Slam book Entry Number 3: Tell me something about yourself.

117 4 1
                                    

Hay ang sarap talaga gumising sa umaga lalo na't alam mong walang pasok.

Bakit kaya ganun?!

Kapag may pasok ka, tinatamad ka gumising.

Pero pag wala naman, naunahan mo pang gumising ang manok na titilaok pa lang sa umaga.

Anyway since saturday ngayon at wala naman kaming pasok.

Its time for me to go to a job interview.

Actually may bago akong part time job na inapplyan since nagenroll ako sa college.

Wala na yung mga foster parents ko kaya wala na akong ibang aasahan kungdi sarili ko lang.

Mabuti nga napakiusapan ko yung registrar na 10% lang muna ng kabuuang tuition ang babayaran ko kapalit nung pag-part time ko sa kanila nung enrollment.

Sa dami ng nagenroll, 10 pm na ako nakauwi samin.

Kasalukuyan ako ngayong nakikitira sa kapatid ng anak ng kapatid ng nanay ko. In other words, pamangkin-in law ko. Haha!

"Ang lamig talaga ng tubig sa umaga."

Sinimulan ko ng hubarin yung suot ko.

(Siyempre maliligo ako)

Pero may isang bagay akong hindi Hinubad kahit na naliligo ako.

Ang aking pinakaiingatang kwintas.

Ito ang dahilan kung bakit bebang ang pangalan ko sa dinami-dami ng magagandang pangalan sa mundo.

-Hayaan niyong mag-story telling ako sa inyo habang naliligo ako-

Tulad ng naunang sinabi ko sa inyo. Ampon lang ako ng mga magulang ko.

Napulot lang daw nila ako sa taniman ng patatas sa baba ng burol.

Since wala naman silang anak. Kinupkop muna nila ako. Lumipas ang panahon pero wala namang magulang ang nagtangkang maghanap sa akin.

Ang tanging bagay lang daw na nakita nila sa akin ay ang aking kwintas na may pangalang "bebang" na nakalagay.

So inisip nila na baka yun ang tunay kong pangalan so hindi na nila binago since baka yun daw ang maging daan para mahanap ko ang mga magulang ko.

(Eh mas mukha pa ngang yun ang naging daan para lait-laitin ako ng mga tao.)

Namatay rin ang mga umampon sa akin gawa ng katandaan kaya ayun dito muna ako nakitira sa bahay ng pamangkin ko.

At ayun....

Tapos na ako maligo....

Naku kailangan medyo magayos naman ako noh. This past few days na nasa school ako nagmumukha akong yagit.

Saka para naman matanggap ako sa aapplyan kong trabaho.

Ready to go na ang lola niyo...

Regarding pala sa trabahong aaplyan ko may nalaman akong hiring ng taga-alaga ng matanda. Ok na rin naman as part time saka ang ganda ng incentives kasi may allowance.

Teka saan nga ba itong address?

Medyo inabot ako ng isang oras kakahanap, kakatanong kung saan yung address nung aapplyan ko hanggang sa....

"Wow! Is this for real?! Ang laki naman ng bahay nila este baka mansiyon na ito"

"Mansiyon nga ito miss."

"Ayy. Nakakagulat ka naman kuya! Eh sino ho ba kayo?"

"Di pa ba obvious sa suot ko? Security guard ako dito. Eh ikaw anung ginagawa mo dito?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 30, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Slambook ni BebangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon