[A/N: Pasensya po sa typos.]
CHAPTER1 * IT'S MY LIFE
[AKI'S POV]
First day of school and I'm sooooo egzoited! At last, senior na ko! Pano ba naman, eh sandamakmak na pagod, stress, takot, luha at sermon ang inabot ko bago ko marating to! Kahit sabihing PETIKS lang ako, di parin madali dahil iniintindi ko parin grades ko! :)
By the way, highway. Ako nga pala si AKIKO MIAMOTO, Aki for short. Isang loka lokang Haponesa o Japina kung tawagin nila. Di ko naman sila masisisi, pano ba naman, eh lukaret naman talaga ko, lalo na pag kasama ko ang ever loving and very makukulit kong friends.
I'm 16 years old at pinanganak noong Jan.23,1996.
My mom is a Filipina and my dad is a Japanese. Sad to say, hindi namin sya kasama ngayon. Wala na kase kameng communication since nung 7 yrs. old ako.
Di na namin sya nakikita o nakakausap manlang, lahat wala. Masaya naman ako kahit wala sya, kahit walang papa.
Dun narin kase ako nasanay, pero syempre minsan naiingit parin ako sa ibang buo yung pamilya at naalagaan ng papa nila. Haaay, ang drama ko talaga. Tama na nga, di naman to tungkol sakanya. -___-
Meron din akong older brother and sister, si Kuya Acer at Ate Ahkkim. Super close ko yan kahit half bro and sis lang kame, pero hindi mo mahahalata yun pag kame magkakasama. Sa itsura lang magkakatalo, ako lang kase hindi nila kamukha! T-T
MAS MAGANDA NAMAN KASE AKO! XD Naghiwalay kase si Mama at papa nila tas after nun, dun nakilala ni Mama si papa ko. Kaming 4 nalang nila Mama ang magkakasama. Hindi kami mayaman, di rin naman kame mahirap. May kaya o steady lang kumbaga. :))
Haaaaay! Asan na ba ko? Nasa jeep nga pala ko, on the way na sa school. Shoooocks! Ang traffic, lagot na naman ako neto sa mga kaibigan kong ewan.
Haha! Ako kase yung laging late sa barkada eh! Ang layo naman kase ng bahay ko sa school, ewan ko ba naman kay Mama kung bat dito ako pinasok.
Ako nga lang ata malayo bahay sa school eh, 2 rides pa, yung iba ko kaseng classmates, walking distance lang yung bahay nila from school. Kaya eto after mag-jeep, trike naman ako.
Immune na ata to sa polution, kaya yung utak ko puro usok na. HAHAHAHAHA! :D
At laaaaaaaast! Nandito na ko sa school. Pumasok na ko, kamusta naman yung sumalubong sakin? Sobrang daming tao!
Psh, ano pa bang aasahan mo sa isang Public School? Edi sandamakmak na bata! Nagtext sila kanina sakin. Sa canteen daw nila ko aantayin...
After 48 years, nandito na ko sa canteen. Napakaraming nakatambay kase sa pathwalk kaya medyo siksikan at medyo nahirapan ako makapunta dito. Pero okay na yun, nandito na ko eh. Di pa ba naman ako nasanay?
NASAN NA SILA? Ang dami ding tao dito. Di ko sila makita.
"AKIIIIIIIIIIIIIIIII!" Ha? May tumawag sakin? Si Tasha yun ah? Nasaaaaan ka?
Kung san san na ko lumingon, di ko sila makita. Ang daming tao, nagkakagulo. Nabangga na ko ng kung sino sino, nahihilo na ko! T___T
May humawak sa likod ko! "Aki! Bat ngayon ka lang? Kanina pa kami intay ng intay sayo! Mags-start na yung orientation, pano pa tayo makakapag-chikahan nyan? Ang dami ko pa namang baong kwento." Si Tasha, di ko naman siya masisisi. Kanina ko pa sinasabing malapit na pero kararating ko pa lang. Di ko naman kasalanan ma-traffic noh! ;)
TASHA CORPUZ- BFF ko, classmate since 1st yr, and hopefully hanggang ngayon. Maganda to, pambato to sa mga school contests! Masipag din yan! At maalalahanin.