Cristine's P.O.V
Ako ngayon ang nakatoka para magbantay kay Andi, Andria's nickname
She's in a comma for about a weeks
"Andi, we miss you. Bangon ka na riyan, ang daming naghihintay sa'yo rito." sabi ko
Kinakausap ko siya lagi kahit tulog siya, sabi naman ng doktor naririnig kami ni Andi hindi nga lang siya makapagresponse kasi nga tulog siya
"Andi alam mo bang may new released song yung SB19? 'pag gising mo pupunta tayo sa concert nila." sabi ko at pinapakita sa kanya yung screenshots ko sa phone
Kahit tulog siya ganoon ang ginagawa ko. Bigla niyang ginalawa ang daliri niya,
tinitigan ko nang mabuti baka kasi namamalik-mata lang ako.
"Gumalaw yung daliri mo Andi! Dok! Dok! DOK!" nagkukumahog kong sigaw
"Bakit? Bakitttt?" nagmamadali si Dok na pumasok dito sa hospital room ni Andi
"Gumalaw daliri niya dok! Gumalaw" sabi ko
Lumapit si dok para icheck ang vital signs niya
Maya-maya minulat na ni Andi 'yung mata niya kaya agad kong tinawagan sila Tita
"Andi? Bb Andi? Nakikilala mo ba ako? Ako 'to si Nat-- si Tine" sabi ko at lumingon siya sa akin
"Tin?" tanong niya
"Oo, oo" sabi ko habang tumatango
"Nasan sila Thrixie, Marielle at Ronn?" tanong niya rin
Kumunot ang noo ko
"Bb Andi sino sila? Thrixie? Marielle at Ronn?" nagtataka kong tanong
Ang weird ni Andi, baka naman epekto 'to ng nangyari sa kanya.
"Kaibigan natin. Hindi mo sila kilala? Pati na rin si Sejun, nasaan na sila?" tanong niya
"Hindi bb e tsaka si Sejun nasa Showbt? Teka nga bb, ano ba 'yung mga pinagsasabi mo? Siguro nagugutom ka na tagal mo ring tulog" sabi ko
"May amnesia ka Tine?" tanong niya
"HAHAHAHAH ako ba talaga bb or ikaw? Pero hindi amnesia 'yung sa'yo. Nga pala Andi papunta na raw si mama mo rito" sabi ko
"Nakita niyo na ang mama ko?" tanong ulit niya
"Bakit nawala ba si tita tsaka hindi naman nawala si tita ah" magulo kong sagot
Ang weird sobra ni Andi nakapagtataka lang
Andria's P.O.V
Pagmulat ko ng mata ko, puti lang ang nakikita ko
Nasa langit na ba ako?
"Andi? Bb Andi? Nakikilala mo ba ako? Ako 'to si Nat-- si Tine" sabi Tin
abot langit ang ngiti niya
"Tine?" tanong ko
Nakapagtataka lang bakit hindi niya kasama 'yung tatlo? Pati na rin sila Sej, bakit?
"Oo, oo" sabi ni Tine na tumatango pa
"Nasaan sila Thrixie, Marielle at Ronn?" tanong ko sa kanya
"Bb Andi sino sila? Thrixie? Marielle at Ronn?" tanong niya na parang nagtataka siya?
"Kaibigan natin. Hindi mo sila kilala? Pati na rin si Sejun, nasaan na sila?" tanong ko ulit sa kanya, bakit parang 'di niya maalala 'yung mga kaibigan namin?
BINABASA MO ANG
The Risk of Falling (𝐈𝐧 𝐥𝐨𝐯𝐞) || SB19 Sejun
FanfictionIn this world full of stranger, we will encounter different people we didn't expect to be with. Araw-araw nakakakilala tayo ng iba't ibang tao, at minsan isa sa mga taong yun ay siya palang babago at nakatakda para sa iyo, pero paano? Paano kung ka...