Kabanata 1: Pamilyar

14 7 0
                                    

Kinabukasan, maaga na akong gumising dahil ayoko malate sa mga subject ko sa araw na ito, bukod pa dun ay dadaan muna ako kina Nanang para kumustahin ang farm. Yes, ang Sunflower Farm na nasa bukid kung saan ako nakatira ay nasa pamamahala ko ngunit nasa pangangalaga ni Nanang. Si Nanang ay dati naming katiwala sa mansyon, siya din ang nag alaga sa akin noong namatay si Mommy at Daddy sa aksidente, 10 years old ako noon at 22 years old ang ate ko. Yes, mayaman kami, noon. Noong di pa nagkakandaleche leche ang buhay ng pamilya ko. Sa lahat ng ari ariang naiwan nina Mommy at Daddy, ang farm lang ang napunta sa akin. Lahat nasa pamamahala ni Ate Tash. Di na ako umangal pa dahil ano namang alam ko sa pamamahala ng kompanya. Pero dahil bata pa ako noon si Nanang na muna ang nangunguna sa pamamahala hanggang sa mag debut ako, binigay na niya ito sa akin. Pero dahil mas gamay niya siya pa din ang madalas na nag aasikaso dun. Binibisita ko lang ang shop kung minsan.

Bumaba ako ng dyip sa Dolores para dumalaw kay Nanang, alas syete pa lang naman ng umaga. Alas onse ang klase ko at aabot pa ako dahil di din naman ako magtatagal. Kumatok ako sa pintuang kahoy na di naman ganun kaluma ngunit tiyak mo ang tibay nito. Bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang bihis at gulat na si Nanang.

"Mam Astrid, magandang umaga po, tuloy po kayo," pagpapatuloy niya sa akin sa loob.

"Nanang, di ako magtatagal a. May pasok pa po ako, gusto ko lang po sana kumustahin ang Farm," dire diretso kong sabi habang nagtitimpla ng kape si Nanang.

"Ay, okay naman Mam As-" "Astrid po, wag na po yung Mam," putol ko sa pagsasalita ni Nanang, tumango lang siya at pinagpatuloy ang sinasabi.

"Okay naman yung farm Mam ay Astrid, sa katunayan malakas ang benta ng farm natin nitong nakaraang linggo, marami ang orders at isang pinakamalaki nating benta ay noong Sabado, umorder ang asawa ni Mayor ng ilang basket ng sunflowers. Dumating kasi ang anak na lalaki ni Mayor galing Amerika ayun at binigyang sorpresa,"pagpapatuloy niya saka inabot sa akin ang tinimpla niyang kape. Tumango tango lang ako bilang tugon.

"Kumusta kana Astrid, pasensya na di kami makadalaw sa iyo nitong nakaraang linggo, masyado pang malakas ang dagsa ng mamimili sa shop kaya doon muna ako nanalagi, Okay ka lang ba doon sa Farm," biglang tanong ni Nanang sa akin. Dalawang buwan pa lamang naman ako naninirahan sa farm, ngayun lang naman ako tumira doon ng matagal. Every summer kasi doon ako naglalagi ng 2 weeks tapos uuwe na ng Mansyon di gaya ngayon, masyado akong nawili.

"Ay ayos lang naman ako Nang, maganda sa farm, tahimik at payapa,". Sagot ko.

"Di ka pa ba babalik sa Mansyon, nak?" tanong niyang muli. Umiling ako.

"Di po muna Nang, siguro next month po, 2 weeks na lang naman e". Sagot ko na agad namang nakuha ni Nanang. Napatingin ako sa relo sa dingding nilang yari sa semento, katabi nito ay ang mga litrato ng pamilya at ang isang kuwadro ng babaeng nakangiti at nakatogang itim.

"Sege na Nang, papasok na po ako". Mas okay pa kasi sa bukid, kesa sa mansyon. Mas mabuti nga na nandoon ako, pag kasi sa mansyon di din kami magkakasundo ni Ate Tash. Hindi niya alam na binuhay ko ang farm, hindi din niya alam na sa bukid ako naninirahan.

"Ipapahatid na kita kay Ador, malayo pa ang byahe, mas okay na ihahatid ka na niya ng di ka mahuli sa klase mo,". presinta niya. Dahil mukhang malelate nga ako kung mag aantay pa ako ng dadaang dyip at tila punuan na naman pumayag na lamang ako sa gusto ni Nanang. Tinawag ni Nanang si Ador na isa sa mga trabahador namin sa farm na nagbababa ng mga bagong harvest na sunflower sa bakuran. Nang tuluyang nailabas ni Ador ang sasakyan, ay tumulak na ako sa sasakyan.

"Sige Nang tutuloy na po ako, ay siya nga po pala, pwede ho ba ninyo akong ipamalengke, wala na po akong grocery sa bahay". paalam ko bago sumakay sa pickup.

