EVERY GOOD KARMA HITS VERY BAD

0 0 0
                                    

EVERY GOOD KARMA HITS VERY BAD
±.Glads || Moriene

Ako nga pala si Arianne Castillon, isang pharmacist dito sa Pasig. Biyernes 2:43 p.m ng hapon iyon ay pauwi na ako sa aking bahay.

Kasaluluyan na akong naglalakad dala-dala ang mga prutas at mga disposable face mask na binili ko. Nang mahagip ng aking mga mata ang isang matandang pulubi. Nagiisa lang siya sa gilid ng kalsada sa kalagitnaan nitong crisis.

"Lolo? Okay lang po ba kayo?" tanong ko dito.

"Ah, okay lang ako ija. Medyo nagugutom lang,"  saad nito," kinausap ko ito dahil nanginginig.

"Ah lolo, ito po 3 prutas," at sandaling may hinalungkat sa bag.

"At ito din po mga face mask at alcohol bago pa lang po 'yan di pa po masyadong nagamit," kusa kong loob na ibinigay ang mga gamit dahil alam kong kakailanganin din ni lolo iyon.

"Salamat iha, maraming salamat, pagpalain ka sana ng diyos!" tugon nito na may busilak na ngiti.

"Walang anuman po lolo, mag iingat po kayo at kumain ng mga prutas na binigay ko," saad ko na agad nang nagpaalam.

"Oh sya ho lolo, aalis na ho ako." saad ko.

---

"Oh lolo, magandang araw po!" bungad ko kay lolo na nag aayos ng higaan niyang karton sa gilid.

Napalingon ito sa'kin at ngumiti. "Oh ija, ikaw nanaman? Kamusta ang araw mo?" wika ni lolo na may kasamang busilak na ngiti.

"Ah okay lang po ako lolo, kakauwi ko lang po galing trabaho," ngiti ko dito.

"Ubos na po ba ang mga prutas ninyo lolo?" tanong ko kay lolo.

"Ah eh, n-napasarap ata ako sa kakakain ng mga prutas, kaya ko naubos," saad ni lolo na napayuko.

"Ano ka ba lo? Okay lang. Ito po meron pa po akong tatlong mansanas at dalawang bote ng tubig, ubusin niyo po 'yan ah?" saad ko na agad inabot kay lolo ang mga prutas at tubig.

"Sige na po lolo. Uuwi na ho ako," saad ko at nag paalam.

"Sige po lolo, ingat po kayo!" pamamaalam ko dito.

"Mag iingat ka ija!" tugon nito.

---

Ilang araw ang nakalipas ay madalang ko nalang nakikita ang lolo na binibigyan ko ng mga prutas. Minsan nga ay karton na higaan nalang niya ang nakikita ko.

Mistulan akong kinabahan sa mga narinig kong mga sabi sabi sa ateng nag uusap sa gilid.

"Hindi ba't? 'yung pulubi dito 'yung pinaka unang nag positibo sa Covid dito sa Pasig?" saad ng isang ate.

"Kung hindi sana madaming pulubi sa'tin dito, hindi sana nag karoon ng isang positibo dito sa pasig." saad naman ng isang ate.

"Ah, excuse me po. Kilala niyo po ba 'yung pulubi dito?" agad turo kong sa lugar na kung saan natutulog si lolo.

"Ah ija? Kilala mo 'yon?" tanong ng ate saakin.

"Ah opo, kilala ko po iyon. Alam niyo po ba kung nasaan siya ngayon?" kabado kong tanong.

"Ah eh, ang pagkaka alam ko ay dinadala ang mga nag positibo doon sa ospital sa Highway. Bakit?" tanong ni nito.

Agad akong tumakbo at iniwan na nagtataka ang mga ateng tinanungan ko. Dinadala ang mga pulubi sa lugar na iyon dahil bawal magpagala-gala ang mga pulubi ngayon.

Hingal na hingal akong pumasok sa ospital kung nasaan ang lolo ko-- na pulubi. Wala na akong alam sa mga ginagawa ko. Masyado na akong napalapit sa loob ng pulubi na 'yon. At ginawa ko na itong lolo ko.

"Ah ate? Andito po ba 'yung matandang lalaki? 'yung pulubi? Andito po ba siya?" hingal na hingal kong tanong.

"Ah ma'am. Baka po ang hinahanap niyo ay nasa Room 32, 3rd floor po." saad nito at ngumiti.

Hindi na ako nagpaka istatwa pa at agad akong tumakbo para hanapin ang room na kung saan nado'n ang lolo ko.

May maliit na bintana sa pintuan ng Room na iyon kaya p'wede kong madungaw kung anong mangyayari sa loob. Nakita ko ang lolo ko na nakahiga at nag papahinga.

Naghintay ako ng ilang minuto para lumabas ang doctor at tanungin kung anong kalagayan ng lolo ko.

"Ah dok? Kamusta naman po ang lolo ko?" kabado kong tanong.

"Ah ikaw ba ang apo niya?" tanong sa'kin ng doktor.

"Ah, o-opo a-ako nga po." utal utal kong sagot dahil hindi naman talaga ko ang apo niya.

"Well. Ang lolo mo ay okay naman. Hindi siya masyadong mahina at makaka-recover din siya. Malakas katawan niya dahil hindi ito kulang sa mga bitamina," sunod sunod na sagot sa'kin ng doktor.

Mistulan akong naistatwa at naluluha dahil kung hindi ko binigyan ng mga prutas si lolo ay hindi siya makakalaban sa sakit na lumalaganap ngayon.

"He can leave in about 14 days. Kailangan niya muna mag stay here for the safety. Maiwan muna kita."  muling saad nito at umalis na.

---

14 days ang naka lipas at ngayong araw p'wede ng makalabas ang lolo ko. At kung sakali na makakapunta na siya sa bahay ko ay meron na siyang sariling kwarto at apo na mamahalin.

Nag-ayos ako at nag pang alis na damit dahil balak kong puntahan ang lolo ko sa ospital para bisitahin.

Isang katamtamang lakas na katok ang narinig ko mula sa aking pintuan. Binuksan ko ito at nagulat ako sa nakita ko.

"Lolo?!" wala na akong ginawa pa at yinakap ko na agad ito.

"Ija? Kamusta?" saad nito habang niyayakap ko.

Hindi ko namalayan na naluluha na pala ako matapos kong titigan sa mata ang taong tinulungan ko at naging kapamilya ko pa.

"P-paano niyo po nalaman b-bahay ko?" hikbi hikbi kong tanong.

"Basta ija. Andito na ako. Hindi kana nagiisa." agad punas nito sa mga mumunting luha ko.

I've now a lolo-- that i met in the street. I didn't know that in a simple help sa mga taong nangangailangan aymay may makukuha kang Good Karma.

And now, in a simple fruits that I gave there's a life that I change.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 28, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MY ONE SHOT STORIES Where stories live. Discover now