Chapter 1: Midnight call

12.5K 152 22
                                    

A/N:



Natatawa ako dun sa mga comment ng ibng readers. napeke daw sila nung story ko kasi akala nila may laman na 'yun pala wala pa hahaha.... Sorry naman kaya nge mei nakalagay na note sa ibaba di vah??



Peace mga kapatid ^___^V hehehe...



So here is the chapter one of My Midnight Kiss... dun po sa mga hindi nakakaalam uhm... 2nd book po 'to ng My Boyfriend is A Vampire kaya kung hindi niyo pa po 'yon nababasa pedeng 'yun muna ung basahin niyo hehe...



COPYRIGHTED© 2012 ALL RIGHTS RESERVED BY MISS_REDANGEL

"SA TINGIN mo ba paanong hindi iinit ang ulo ko dahil sa ginawa niyo? Hinayaan niyo na lang basta na pumunta si Rina kung saan mang lupalop ng Pilipinas for her job. Besides paano kaya kung may nangyaring masama sa kanya anong gagawin niyo?" naasar na bulalas sa kanya ni Aveial sa kabilang linya.

Jeff just rolled his eyes irritably, masyado yatang nagiging paranoid si Veil nitong mga nakalipas na taon. Tchh... kasalanan ba niyang kailangan ng dalaga na umalis para sa trabaho? Pasalamat nga ito at nakasama siya sa dalaga kahit todo ang pagtanggi nito na wag siyang bumuntot. Syempre hindi ito pwedeng iwan mag-isa dahil alam niyang mapapahamak ito oras na may makaalam na isa itong rare blood. Siguradong hindi siya aabutan ng bukas oras na malaman ni Ave na may nangyaring masama sa dalaga.

"Jeez, Veil in case you forgot twenty four years old na si Rina and she is already capable handling herself. Isa pa nagawa ko naman na makasama sa kanya kaya wag ka nang magreklamo diyan." Katwiran niya habang nakaupo sa isa sa mga wicker chair at umiinom ng juice, pinagmamasdan ang dalaga na nagta-trabaho malapit sa pampang.

"Right, as if naman si Rina ang binabantayan mo if I know puro babae? Saka dapat na si Marlon na lang ang pinasama mo dyan sa sama ng tingin 'non malamang lahat ng lalaki hindi na makakalapit kay Rina."

He laughed at Ave's remark, totoo naman ang sinabi nito. "Marlon have a raging temper due to his wolf, and as for me I'm not that busy on the shop kaya kaysa maghuramentado ka na walang kasama ang girlfriend mo, ako na lang ang pumunta kaya pasalamat ka na lang." muli siyang uminom sa hawak na baso habang sinusundan ng tingin ang mga babaeng naka bathing suit na lumakad sa harap niya.

Ang shop na sinasabi niya ay ang machine shop na naitayo nilang dalawa ni Marlon dahil sa pagkahilig nilang dalawa sa kotse matapos nilang makapagtapos ng college dahil na rin sa kagustuhan ni Emerson, kung bakit sila sumunod? Simple lang dahil baka totohanin ni Emerson ang sinabi nitong makakarating sa Prinsipe ang pagsuway niya sa utos nito at baka sa kangkungan pa siya kabagsakan.

Nawala ang iniisip niya nang marinig niya si Ave na nagsalita sa kabilang linya. "Yeah right." He scoffed. "Parang hindi ko alam na sinusundan mo ng tingin ang babaeng lumalakad sa harapan mo ngayon." Hindi niya mapigilang maibuga ang iniinom at saka mabilis nilibot ang tingin paligid nang hindi niya ito makita o kahit ang presensiya nito ay mabilis siyang nakahinga ng maluwag para lang mairita nang marinig niya ang malakas na tawa nito sa kabilang linya. "What the fuck? Are you a psychic or a vampire?" naiiritang bulalas niya, nakakaasar talaga ang lalaking 'to kahit kalian.

"I just know you more than you can imagine."

"That sound's creepy dude."

"Yeah right basta bantayan mo dyan si Rina kapag may nakalapit diyan na umaaligid-aligid na insekto ikaw ang palalaklakin ko ng insecticide."

"Yeah, yeah whatever." Kapagkuwan ay nakita niya ang isa sa mga male model na tila aali-aligid kay Rina pero napansin niya agad na may kakaiba ditto kaya naman lumapit na siya.

"Decide to help?" nakataas-kilay na tanong sa kanya ng dalaga.

"Well, sort of." Sagot niya at ngumisi kahit ang totoo kaya naman talaga siya nandoon para lang magsight-seeing ng mga babae gaya na lang ng sinabi ni Ave sa kanya kanina pero syempre naman tanggi dapat siya hindi ba?

My Midnight Kiss (MBIAV 2) |Available on Dreame|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon