Slambook Entry Number 1: What is your Name?

107 4 1
                                    

Naranasan mo na bang pumasok sa eskwelahan niyo na pawis na pawis, Mukhang hindi nagsuklay, at lalong mukhang hindi naligo?

Kung ikaw hinde! Ako OO!!

Ito ngayon ang sitwasyon ko sa harap ng main gate ng school ko.

(Bakit nga ba nagkaganoon?)

Ang ganda ko pa kanina! Bagong ligo! Fresh na fresh!

Nagsimula ang lahat ng sumakay ako ng jeep...

Yung jeep na sinakyan ko nasiraan..

HIyang-hiya naman ako sa driver since ako lang kasi yung pasahero niya..

At dahil sa kabaitan kong taglay..

No choice kung hindi sa akin siya magpapatulong magtulak nung jeep..

Sumakay na lang ulit ako ng panibagong jeep..

Kaasar lang dahil yung sunod na sinakyan kong jeep.. Nahuli ng pulis!! Overspeeding daw!

Sasakay na sana ako ng panibagong jeep kaya lang biglang nagkaroon ng banggaan sa unahan ng highway dahilan para magkaroon ng traffic!!

At the end, nagdesisyon na lang akong maglakad papasok pero dahil sa malalate ako kinailangan ko ng tumakbo!

Pero kahit ganun, naniniwala pa rin akong magiging maganda ang araw ko ngayon.

"Hays!! Kapagod!" Kinuha ko muna saglit ang panyo ko para punasan ang pawis ko sa mukha.

"Buti na lang may 10 minutes pa! May panahon pa ako para magpahinga!"

Umupo muna ako sa pinakamalapit na bench na nakita ko.

"Hay! Ang Sarap ng hangin dito! Makapag-ayos nga Mun~..."

"...~Ay! KABAYONG LUMUNDAG!" Sabi ko ng biglang may nahulog sa harapan ko!

"Ay Tao pala.." Eh bakit kasi siya nasa taas ng puno?

Bigla siyang tumayo.

OMG! Nalaglag ata ang ata yung panga, panty at kung ano ano pa sa akin dahil sa sobrang gwapo ng nasa harap ko. Para bang noong nagpaulan ng kagwapuhan..Isa yata siya sa mga nag-donate!

Ang kinis ng balat, Ang puti, ang tangos ng ilong , ang ganda ng mata..

Ang Lakas maka-Artista!

"Di ako kabayo miss.."

"Ay! malamang sa gwapo mong yan! Nagulat lang kasi ako^.

Im trying my best para magpacute sa kanya..

"Nga pala miss! Anong oras na?"

"Ha? Ah..E.. Wait lang ha!!" Chineck ko ang relo ko..

"It's already 9:56..O_O Wait lang! Malalate na ako sa first class ko!"

Natatarantang sagot ko sabay takbo!

Sayang di ko nakuha yung name ni pogi. Sana magkita na lang ulit kami. Mukhang iisang school lang naman kami eh..

Ayoko lang talagang malate sa first day ko..

"Pero wait lang.." Napatigil ako sa pagtakbo sa corridor.

"May problem!! O_O Since first day ko to! Di ko pa nacheck kung anong room ako!"

Hala! At dali-dali akong tumakbo papuntang Grand hall kung saan nakalagay yung bulletin board na listahan nung mga estudyante..

Dali-dali kong hinanap yung name ko..

"Ayun! Room 143!Teka! Saan yun?"

Mukha akong t@nga na nagpaikot-ikot sa buong campus kahahanap ng room 143.

Ang Slambook ni BebangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon