Chapter 2: Missing... Pet?

6.7K 106 8
                                    

A/N:

Hayyyyyss..... ayun... so ito na ang 2nd chap alam kong nabo-bore na talga keu sa story na 'to pero talgang magiging excited na to sa sususnod na mga chap kea pag pasensyahn lng ng konti ano??  hehehe


anywhoo.. here it goes enjoy!!!

 COPYRIGHTED© 2012 ALL RIGHTS RESERVED BY MISS_REDANGEL

NAPAKUNOT ng noo si Rina na parang may nawawala na modelo sa mga kinukunan niya, last day na nila ngayon pero hanggang ngayon ay hindi pa rin niya alam kung saan napadpad si Mark.

Tuwing itinatanong naman niya sa staff ay wala naman daw na modelong nagngangalang Mark sa mga kinukunan niya. Kaya naman hindi niya maiwasang maghinala habang hinahanap niya ng tingin si Jeff.

Na kasalukuyang nakikipagharutan sa mga foreigner na mga babae di kalayuan sa shoot nila. Naningkit na lang ang mata niya nang mapansin niyang mabilis itong nag-iwas ng tingin nang magtama ang mga mata nila.

Sigurado siyang may kinalaman ito sa nawawalang lalaki na parang nabura pa ang existence sa mundo. Ano naman kaya ang gulo na kinasangkutan nito?

After some clicks and intructions that she gave on the models, at last... "It's a wrap everyone!" anunsyo niya at tila nakahinga na ng maluwag ang bawat isa at mabilis niyang inayos ang mga gamit dahil tulad din ng lahat pagod na at gusting-gusto na niyang humiga sa sarili niyang kama.

Kaya nang magawa niyang maiayos ang gamit niya ay mabilis niyang hinatak si Jeff mula sa kumpol ng mga babae na pinagkakaguluhan ito at saka kinausap.

"Now tell me what happened to Mark?" aniya

"Bakit mo pa hinahanap ang taong muntik ka nang gawing hapunan kagabi?" sabi naman nito habang nakahalukipkip.

"What?"

"That bastard was a new blood at ikaw lang naman ang napili niyang kainin kagabi kaya idinispatsa ko na baka kung ano naman ang gawin sa'yo. Ayokong maghukay ng sarili kong libingan kapag nagkataon."

She just rolled her eyes irritably alam naman niyang kay Ave ito natatakot oras na malaman na may masamang nangyari sa kanya. Ang gunggong na hanggang ngayon walang paramdam.

"Right! Tara na at uuwi na tayo kailangan ko pang mai-submit ang mga shots na nakuha ko sa kumontratang magazine sa'kin sa Maynila."

"Aalis na agad? Hindi ba pwedeng dumito na muna ko?" angal agad nito saka bahagyang kumaway sa mga nagaantay pa rin ditong mga babae.

"Bahala ka sa buhay mo umandar na naman ang pagkahilig mo sa babae." Aniya saka nilayasan na ito.

"Ikaw naman hindi na mabiro." Habol nito sa kanya at saka sumenyas sa mga nag-aantay rito na aalis na.

Hindi na niyang nakita kung ano ang itsura ng mga ito, malamang sa hindi disappointed dahil nawala na ang kalandian ng mga ito na lalaki pero pake ba niya? Binalingan niya si Jeff at isa-isang pinadala rito ang mabibigat niyang gamit na nakalagay sa isang black box na pinaglalagayan niya ng equipments habang siya ay bitbit lang ang camera niya.

"Bakit ang bibigat naman ng pinadala mo sa'kin?" angal agad ni Jeff eh kung tutuusin ay hindi naman talaga nito iniinda ang bigat dahil di hamak na kaya nitong ibalibag iyon sa kung saan sa lakas nito pero syempre alam niyang hindi nito gagawin unless gusto nitong makatikim sa kanya. Malamang kasi nag-iinarte na naman ito.

My Midnight Kiss (MBIAV 2) |Available on Dreame|Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon