Chapter 7: Infidelity

54 31 2
                                    

"Happy Anniversary Babe!", masayang bungad na bati ni Erica sa nobyo ng sila ay magkita sa isang cafe shop. May dala itong aliit na kahon na balot ng kulay pulang papel na kumikinang.  Umupo ito sa harap ng nobyo at maliit na lamesa lamang ang nagpapagitan sa kanilang dalawa.

"Himala ah,  hindi mo kasama si Jonathan!" pabirong tugon ni Daniel.  Napailing naman ang dalaga. Hindi lamang ito kumibo.  Napansin naman niyang walang dala ang nobyo, wala itong dalang pangregalo o bulaklak na dati ay kaniyang gawi.

"Hmm... Dati-rati,  lagi natin siyang kasama,  thirdwheel ba tawag don? O Chaperone?" bungisngis pa ni Daniel o pang-aasar sa dalaga.  Kung dati nga naman ay madalas nilang kasama si Jonathan sa kahit anong lakad nila kaya medyo may inis ang binata sa kaibigan ng nobya na madalas din nilang pag-awayan.

"Pero bakit 'di mo kasa---" naudlot ang pagsasalita ng binata.

"Stop! It's our anniversary, today.  We don't need him here, Daniel! And, hindi mo ba ako babatiin?" medyo inis na tanong ng dalaga. Napatawa naman ng bahagya si Daniel.

"Happy Anniversary, Babe!" bati ni Daniel.

"Hmm... This is my present... " sabi ng dalaga sabay abot ng hawak na kahon. Kinuha ito ng binata at pinagmasdan.

"I think, wristwatch 'to,  am I right?" ngiting tanong sa nobya.

"Tignan mo," tugon ni Erica.

"Well,  for the first time na nagregalo ka sakin ng material, sakto relo pa.  I know na relo ito... " tuwang sinasabi ni Daniel habang nagbubukas ng balot. Humaba naman ang mga ngiti niya ng makita ang magandang relo.

"Galing sa idea iyan ni Jonathan, I ask him last week kung ano ang magandang ipangregalo sa mga lalake... " kuwento ng dalaga,  bakas ang lungkot sa mukha dahil wala pa siyang natatanggap na regalo mula sa nobyo.

"Okay din ha, may ambag din iyang kaibigan mo... " tugon naman ng binata.

"Hmm..  Babe,  I'm sorry,  hindi ko talaga napaghandaan itong anniversary. Alam mo naman busy ako sa school, nahihirapan nga ako sa course ko e'. I'm really sorry,  I promise babawi ako nexttime.", pagpapaliwanag ni Daniel.

Ngumiti lamang si Erica sa paliwanag ng nobyo.  Tumingin siya sa lamesa kung asan ang kahon na pinaglagyan ng kaniyang regalo.  Huminga siya ng malalim.

"It's okay,  ako nga ngayon lang nagregalo.   Ikaw since eleven months,  may eleven na regalo ka din.  Bukod pa doon 'yung dalawang buwan na panliligaw mo. I still love you... " ngiting sabi ng dalaga.

Maya-maya pa ay tumunog ang cellphone ng binata. Nakalagay ito sa lamesa kaya at ang screen ay nakaharap sa taas. Nagulat si Daniel kaya hindi siya napakilos.  Napababa naman ang tingin ni Erica. Hindi niya nababasa ang pangalan ng tumatawag sapagkat nakabaliktad ito sa paningin niya.

"Bakit ayaw mong sagutin?", tanong ni Erica.  Napatingin naman sakaniya si Daniel at napalunok. Agad-agad itong pinatay ng binata.

"It's not important!" sagot ng binata. Muling tumunog muli ang cellphone ng binata.  Sa pagkakataong ito ay hinablot agad ito ng dalaga upang maunahan niya amg nobyo.  Tinignan niya ang pangalan ng tumatawag. "Tin"

"Tin?", patanong na sabi nito,  nagtaas ang isang kilay ng dalaga.  Tila naman ay ubod ng lumabas ng mga pawis ni Daniel sa mga butas sa kaniyang balat.

"Tin? Tin is calling,  I don't who she is.", sabi ng dalaga. Iniabot naman niya ang cellphone sa nobyo habang tumatawag ang nagngangalang "Tin".

