Spoken Poetry

49 4 1
                                    

Hindi siya, Kundi ikaw lang

Sa oras na to,
Sa mga sandaling binitiwan ko,
Nais kong sambitin ang katagang...ikaw at ako,pangakong magsasama hanggang dulo.

Alam kong distansya ang pagitan,
Oras ang labanan ng tulad nating nagmamahalan.
Isang relasyong 'di ko alam kung hanggang saan at hanggang kelan.
Relasyong handa kong ipaglaban kahit sila na ang humadlang.

Animnapung minuto sa isang oras,
Minuto't segundo'y di hahayaang lumipas,
Kung sa paglipas ay ikaw ang hinahanap,
Sana'y pagnakita'y isang mahigpit na yakap.

Dalawamput-apat na oras sa isang araw,
Araw kung saan parang isang buwang dumadaan. Kelan ba mararanasan kung distansya rin lang ang pagitan.

Pitong araw sa isang linggo,
Mga araw na ating binuo,
mga sandaling hawak natin ay telepono,
mga salitang hindi na sana magbago.

Tatlumput-isang araw sa isang buwan,
Kalungkuta'y pipigilan,
Luha'y laging andiyan, pagka't mahal kita, at ikaw lang ang nais makasama at wala ng iba.

Labing dalawang buwa sa isang taon
Ang ngayon ay bunga ng kahapon.
Kahapong puno ng pangako't mga sana,
Kahapong ikaw at ako, bukas tayo pa.

Mahal kita, salitang paulit-ulit kong binibitiwan, paulit ulit para di mo malimutan na, na kahit kailan...ikaw lang ang nais kong mahalin, hindi sila, hindi siya, kundi ikaw, ikaw lang at wala ng iba.

Sa ating relasyo'y alam kong maraming hadlang, maraming hadlang tulad ng aking inasahan, hahadlang kahit di sila pahintulutan pero mahal kita, at walang dapat humadlang kahit isa sapagkat mahal kita.

Ilang ulit man tayong mag-away, magtampuhan, ang mahalaga, mahal kita at hindi sila kundi ikaw lang.
Ikaw lang ang nais kong makasama paglipas ng maraming taon. Distansya ay kakayanin, oras at puyat ay titiisin , makausap ka lang, sapagkat isang segundo palang, hinahanap na kita kasi mahal kita, hindi sila kundi ikaw lang.

Sa ating relasyon, isang relasyong ayokong putulin at wakasan ng pagkakataon sapagkat binigay ka ng panginoon, binigay ka para mahalin kita at pahalagahan, hindi  para...iwanan at paglayuin ng sinuman.

Sinuman ang humadlang, handa kitang ipaglaban.
Kung distansya at oras ang hahadlang, lalabanan natin sapagkat pinangangalagaan ko ang salitang Mahal natin ang isat isa. Kung iba ang humadlang, hayaan natin sila, sila ang mapagod sa kakahadlang, hayaan natin silang lumuha sa kawalan, ang mahalaga tayo parin, ikaw at ako, wala ng iba.
Salamat nga pala, salamat at nakilala kita,
Isang taong nagmulat sa akin ng dapat kong gawin, nagturo na itama ang mali, nagsilbing lakas para manatiling palaban, isang  tulad mong hindi ko inasahang magmamahal sa tulad kong minsa'y naging kawalan.
Isang mundong puno ng kawalan,
Kawalan ng pag-asang walang tulad mong darating sa tulad ko, sa tulad ko pagka't ako'y di seryoso at puro panloloko ang ginagawa ko, ngunit isang araw pag-gising ko, andito ka, nandiyan ka at minamahal ako, hindi sa mapanakit na paraan kundi sa katotohanang mahal mo ako, katotohanang nagising akong mahal kita, mahal na kita at ayoko na mawala ka pa kahit paulit ulit kitang binibigyan ng pagkakataong lumaya sa tulad ko, pero nanatili ka, sapagkat ayaw mo sa iba, nanatili ka sapagkat mahal mo ako pero mas mahal kita, hindi sila, hindi siya kundi ikaw lang at walang iba.
Hadlangan man ng panahon ang relasyong distansya ang pagitan, hindi kita iiwan, hindi kita hahayaang mawala sapagkat minahal kita ng totoo, hindi biro sapagkat totoo, totoong ang tulad ko'y nagmamahal sayo, tulad kong napapangiti sa mga sinasabi mo, tulad kong kinikilig sa usapang di ko mawasto, tulad kong handa kang hintayin, gumunaw man ang mundo, wag lang ang relasyong tayo ang bumuo.

Walang iba kundi ikaw sapagkat minahal kita dahil mahal kita hindi dahil sa sinabi nila na mahalin kita, minahal kita dahil sa mahal kita di dahil sa kanila kundi dahil sa ikaw ang taong nais kong makasama, hindi sila kundi ikaw lang.
Hadlangan man tayo ng panahon, ng mga tao't mga pagkakataon, ang mahalaga ay lumalaban tayo sapagkat may pangakong nakabaon na di natin pwedeng limutin at hayaang limutin ng panahon,
Handa akong maghintay sapagkat mahal kita,
Handa na akong magtiis at magtiyaga kung yun ang paraan para makasama kita,
Handa akong sumugal kung sa tamang panahon ay tayo pa,
Handa akong mahalin ka kahit hadlangan ng iba pagkat mahal kita, hindi siya kundi ikaw lang at walang iba.

Sabihin na nilang mali ang lahat, sabihin na nilang di parin sapat , ang oras at pagkakatong inaalay natin sa isat isa basta't ang mahalaga ay ang meron tayong dalawa.

Wala man tayong titolong maipapakita basta ang mahalaga, alam natin sa isat isa na tayo at tayo parin hanggang sa tayo ay magkita.

Titiisin ang lungkot at pananabik na mayakap ang isat isa basta walang bibitaw, kapit ka lang at ipaglalaban kita,
Ganun kita kamahal, hindi sa pagmamayabang kundi sa katotohanag nais kong sambitin sa personal.
Sa katotohanang...sa relasyong ito'y aking natutunan ang lahat, nagmula sayo ang pangaral na binaon ko, at hanggang sa magkita tayo...sasabihin kong Salamt sayo,
Di man ikaw ang una pero ikaw ang taong minahal ko ng sobra,
Hadlangan na nila ang mahalaga ay kung gaano kita kamahal, kaya't kumapit ka lang sa akin, pangakong ipaglalaban kita hadlangan man nila. Kapit ka lang at wag kang bibitaw sapagkat makakasama mo ako kahit paglayuin man tayo ng pagkakataon, kapit ka lang at wag kang bibitaw sapagkat ipapangako kong ilalaban ko ang meron tayo hanggang dulo sapagkat sayo lang ako at ikaw ay akin, di magbabago, mahal kita, yan lang ang totoo.

#spokenpoetry
#pakivote narin  po at pafollow. Advance thankyou😊😍

Spoken PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon