Andria's P.O.V
Naging friends kami sa facebook pero wala talagang ganap.
Anyways, naalala ko na kung sino si Thrixie, Ronn at Marielle, they are my internet friends. Nakachat ko na sila and I tell them what happened kung bakit halos isang buwan akong 'di online.
"Ate?" tawag sa akin ng nakababata kong kapatid
"Hm?" response ko
"Ate namimiss na kita." sabi nito at niyakap ako
"Bakit naman, nandito lang naman ako sa bahay palagi." sabi ko
"Namimiss ko na yung dating ikaw kasi 'di na ikaw yung dati na madaldal at sobrang kalog. Kahit na lagi mo akong pinapaiyak dati namimiss ko iyon." sabi niya at nakikita ko na namumuo yung luha sa gilid ng mga mata niya
"Halika nga dito. Payakap. Alam mo bunso pansamantala lang 'to, babalik din si ate sa dati kapag naalala na niya lahat kaya 'wag kang malungkot bunso." sabi ko at niyakap siya
"Sana nga ate." sabi niya
Pati nga rin itong kapatid ko hindi ko maalala masyado pero gustong gusto ko talaga siya yakapin.
*cling* (messenger sound)
1 notification
John Paulo Nase sent a message
Nanlaki mata ko
"Woah, seryoso?" tanong ko
"Bakit ate?" tanong ng kapatid ko
Inabot ko sa kanya yung phone ko
"Nag Hi siya ate, nag HI!" sigaw niya sa tainga ko
"Kailangan ba talagang sa tainga ko sumigaw?" tanong ko
"Sorry naman ate pero seryoso ka ba ate 'yan lang reaksyon mo, hindi mo ba ako mabubogbug?" tanong niya
"Bakit 'di naman ako si boxingero para bugbugin ka, bakit gusto mo ba. Hintayin mo lang bumalik lahat ng alaala ko, yare ka sa akin" biro ko sa kanya
"Luh nagtanong lang ate HAHAHA. Sige doon na ako, enjoy the conversation." sabi niya at lumabas ng kwarto ko
Dahil nga nagchat siya ng HI sa akin, nagreply ako ng HELLO
Chat Conversation
John Paulo: Hi
Hello:👱♀️
John Paulo: Nagkita na ba
tayo before?Yes, yung sa milktea shop:👱♀️
John Paulo: Except that day
What do you mean?:👱♀️
John Paulo: Puwede ka ba bukas?
May trabaho ako bukas :👱♀️
pero maaga naman ang
uwi koJohn Paulo: Magkita tayo
bukas doon sa Milktea
Shop.Ok, chat na lang kita pag:👱♀️
Out ko naEnd of Convo
Ano naman kayang meron?
Bakit gusto makipagkita ni Sejun?
Panaginip na naman ba 'to? Pwes, magising na sana ako para naman hindi na ako umaasa na magkakatuluyan pa kami.
BINABASA MO ANG
The Risk of Falling (𝐈𝐧 𝐥𝐨𝐯𝐞) || SB19 Sejun
FanfictionIn this world full of stranger, we will encounter different people we didn't expect to be with. Araw-araw nakakakilala tayo ng iba't ibang tao, at minsan isa sa mga taong yun ay siya palang babago at nakatakda para sa iyo, pero paano? Paano kung ka...