Unexpected Companion
Autumn Sylveria
I look up at the high and mighty gate of Astra Academy. For the others, It screams protection and safety, but for me it looks like a cage, my prison cell for the next few years. Matibay ang gate dahil ayun sa pagkakaalam ko ay gawa ito sa pinakamatibay na bakal sa Rigel kaya di ito basta basta matitibag. Nakakalula rin ang taas nito at talagang sobrang manliliit ka kapag tiningala mo ito habang nasa harap ka ng school.
Nakacarve ang salitang 'Welcome to Astra Academy' sa gate gamit ang gold kaya mas lalo ako nitong sinampal na ang laki ng agwat ng mga nag-aaral dito kaysa sa akin.
Sa tantya ko mga nasa 50 plus kaming narito sa harap ng gate. Lahat kami ay may iba ibang mundo, may mga nag-uusap, nagkukwentuhan, nagtatawanan, nagsasountrip at mayroon rin namang nanatiling tahimik lang sa isang tabi, tulad ko. Nakakailang dahil lahat ng mga estudyanteng narito ay mukhang mayaman. Halatang mamahalin ang mga gamit at mga suot nila, di tulad ko na isang faded skinny jeans, maluwag na tee shirt, at black loose jacket na may hood. Kitang kita ang layo ng agwat ng pamumuhay namin. May ilang napapatingin sa akin at mukhang ako yung topic, dahil medyo rinig ko yung pag-uusap nila na isinasawalang bahala ko na lang. So what kung di nila ako matanggap as schoolmate nila, besides who cares.
"uhmm. Miss?" I turn to the girl who approached me. My eyebrow arch when I saw her face, who look like a coloring book because of her thick make up. In addition to that, she looks bitchy at mukhang kinulang din sa tela ang suot nitong bestida.
"yes.?"I tried to be approachable.
"Nandito ba ang amo mo o kasama ka sa mga mag aassist dito.? Di ko kasi alam na pwede palang magdala ng alalay dito?" She said. I can feel the mockery in her voice,I also heard few mockery laugh near me who heard her. I mentally roll my eyes at her tsaka di ko na lang pinansin, lalo lamang lalaki ang gulo kapag pinatulan mo ang mga taong papansin or maybe I just doesn't have enough courage to talk back, because I know in the end ako lang ang magiging talo.
Nabaling ang atensyon ng lahat ng biglang bumukas ang gate ng AA. Lumabas mula doon ang isang lalaking may matikas na pangangatawan, may suot din siyang salamin, bakas ang otoridad sa kanya at mukhang strikto pero kahit na ganoon ay ang gwapo niya, mukhang fresh grad lang rin siya. Narinig ko pang ang ilang pagsinghap at iilang tili ng mga kasamahan kong babae ngunit natahimik ang lahat nang nagsimula na itong magsalita.
"Good day tranferees. I am Mr. Kim Nueva. Welcome to Astra Academy. Please fall in a straight line." maotoridad na sabi nito.
Kaya wala sa oras na napapila kami ng tuwid at natahimik. May iba pang nag uunahan sa pagpila ng maayos dahil na rin sa takot sa lalaking nasa harapan namin. Isa isa kaming pinapasok ni Mr. Nueva nung ako na ibinigay ko ang sulat na binigay ni Ninong Lex. Tiningnan niya muna ang sulat at tumingin sa akin na parang iniinspection ako kaya nahigit ko ang aking hininga. Nakakatakot sya. Maya maya ay tumango ito, sign na pwede na akong pumasok.
"just follow the others." turo niya dun sa babaeng sinusundan ko.
Nagmamadaling sumunod naman ako sa babaeng nasa unahan ko kanina. Ang hirap pa ring kumilos ng maayos, though nakakakilos ako ng normal ay medyo mabagal pa rin akong gumalaw dahil di rin pangkaraniwan ang bigat na dala dala ko.
Pumasok sa isang building yung babae kaya pumasok na rin ako dun.
"Name?" nagulat pa ako nang magsalita ang babae na nakaupo at may mesa na nasa harap at may papel na sinusulatan. Medyo napahakbang pa ako palayo nang tumingin sya sa akin. Ang ganda niya. Kulay blue rin ang mata niya, kaya nakakahanga dahil nasa fourth level na siya. Ang kinis at ang puti rin niya. Para akong nakakita ng model. Mukhang kakagraduate niya lang rin.
YOU ARE READING
Astra Academy
FantasyASTRA ACADEMY is the most prestigious Academy in Rigel. It is the biggest at the same time the most expensive school in Rigel that only the elites can afford. Dito mo makikita ang malaking pinagkaiba ng mahirap at mayaman dahil sa laki at lawak ng p...