Jay's POV
Sabi ng nanay ko, ang "College Life" daw ay simula ng mga "bago" sa buhay ko bilang estudyante at bilang tao. Maraming tao makakasalamuha, maraming mga bagay na mararanasan, ilan lang yan sa maaring dumagdag sa pahina ng buhay ko. Pero ang tanong? Is it the "Start of something new?" nga ba?
May 7, 2019, unang araw ng assessment, evaluation at enrollment ng halos lahat ng university dito sa lugar namin. Ako nga pala si Jay dela Cruz, 17 yrs old, 5ft 6inches ang height (hindi katangkaran), chinito daw (kapag nangiti or natawa daw kasi, tila nawawala ung mata ko), at mejo maputi sa normal na kulay ng isang pinoy.
Since ito ang araw na magsisimula ang college life ko. Nagpasya ako na ako na lang ang pupunta sa target University ko, ang Laguna State University dito sa Los Banos, Laguna, bukod kasi sa dito ako sa Laguna lumaki ay dito din ako pinagaaral ng tita ko na siyang magbibigay ng tuition ko. Kahit may kamahalan ang tuition dito ayos lang daw since siya naman daw ang gagastos at siya na ang bahala sa mga gagamitin ko sa pasukan katulad ng mga sets of uniforms at mga school necessities katulad ng laptop, notes, bag at iba pa.
Habang papasok ako ng university ay hinanda ko na ang cellphone at headset ko. Nakaugalian ko na kasi ang magsoundtrip kahit naglalakad ako, may pagkamahiyain kasi ako, pakiramdam ko nakatingin sakin lahat ng tao kahit hindi naman (hahahaha), kaya sa music na lang ako nagrely para maalis ang atensyon ko sa mga ganung sitwasyon.
Playing ... Invisible by Hunter Hayes (dito pa lang sa kantang ito masasabi mo nang mahiyain ako)
Habang naglalakad ako at busy sa pakikinig kay Hunter Hayes, may nakabangga akong isang lalaki at nahulog niya ung envelop niya sa pathway, buti na lang at hindi ko natapakan (muntik na kasi). Kinuha ko yung envelop, agad kong inabot sa kanya at humingi ako ng sorry. Wala naman siyang sinabi at umalis naman agad siya. Hindi ko masyadong naaninagan ang mukha niya, pero mukhang freshmen din na mageenroll. Malabo kasi ang mata ko tapos hindi ko pa suot ang salamin ko.
Pumunta ako sa bulletin board na malapit sa registrar office para i-check kung available at may slots pa ang course na gusto kong kunin. Bali-balita kasi na limited lang ang slots na ibibigay nila sa Engineering Courses. Yes, isa talaga sa mga pangarap ko ang maging Engineer. Buti na lang at may available slots pa.
Hinanap ko ang Engineering department para makapag-assessment at maevaluate ang grades ko nung Senior High School at High School. Medyo madaming nakapila pero mabilis lang daw naman ang assessment kaya ayos lang.
Secretaty: Dela Cruz, Jay! (tinawag na ako)
Jay: Yes Ma'am.
Secretary: Pumasok ka na sa assessment room at pumunta ka sa professor na nasa table #6.
Jay: Okay po.
Sinunod ko naman ang sinabi ng Secretary (kinakabahan ako).
Jay: Good Morning po Ma'am.
Prof: Good Morning Mr. Dela Cruz. Have a seat. (Umupo na ako at medyo kinakabahan).
Jay: Thank you po.
Prof: Alright, alam mo ba kung bakit ka nandito?
Jay: Yes po, para po sa assessment at para po macheck kung makakapasok po ako sa Engineering Department.
Prof: Magaling, okay, magumpisa na tayo ha. May mga tanong lang ako at sagutin mo lang ng deretso.
Jay: Okay po

ESTÁS LEYENDO
Simpleng Musiko
RomanceAng sabi ng nanay ko, ang "College Life" daw ay simula ng mga "bago" sa buhay ko bilang estudyante at bilang tao. Maraming tao makakasalamuha, maraming mga bagay na mararanasan, ilan lang yan sa maaring dumagdag sa pahina ng buhay ko. Pero ang tanon...