"Oh,  here!  Answer it!  Baka emergency!" si Erica.

"It's my classmate,  it's not important!" pagbawi ng binata.

"No,  sagutin mo,  baka about sa acads iyan.  I'll give you time!" pagbibigay permiso ng dalaga habang ang kaniyang mga mata ay di naalis ng tingin sa nobyo. Napalunok muli sa isa pang pagkakataon ang binata.  Tinignan ng matagal ang cellphone.  Patuloy parin sa pagtawag ang babaeng nagngangalang 'Tin' mula sa kabilang linya.

"Bakit ayaw mong sagutin?" tanong ni Erica,  samantala ang mukha ay seryoso at walang emosyon. Agad namang sumagot ang binata.

"No,  need!  Ahm,  what do you want?  Coffee or---"

"I want you to answer that call!", si Erica.

"I said,  no need,  okay? I-airplane mode ko para 'di sagabal sa oras natin. Is that alright? Mag-order na ako babe!" sabi ng binata. 

Tinignan lamang siya ng malalim ng nobya.  Isinarado pa ni Erica ang dalawang braso. Huminga ng malalim,  tumahik panandalian ng ilang segundo.

"Do you think na inosente ako sa mga pinaggagawa mo,  Daniel?", agad na tanong ni Erica.

"I don't understand what you are talking about... ",  pagtanggi ng binata.

"Ano nanaman ba iyang mga nasa utak mo,  siguro may naninira sakin hano. Baka iyang kaibigan mo ha.  Umiwas ka jan kung ganyan lang din", dagdag pa nito.

"Wala siyang kinalaman dito, I just found out the truth", mahinahon parin ang lagay ng dalaga.  Kitang-kita ang pagiging edukada sa publiko.  Pinipigilan lamang ang galit na kanina pa ay kumakalat sa kaniyang buong katawan.

"Truth? Anong truth?", pagmamaang-maangan ng binata.

"Oh C'mon! Daniel!  You entered in my life,  now if you want to break my heart, sabihan mo lang ako ng nagiging handa ako!", mahinahon paring sabi nito kahit bakas na sa mukha ang galit.

"Okay,  nag-iba lang iyang mood mo,  dahil lang sa kaklase kong tumawag at nagkataong babae pa", mahinahon ding sagot ni Daniel.

"She's Christine, right?" tanong ni Erica,  napahinto naman si Daniel sa naisin pa niyang paliwanag. Hindi ito umiimik.

"My God, Daniel! If you want to cheat next time,  huwag sa parehong school.  Hanapin mo naman ang kahihiyan mo,  pati ang diskarte mo.  Kung sabi nila,  ang mundo ay maliit,  paano pa kaya ang campus?"

Tahimik lamang si Daniel.

"I know everything between you and her.  Noon pa.  Pinagbibigyan lang kita,  'cause I want you to realize na ako pa rin ang mahal mo at natutukso ka lang," sunod-sunod na sabi ni Erica habang ang mga luha ay nagsimula nang magsipatakan.

"Dahil unang-una,  hindi ako iskandalosa. Pangalawa,  may tiwala pa rin ako sayo because I know that you still love me." dagdag pa niya.

"Daniel,  I'd gave my all. Lahat ng magpapasaya sayo,  ako,  maski ang buong kaluluwa ko... Just to make you happy. But I guess,  I was wrong,  masyado akong naging madali.  Dapat pala mas kinilala kita. Dahil pakiramdam ko,  sa huli,  ako pa rin ang matatalo.", mga dagdag niya. Nakatingin lamang sa kaniya si Daniel.  Wala pa ring imik.

Tumayo si Erica at nagpunas ng mga luha.

"You disappointed me,  Daniel!", huling sabi ng dalaga bago ito umalis. Hindi siya sinundan ng kaniyang nobyo, dahilan ng kaniyang lalong pagkainis at pagkasakit ng puso.

SA KANTO,  habang nag-aabang ng masasakyan.  Binuklat niya ang kaniyang cellphone at hinanap si Jonathan sa contact.  Tinawagan niya ito. Inabot pa ng tatlong tawag bago siya sagutin ng kaibigan.

"Jonathan? Where are you?", bungad na tanong ni Erica.

Just FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon