Simula

42 7 0
                                    

Nagkukumahog na ako sa pagbihis at paggayak para sa unang araw ko sa school ngayun, Putris naman kasi.. Ba't di ako nagising ng mas maaga. Actually, 1 week na bago magsimula ang klase sa unibersidad na papasukan ko, at ngayung week lang ako papasok.

Pagkatapos kong magbihis, dali dali kong dinampot ang aking mga gamit at walang pasubaling nilandas ang daan palabas ng aking munting tahanan. Yes, akin! Yes, oo, opo, definitely, nagiisa ako sa buhay. Ay No, I have my baby pala..hehezz.. si Minchin, ang aking pusa..

"Bye,Minchin, loveyou" pakaway kong wika sa pusa kong natutulog sa kahoy na bangko ng bahay.

Lakad takbo kong tinahak ang daan palabas ng bukid, alas syete na, may maabutan pa kaya akong byahe, jusmiyo, Astrid. Ano bang tulog ang ginawa mo at binabad mo na naman sarili mo sa higaan. May kalayuan ang aking munting tahanan sa sentro ng village, mula dito ay tanaw ko ang kabahayan ng mga taong naninirahan sa Brgy. San Isidro. Winaglit ko sa isip ko ang pagiisip patungkol sa nayon at pinagpagpatuloy ang hagibis ko ng kilos para agad na makalabas ng bukid.

Isang linggo na akong absent, libre na nga pagpasok ko sa paaralang iyon, ganito pa ugali ko. Salamat na din at nakapasa ako sa Scholarship ng Governor ng lalawigan, mas lalo nitong pinagaan ang aking gastusin, ang tangi ko na lang iisipin ay ang pamasahe ko sa araw-araw, hindi naman ako palakain kaya walang problema kahit di na ako magrecess.
Nang tuluyan akong nakalabas ng bukid ay siyang saktong pagtigil ng isang tricycle.

"Manong, sa crossing lang ho". Ilang santo na yata ang tinawag ko habang binabagtas ng munting tricycle ang daan palabas ng Village patungong crossing. Pagdating doon, muli ay magaabang naman ako ng dyip patungo sa bayan ng Boac, kung nasaan ang unibersidad na aking papasukan. Alas dyes, ang klase ko at pasado alas otso na ng umaga, hindi ko alam kung kakayanin ko ang ganitong sitwasyon ko araw araw. Bakit kaya hindi ako maagap na pinuntahan ni Nanang sa bahay kanina.

Nang makababa ay halos trenta minuto pa ata ako bago nagintay muli ng byahe pabayan. May iba akong nakitang kapwa ko estudyante, at tila may sa katawan ata sila ni Flash, sa bilis ng kanilang kilos at agad na nakasampa sa dyip.

Punuan at siksikan, jusko..umagang umaga pa lamang ay amoy pawis na agad ako.Ganito ba talaga ang magiging karanasan ko araw araw?

"Excuse me, teh pausod naman," sabi ko sa isang babaeng katabi ko sa kanan na di naman katandaan, balingkinitan ang kanyang balat at medyo may kakulutan ang kanyang buhok. Umisod siya ng gaya nga ng hinihingi ko ngunit, nahuhulog at nahuhulog pa din ang pwet ko mula sa pagkakaupo. Lord, ba't naman ganito. Napaigik ako ng biglang preno ni manong drayber, dahilan ng pagkakasubasob ko sa sako ng bigas na nasa harapan ko. Agad kong itinayo ang sarili ko at pinirmi ang pwet ko sa pagkakaupo. Ano ba namang buhay ko ito. Dapat ba sinunod ko si Nanang na tumira sa kanila at ng mas malapit ang uuwian ko.

"Manong saglit lang ho," ani ng isang lalaking nasa aking harapan, kaya bahagyang bumagal ang takbo ng dyip at huminto.
Tumayo ang lalaki at nagulat ako sa biglaan niyang paghatak sa palapulsuhan ko at pinaupo sa kanyang tinayuan.

"Aray ko po," tinitigan ko ang lalaking walang habas na hinigit ang aking mga kamay.
"Dito ka na, Miss". Napatango na lamang ako sa bilis ng pangyayare. Ang babaeng nasa tabi ko kanina ay nangingiting pusa habang nakatingin sa akin. What?Is it a fucking big deal? Duh. Gentlemens do exist.
Ni hindi ko nga siya napasalamatan dahil mabilis din siyang nakababa, naagaw ko ang atensyon ng lahat nang pasahero sa dyip pero nabalewala din ng umandar muli ang sasakyan.

Saktong 9:30 ng bumaba ako sa tapat ng isang waiting shed, mula sa highway ay may malaking espasyo papasok ng bulwagang sementado, na kung di mu bibilisan ay aabutin ka ng trenta minuto sa paglakad.

Napatingala ako sa malalaking letrang nakasukat sa taas ng kulay lumot na gate ng unibersidad.

MARINDUQUE STATE COLLEGE
an exclusive public school for the people of Marinduque na nagooffer ng libreng tuition. Though, the governor and mayors offers such scholarships for those who are lack of financial stabilities, just like me.

This is it, Pansit ni Marikit. Kasihan nawa ako ng Maykapal.

Pagkatapos, icheck ni manong guard ang aking ID, mabilis kong tinakbo ang loob ng campus para mahanap ang aking room.

ISHTM Department - ang department ko, only for the course BSTM's and BSHRM's. I take BSTM, I wanted to be a flight attendant someday. Mula ng makita ko ang ganda ng kanilang kasuotan habang nagseservice sa mga eroplano at mga paliparan, idinikit ko na sa utak ko na ito ang ipupursue kong kurso sa kolehiyo. Agad kong nakita ang klasrum ng Freshmen BSTM Students. Maingay, mukhang magkakakilala na silang lahat.
Nang napansin ata nila akong nakatayo sa may pinto ay agad silang napatahimik. Ngayun lang ba sila nakakita ng maganda?? Mygod, self. yumayabang ka na..

"Uhh, hi?" ang tangi kong nasambit. Ngunit di nila ako pinansin, bagkus ay may babaeng kumaway sa akin sa may bandang kanan, tila sinasabing doon na ako umupo sa tabi niya.

Naghanap ako ng bakanteng upuan at nahagip ng mga mata ko ang lalaking pamilyar sa akin.

Naglakad ako patungo sa direksyon niya, napatingin siya sa gawi ko ngunit agad ding nagiwas ng tingin. Diretso akong naglakad hanggang sa makarating sa bandang unahan ng upuan niya, sa tabi ng babaeng kumaway sa akin kanina.

Naupo ako at tahimik na nagmasid sa maingay kong mga kaklase.

"You are?", napalingon ako sa katabi kong babae, her hair are flowing softly long down to her shoulder, fair skin , and with a flushing smile as she waits for my answer.

"Astrid Villarejo", tipid kong sagot.
"Nice name, I'm Demi Agatha Morales," as she introduced her name. I smiled.

"Do you have friends already?" she asked again. Umiling ako bilang tugon sa tanong niya.
"You look so shy, you okay?" dagdag niya. I am amazed by her attitude, caring and soft.
"Ohh, Yeah, I'm fine, It's just that it was my First day today."
"OMG, I got my companion already, then we're friends," .I shook her hand as she lend it to me. I never thought I would have such this Introduction in my college start.

After the 2 consecutive hours of boring subject, natapos din ang klase at breaktime.. After lunch, may 2 subjects pa akong muli.

"Let's Go?" Nagpatianod na lamang ako sa kanya ng hatakin niya na lang ako sa braso.

After namin maglunch, bumalik kami sa room para sa dalawang sunod ko pang subject. Wala namang halos ginawa sa dalawang sunod na subject, bukod sa pahapyaw na pagtalakay sa lesson ay nagbigay na lamang ng assignments. Nang uwian, agad akong nagpaalam kay Demi para mag abang ng dyip sa highway, hapon na at kailangang makasakay ako agad kundi gagabihin ako pabukid. Pagsakay ko ng dyip, nagulat ako sa lalaking katabi ko sa upuan, siya ang lalaking nakita ko sa room kanina. Tinaasan niya lang ako ng kilay at hinayaang maupo sa tabi niya.

Napasinghap ako ng maipit ako dahil sa punuan na naman. Tumighim ang lalaking nasa tabi ko. Napansin ko ang kaunti niyang pagusod palabas ng upuan ng para makaupo ako ng ayos. Uhmm. Gentledog...este Gentlemen.

Sa halos trenta minuto sa pagupo, tumigil ang takbo ng dyip at tumayo ang lalaki sa tabi ko. Ngunit nagulat ako sa sinabi niya bago tuluyang bumaba.

"I already paid your fare, Miss Astrid. And oh! I'm not a dog."

What the. Does it mean he heard it. Shame on you, Astrid. Oh wait, he knows me. He knows my name. Naguguluhan man ngunit hinayaan ko na lamang. Why does it feels so strange when he said my name.Parang nadinig ko na ang boses na yun. Pamilyar talaga siya sa akin. Di ko lang maalala kung san ko siya nakita. Pagbaba ko, buti na lamang at may tricycle pa sa crossing papasok ng village, kaya di na ako nahirapan pang maghintay.

Parang napakahaba ng araw ko, mygod. So much for this day, I laid my back in my bed as I finally got home.safe. Naramdaman ko ang pagdampi ng balahibo ni Minchin sa paanan ko. I smiled, this is relieving.

Astrid: The Sunflower Lady(ON-GOING) SelaprinsesaWhere stories live. Discover now