ASTRAPHOBIA

0 0 0
                                    

"Papa, ansarap pala maligo sa ulan noh? Malamig sa pakiramdam," masaya kong saad habang nagtatampisaw sa ulan.

"Oo anak," tugon ni papa.

"Alam mo ba 'nak. Bata palang ako ay hilig ko na ang maligo sa ulan, kaya no'ng bata ako umulan ng kapogian,"

"Meron pala non pa," ani ko.

"Oo 'nak. Kaya lahat ng mga bata noon nung umulan ay natutulog. Kaya mag isa lang akong bata sa labas ng bahay namin na nagsasalo ng kapogian. Kaya tingnan mo, nakuha ko ang pinaka maganda mong nanay," pambibiro sa'kin ni papa.

"Oh kayo d'yan, narining ko nanaman na pinaguusapan n'yo ako. Pumasok na kayo!" wika ni mama habang naka pamewang sa pintuan.

"Tapos na yung ulan, magkasakit pa kayo eh, dagdag gastusin pa," wika muli ni mama na nag nagaalala na baka magkasakit kami ni papa.

"Opo mama"
"Masusunod kamahalan" wika ni papa sabay ang pakindat kay mama.

***

"Mama, ano ulam?" wika ko habang pinupunasan ang basang buhok.

"Ah kaldereta 'nak. Paluto na din 'to, saglit nalang," saad ni mama at hinalo na ang niluluto.

"Mmm,mukhang masarap 'yan mahal ah?"  wika ni papa habang inaamoy ang luto ni mama.

"S'yempre, luto ko eh!" pambobola ni mama.

"Papa, patayin mo muna kaya 'yang T.V medyo malakas lakas ang ulan ta's makulog kulog" pagaalala ko dito.

"Hindi 'yan t---," Isang malakas na kidlat ang umagaw pansin sa'min nila papa at mama habang kumakain sa hapagkainan.

Sa mismong antenna ng T.V namin ito tumama namistulang pinagsimulan ng apot na sinundan ng pag apoy ng bubong.

"MAMA! PAPA!" sigaw ko sa isang gilid ng bahay,nakulong ako sa loob ng aming bahay dahil bumagsak ang isang malaking kahoy na nagharang sa'kin papalabas.

Naapula na ang apoy at ligtas naman kaming lahat. Si mama ay nakalabas agad at tumawag ng bumbero. Si papa naman ay agad na nakalabas dahil malapit lang siya sa pinti para makalabas.

Nanginginig ako takot at nangangamba na baka huling araw ko na ito. Tila ako'y parang isang batang pulubi no'ng nakita na ako ng mga bumbero sa aking silid.

At simula noon ay wala na akong lakas na loob para maligo sa ulan tuwing umuulan naman ay natataranta ako na baka maulit ulit ang kinakatakutan ko at agad kong kong pinapatay ang mga nakaandar na gamit mapa, t.v, cellphone at nag agad nagkukulob ng kumot tuwing kumikidkat.

ASTRAPHOBIA- is an abnormal fear of Thunder and Lightning, a type of specific phobia. It is a treatable phobia that both humans and animals can develop.

MY ONE SHOT STORIES Where stories live. Discover now