ako hinalikan?!"
Nanlaki 'yong mga mata niya, parang nakakita siya ng multo. Maya-maya, bigla siyang tumawa nang malakas, napahawak na nga siya sa tiyan niya, e.
"Ikaw, hahalikan ko?!"
"Huwag kang tumawa! Hinila mo ako roon sa janitor's room! Tapos... tapos..."
Gusto ko sanang sabihing, 'Hinalikan mo ako,' kaso pinigilan ko na 'yong sarili ko. Naisip ko pa lang na hinalikan niya ako, kinilabutan na ako.
"Ang sama mo!" Sinuntok ko siya sa dibdib niya, kaso ang tigas pala talaga, feeling ko, ako ang nasaktan. Sa inis at asar ko, napaiyak na ako. Bwiset na lalaking 'yon! Napakasama talaga niya.
"Hoy, nerd na pangit! Huwag ka ngang umiyak sa harap ko. Wala akong ginawa sa 'yo! Asa ka pang hahalikan kita! Ew!"
Wala akong pakialam sa mga sinabi niya. Siya 'yong humalik sa 'kin! Hindi ako pwedeng magkamali.
"Anong nangyayari rito?" Lumapit sa 'min si Kuya Charles.
"Kausapin mo nga 'tong kapatid mo, Charles. Ang lakas mag-ilusyon, e."
Hinila ako ni Kuya papunta sa kanya at nakita niya akong umiiyak. Kahit aso't pusa kami, ayaw niya akong nakikitang umiiyak. Hinawakan niya 'yong braso ko. Tiningnan niya ako nang galit na galit. Ako naman, parang tangang umiiyak pa rin.
"Anong problema, Candice?"
"Si Jeydon! Hinalikan ako, e!"
Noon ko lang napansing lahat pala silang apat nandoon na, pati ang classmates nila.
Great. Ano 'to, show? Sana hindi nila narinig 'yon pero mukhang dinig na dinig nila 'yong sinabi ko.
Lahat sila natahimik, tapos nagtawanan."Candice, may sakit ka ba?" Hinawakan ni Kuya ang noo ko. "Alam kong matinik 'tong si Jaydee sa babae, pero never kang hahalikan niyan! Hot girls ang tipo niya. Alam mo, gutom lang 'yan."
Ah, gano'n? Wala na akong karapatang mahalikan porket ganito ako? I hate you, Kuya Charles!
Umalis akong umiiyak. Ang sasama nila! Hindi ko naman sasabihin 'yon kung hindi naman talaga 'yon nangyari. Hindi ako isa sa mga fangirl ng Jeydon na 'yon para mag-ilusyon at gumawa ng kung anu-anong kwento. Kung pwede nga lang, hindi ko na siya makita, e.
BINABASA MO ANG
The Four Bad Boys and Me
Fiksi RemajaGusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.