Prologue

4 2 0
                                    

Autumn Gabrielle Sylveria

"Maayos na ba ang lahat?" tanong ni Mang Kanor.

"opo Mang Kanor" sagot ko dito tsaka sumakay na sa harap ng sasakyan.

Pinaandar na ni Mang Kanor ang sasakyan at Umalis na kami. Magde deliver kasi kami ngayun ng prutas at mga gulay sa Galanon, ang kabisera ng Guanadalam. Araw Araw nilang ginagawa ito, tuwing walang pasok ay sumasama ako sa kanila Mang Kanor at papa para magdeliver.

Si Mang Kanor ang driver. Siya yung kasosyo ni papa dito sa pagdedeliver, hati sila sa kikitain samantalang ako ay narito lang para tumulong. Babyahe lang kami papuntang bayan which is medyo malayo kasi nasa may bundok kami na bahagi ng Randall. Dulong bahagi na ito ng kahariang La tierra kaya kakaunti lang ang naninirahan dito Di tulad sa mga kabisera, malalayo rin ang distansiya ng mga kabahayan at pwede kang mag-ingay o magsisisigaw ng walang sumisita sa iyo kasi Di naman rinig sa kabilang bahay.

Pagkarating namin sa bayan ay may portal kaming dinaanan para mas mabilis kaming makarating sa Galanon. Kung saan namin ibabagsak ang mga kargo. Bale dalawang oras ang byahe papunta sa bayan at isang oras naman ang aabutin papunta ng Galanon.

Sumasama lang ako sa kanila dahil ang boring sa bahay at gusto ko ring magkaroon ng silbi. Nagsasawa na kasi akong makipagtitigan sa kisame.

"Meow!" ani ni whitey  habang natutulog. Hahaha nananaginip ata ang pusang ito.

"looks like someone is having a bad dream!" My father commented as he chuckle.

" And I'm sure it's him chasing chicky" I smile at the thought. Whitey is a mythical creature. A huge one and being a cat is only his cover. Kaya nga nakakalipad yan eh. I named him whitey because of his fur color, white.

Hinihimas himas ko ang ulo nito habang natutulog ito. It wasn't really my plan to bring him up with me but he insisted. Such a brat.

Huminto ang sasakyan para magbayad ng entrance fee para sa portal. Ginagawa kasing hanapbuhay dito sa Lugar namin ang portal. Magcacast sila ng portal tapos magpapabayad sa mga taong gusto dumaan. Okay lang rin dahil para sa mga ordinaryong tao ay nangangailangan ng lakas at medyo mahabang oras para makabukas ng portal unlike sa mga malalakas na isang kurap lang ay makakabuo na sila ng portal.

Nasa isang tabi ako nakikisilong habang sila papa ay nagbababa ng mga prutas at gulay . Ayaw kasi ako ni papang pagbuhatin ng mga buslo kahit na nagpupumilit ako kanina, kesyo babae raw ako kaya bawal akong magbuhat.

Napatingin ako sa paligid. Since ito ang kabisera ng Gwanadalan, ang pinakamalaking kaharian sa Rigel at ang pinakamaunlad, hindi na ako nagtataka na maraming tao rito at marami ring mga nagtitinda rito. Ngunit ang pinakanakakuha ng atensiyon ay ang mga estudyanteng naka uniform pa, mukhang mga estudyante ng Astra Academy. Maganda at kumikinang kinang  pa ang mga unipormeng suot nila, halatang mga mamahalin ito Di tulad sa  ang taong narito na namimili na ang suot ay mukhang mga pinaglumaan na, kaya naman angat na angat ang mga ito at nagbibigay pa ng daan ang mga tao.

I roll my eyes at the sight of them. Rich kids. They always feel like they own the world when in fact they are nothing without the poor ones.  Tsk.

Iniwas ko ang tingin ko sa kanila.  I hate the way they look at the other people who was lower than them, by the look of their faces you could clearly see the disgust being with the others whoose lower than them. Punagmasdan ko na lang ang ginagawa nina papa. May kausap na lalaking medyo matanda  si papa samantalang kasama naman si Mang Kanor sa mga nag bubuhat ng mga paninda. Kahit na medyo may edad na si Mang Kanor ay kaya niya pa ring magbuhat ng mga paninda, nakakahanga ang kasipangang taglay niya.

Astra Academy Where stories live. Discover now