GROUP OF FRIENDS

12 3 0
                                    

Kasalukuyan akong nasa daan pauwi galing sa eskwelahan nang mahagip ng aking mga mata ang mga kaibigan ko. So syempre, magiging masaya ako kase may kasama na ako umuwi.

"Oy Kelly, Misha, Nephy and Aice. Pwede ba 'ko sumabay sainyo umuwi?" saad ko at binigyan ko sila ng matamis na ngiti.

"Oo naman, walang problema Nikka!" saad ni kelly ngunit nakita kong tinapik siya ni Nephy sa gilid ng patago.

"Kelly, ano ba? Wag na nakakahiya yang kasabay, ampangit. Kilalang kilala tayo sa buong campus tapos makakasama natin yan? Mauuna ako, sige ka," mahinhin n'yang saad.

"Ah sige kel

ly, mauuna nalang ako, enjoy niyo nalang bonding niyo na mag kakaibigan," nakangiti kong saad habang nakangiti ngunit sa nasasaktan na talaga ako.

Dumiretso nalang ako umuwi tutal 'di naman ako kasama sa kanila at alam ko 'yon sa sarili kom

Mabilis akong naglakad habang pinipigilan na 'di lumuha dahil sa mga nakita kong ugali ni Nephy kanina.

Akala ko kasali ako sa grupo nilang mag kakaibigan. Akala ko 'di nila ako pinepeke. Akala ko tinuturing nila akong kaibigan pero akala ko lang pala, akala ko lang ang lahat.

Akala ko kase kaibigan ko na sila, dahil sa mga araw na malungkot sila andiyan ako para sakanila. Mga araw na dinudungisan ng iba pangalan nila, pinipilit kong ipagtanggol sila.  Mga araw na wala silang kadamay sa lungkot, ako yung nakikiramay sakanila.

Pero in the end, kapag panget ka talaga, lahat ng mga magaganda mong ugaling ipinapakita, lahat yan basura kapag 'di kanila gustong maging kaibigan.

When pretty faces exist, I can't win.

MY ONE SHOT STORIES Where stories live. Discover now