All the way to the school, a man in his maong pants and a V-neck Navy blue tshirt signaled to stop the pick up, beside him is a Ducati motorcycle. Tinigil ni Ador ang sasakyan at bumaba. Seems like something is wrong with his big bike. Ador talk to him as I watched them from the seat, then he turned his face to me. And to be lucky, he's the same man from yesterday. The man who paid for my jeepney fare yesterday. Nakita ko ang papalapit na si Ador kasunod ang misteryosong lalaking iyon. Ba't ba lagi ko siyang nakikita. May atraso ba ako sa kanya.

"Mam, pwede ho ba natin siyang isakay? Papasok din po siyang tulad niyo," nagaalinlangang sabi ni Mang Ador. Napatingin ako sa lalaking nangingisi sa tabi niya, tinaasan ko lang siya ng kilay at tinanguan si Ador.

Pinagtulungan nilang isakay ang Ducati nitong pagkabigat bigat. At saka umikot si Ador sa drivers seat.

"Okay na ba, tara na at malelate na ako Ador," pagmamadali ko kay Ador.

"Ay Mam, pwede ho bang sa tabi nyo siya umupo, anak pala ni Mayor yun Mam,"ani Ador. Tumango na lamang ako dahil wala ng oras at tiyak na malelate na ako. Anak ng mayor kaya di pwedeng maarawan kung sa likod siya uupo. Tss.

Habang byahe, napansin ko ang pagusod niya ng kaunti dahilan para maipit ako. Tiningnan ko siya at tinaasan ng kilay. Problema nito? Is this papansin?

Nang makarating sa school, agad kong nakita si Demi na nakatayo sa may bulletin boards sa hallway. She's wearing a maong pencil cut skirt na bumagay sa itim niyang boots at cream off shoulder top. Her hair are loosely straight up to her shoulders. Her aura is intimidating, unlike me, I was just wearing a pants and tshirt paired with rubber shoes.

"Demi, kanina ka pa?" I asked as she giggles when she saw me.

"Nope.Kadarating ko lang din, " kinikilig na sinabi niya. Napakunot noo ako sa kanya, nagtatakang lumingon sa nginunguso nguso nya. Paglingon ko nagulat pa ako, ba't andito tong mokong na to.

"Sino siya, ang gwapo shemss, pakilala moko," di mapakaling bulong sakin ni Demi. Gwapo ba yan? Kung yan na ang definition ng gwapo, anong tawag sa mga gaya ni Lee Min Ho.

"Anak daw ni Mayor, ewan ko dyan bat andyan yan, tara na," yaya ko kay Demi na di maalis ang tingin kay... wait .oo nga pala..diko alam ang pangalan niya.

Hinila ko na si Demi para pumasok na sa klase.
"Wait, to naman, papakilala lang naman e," angal ni Demi habang hila hila ko siya.

"Diku yon kilala, alam ko lang anak ni Mayor," paliwanag ko.

"Anak ni Mayor, ibig sabihin siya yung bali balita na gwapo sa bayan, hala answerte mo Astrid," kilig na kilig na sabi ni Demi. Inirapan ko lang siya habang naupo sa bleacher sa harap ng building, may 30 minutes pa kami bago ang klase.

"Anong swerte dun, di mo ba siya kilala nasa klasrum siya kahapon ah, sa likuran natin,". Umiling lang si Demi.

"Hindi eh, baka type ka, tingnan mo o sinusundan ka ata," nangingiting itinuro ni Demi ang kabilang bleacher. Sinundot sundot ako ni Demi para tuksuin.

"Tigilan moko Demi, baka diyan din ang room niya, nag aantay din ng klase niya," paliwanag ko kay Demi na busy sa cellphone niya. Umiling siya na parang di sang ayon sa sinabi ko.

"Ansabi dito, hindi Tourism Management ang course ng anak ni Mayor kundi Business Management, so hindi dito ang room niya, sinusundan ka talaga niya," nangingiting sabi ni Demi.

Talagang sinearch niya a. Kung hindi dito ang room niya, ba't andito yan.

"Hayaan mo siya, baka may ibang iniintay," paliwanag ko kay Demi na ngayon ay nakanguso na. Napatingin ako sa kabilang bleacher at gaya niya nakatingin din siya sa amin, I saw how his lips formed a smirk. Tinaasan ko lang siya ng kilay at tumayo na para pumasok sa room.

"Astrid," I heard before entering the room. Natigilan ako sa paghakbang ng marinig ko ang boses na iyon, na pinagtaka ni Demi. Bakit parang pamilyar ang boses na iyon.?

"Bakit, okay ka lang?" Demi asked me consciously. I shook my head and continue walking inside.

Why does it feel like he calls me, strange. It was really a strange feeling, I don't know if it was him who called me o guni guni ko lamang iyon. Ba't niya ako kilala.? All through the day, wala na akong naintindihan sa klase.

His voice gives me a strange feeling like a warning. Kagaya siya ng boses ng binanggit niya ang pangalan ko sa dyip kahapon.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 03, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Astrid: The Sunflower Lady(ON-GOING) SelaprinsesaWhere stories live. Discover now